CHAPTER 1: Meeting Blood Empire

Depuis le début
                                    

"di naman niya malalaman diba? diba?" Nilakihan ko ang mga mata ko at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Mabilis naman niya itong tinanggal at tumingin sa labas ng bintana.

"Fine! but wag mo akong isali kapag nabuking tayo!"

"you know you can trust me with that!"

This is so exciting! di ako makapaghintay na makapunta sa bago kong school! pakiramdam ko kasi dun ako nabibilang, doon nabibilang ang mga katulad ko na kakaiba.

hindi 'to alam ni mommy dahil alam kong hindi niya ako papayagan, alam niyang may kakaiba sa akin but she keeps on pushing me to fit in the world that I do not and will never belong.

Tumingin lang muna ako sa labas ng bintana, naguguilty ako kasi ayaw ko namang saktan ang mama ko, ayokong magsinungaling sa kanya pero hindi ko talaga kaya. pag ipilit niya ako sa school na yun masusuffocate ako kasi para sa kanila... I'm a freak.

"Andito na po tayo" sabi nung driver, di ko namalayan na nandito na pala kami. Bumaba na kami ng kotse at naglakad papunta sa garden nila, likod ng bahay. Malaki at mala-mansyon ang bahay nila, but people treat is like a haunted house since sobrang tahimik. Never ko pang nakita na nandito yung mga magulang ni Kaylie.

Tumayo kami sa gitna ng malaking hardin nila. May malaking fountain na walang laman na tubig sa gitna nito. Umakyat siya sa gilid ng fountain kaya sumunod ako sa kanya.

"Baka madulas tayo" nag-aalalang sabi ko sa kanya ay mahigbit na hinawakan ang kamay niya. Pilit naman niya akong tinutulak palayo.

"Ano ba Ela wag kang ano, di tayo mahuhulog." inis niyang sabi sa akin. Huminga siya ng malalim ay sinugatan ang sarili niya. Napasinghap ako at tiningnan siya.

"N-nahihibang ka na ba?" pabulong kong tanong sa kanya pero inirapan lang niya ako.

"Okay Elafris, It's now or never." may mga sinabi siyang hindi ko maintindihan at biglang lumakas ang hangin kaya napapikit ako. Nung naramdaman kong tumigil na ay binuksan ko na ang mga mata ko.

There it is. A portal inside the fountain. Nagkatinginan kami, napangisi ako.

"Omygod!" I squealed. hindi ko macontain ang kasiyahan na nararamdaman ko. totoo ba talaga 'to? ito na ba talaga?

Kinuha ni Kaylie ang maleta ko at unang inihulog sa malatubig na portal sa baba ng fountain. Nagkatinginan kami pero pinanliitan niya ako ng mga mata.

"Alam mo naman ang rules kapag nandun ka diba? number 1-"

"Who cares?! let's go!" mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at hinila si Kaylie papasok sa portal.

3RD PERSON'S POV

"Logan paabot nga ng chips!" utos ni Blake habang nakatutok ang mata sa game na nilalaro nila

"Ano ako? katulong? ikaw kumuha!" sagot naman ni Loganat umalis, tiningnan siya ng masama ni Blake

"tngina mo!"

"same to you!"

"Ano ba kayo?! ang iingay niyo" sabi ni Jayden habang bumababa ng hagdan galing sa kwarto niya at mukhang kagigising palang

"Siya kasi!" sabay nilang turo sa isa't isa. hindi nalang sila pinansin ni Jayden at pumunta ng kusina

pumasok naman si Tyler at Ash na pawisan at kakalaro palang ng basketball, dinaganan ni Ash si Logan kaya sumigaw ito

"pta naman brad! lumayo ka! pawisan ka oh!" pilit naman na tinutulak ni Logan si Ash pero tawa lang ng tawa yung isa

"Shower muna ako" paalam ni Tyler at umakyat sa kwarto niya.

