Chapter 8 - Awkward

Start from the beginning
                                    


"Asan si Eli?" Tanong ko nung iniabot niya na sa akin ang bag ko.

"Nasa baba. Gustong uminom ni Ian ng tubig kaso ayaw niyang bitawan kamay ni Adeline"


She giggled and so is Gigi. Kinikilig sila sa mga nangyayari sa crushlife ni Eli.

Ako lang ata ang nag-alala.


Sobrang lasing na ni Kilian at sure akong wala siyang maaalala sa mga nangyari kinabukasan. Or at least kung meron man ay mahihiya naman siya sa mga pinaggagagawa niya.


I bet he'll stay away more from my friend.

Sana ay marealize ito ni Adeline upang wag siyang mag-assume or mag-expect.


"Puntahan natin siya"

"Mamaya na. Nauuhaw din naman ako" Gigi said while pushing me towards the bathroom.


Sabay-sabay na kaming nagpalit ng pantulog, naghilamos at nagtoothbrush.


Pumupugay na ang aking mga mata sa pagkaantok.

Kulang pa nga pala ako ng tulog kagabi kaya siguro doble ang sakit ng ulo ko ngayon.


Gustong-gusto ko ng dumiretso sa kama paglabas namin ng CR kaso hinila nila ako papunta sa baba kung saan nakita namin si Ian na nakahiga na sa sahig at si Eli na nakatitig lamang dito.


Enzo, Jiro and Jackson were nowhere to be found. Tingin namin ay nasa rooftop sila upang isara ang pintuan doon.


"What happened to him?" Tanong ko agad.

"H-he just...fell"


Ayan. Bumigay na ang loko.


"Are you okay?" Tanong ko nung umalis sila Ika at Gigi upang humingi ng tulong kila Enzo.

"Of course. Why'd you ask?"

"Para kang gulat na gulat diyan"


Namula bigla ang mga pisngi niya at tumakbo paakyat.

EH? May nasabi ba kong mali?

Hmmmm.


"Huy ian, gising" Sinipa-sipa ko ng kaunti ang kanyang paa pero tulog na talaga siya.


Kumuha na lang ako ng baso sa gilid at ng tubig sa ref.

Habang nainom ay napaisip ako.


Parehas kaya kami ng naramdaman ni Jiro nung sumayaw kami kanina?

Bumilis din ba ang tibok ng puso niya?


Napangiti ako sa kilig habang inaalala yun.

Pakiramdam ko'y nasa tenga ko pa rin ang kanyang mga labi at ang kanyang mga kamay ay nakadikit pa rin sa bewang ko.



"What's with Ian? Bakit ba ang dami niyang ininom na alak?" Tanong ni Enzo kay Jackson habang binubuhat nila si Killian na tumutulo pa ang laway. "At yung si Jiro. Napaka-emo. Nagpaiwan pa sa rooftop. May problema ba yun?"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now