Patuloy ang ginagawa ng mga lalaki nung biglang umilaw ang gitna ng sala nila

Bumuntong hininga si Logan "kahit kailan talaga, mahilig sa dramatic entrance ang isang 'to"

LADY ELAFRIS HALE

Napapikit ako ng may maramdamang pwersa na humihigop sa katawan ko, mahigpit akong nakahawak sa braso ni Kaylie. Jusko sana makarating kami ng buhay ng bestfriend ko

"Uy. Andito na tayo" unti unti kong binubuksan nag mga mata at laking gulat ko ng Makita ko ang hindi kasa asahan. 

I dreamed of a mystic forest with trees and fairies and magical beings.  Akala ko makakakita ako ng lumulutang na ilog at kakaibang mga nilalang.

Instead, I saw unpleasant men inside a dormlike house. Napanguso ako, naligaw ba kami ni Kaylie? Nawala ba kami? hindi ba ito yung dapat naming puntahan?

Tiningnan ko si Kaylie na puno ng pagtataka, hinihintay kong sabihin niya na 'ah, sorry po hindi po dito' tapos aalis kami pero nagkibit balikat lang siya sa akin.

"You're back" sabi nung isang matangkad na lalaki na kahawig ni Kaylie. Her brother, Logan Hollows. Ito na nga yata yung sinasabi ni Kaylie na paaralan para sa tulad ko, since nandito yung kuya niya.

"And you have someone with you" dagdag pa nung isang pawis na pawis, Ash Phantom.

Nakatingin lang din yung iba, Jayden Silvercast na may iniinom na juice, Tyler Alvon na mukhang bagong ligo dahil basa pa ang buhok at yung bagong dating galing kusina na si Blake Fletcher at may dala dalang chips.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, when Kaylie said that her brother was a part of a band akala ko yung typical band. I never thought that her brother is a member of Blood Empire.

Lumapit saakin yung kuya ni Kaylie at hinalikan ang kamay ko

"I forgot your name, can I call you mine?" sabay kindat. Napangiwi ako sa sinabi niya at dahan-dahang kinuha ang kamay ko mula sa kanya but I just decided to play along.

 "My name's not Mine but you can call me yours"  kinindatan ko din siya. Napa 'oohhh' yung mga kasama niya at nag-iwas tingin ako.

Mukhang nagulat siya at napatulala. Tumawa ako habang hinampas naman ni Kaylie ang kamay ng kuya niya galing sa kamay ko

"Back off kuya, She's Lady Elafris Hale and she's not one of your die hard fan girls" mataray na sabi ni Kaylie. Naramdaman ko naman na may paparating kaya mabili akong nakailag

"Kuya Blake!" saway niya sa isang lalaki na tinapunan ako ng unan 

"What?" painosente nitong tanong

"Blake!" tawag ko sakanya, nung nakuha ko ang atenson niya kumindat ako kaya napatulala siya, kinuha ko ang oportunidad na tapunan siya ng unan sa mukha

Tinawanan ko siya pati narin ang niyang mga kasama 

"Sabi ko na sayo eh! Hoy mga kuya! Except kay Ash dahil magkaedad lang tayo, wag niyong paglaruan 'tong bestfriend ko dahil kung mga baliw kayo, mas baliw 'to sa inyo!"

Hindi ko alam kung maooffend ako o ano pero pinaupo nalang nila ako sa sofa

"So, what brings you here?" tanong agad ni Jayden at umupo sa upuan na nasa harap ko, tumabi sa kanya si Logan at Tyler

"I'm gonna study here" kumunot ang noo niya, nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinagot ko.

 "hindi 'to paaralan ng mga oridnaryong tao" sagot niya, lumingon siya aky Kaylie na may nagtatanong na mga mata pero umirap lang ito.

Kumunot din ang noo ko at pinakita sa kanya ang palad ko at ipinalabas ang maliit na tubig

"Don't tell me-"

"Yes, I have an ability" hindi ko na siya pinatapos at ngumiti na lamang hanggang sa makarinig kami ng kalabog sa labas, lumabas kaming lahat at nakita ang isang napakalaki na griffin sa harapan namin

"Dang, Rift, How many times do I have to tell you to land swiftly?"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant