The Childhood Days of Jomart And Gracielle: Coloring Book (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kasi," ang sabi niya, "nami-miss ko ang mommy ko, nasa heaven na siya."

"Ang ibig mong sabihin," ang sabi ko, "namatay na ang mommy mo?"

"Oo, " ang sagot niya, "namatay siya nang ipinanganak ako. Ang daddy ko, inaalagaan niya ako."

"Mabait nga ba ang daddy mo?" ang tanong ko.

"Oo," ang sagot niya, "psychologist ang trabaho ng daddy ko sa ospital."

"Psy--cho--lo--gist?" ang paputol-putol na sabi ko. "Ano 'yun?"

"'Yung pagsusuri ng kilos at ugali ng isip ng tao," ang paliwanag niya, "depende kung gaano talaga mabuti o masama."

"Aaah," ang sang-ayon ko, "sa palagay mo ba pareho ba tayong matino?"

"Oo naman," ang palagay niya, "gano'n talaga bihasa ang duktor na psychologist tulad ng daddy ko na tinitignan 'yung memorya natin kung matino man o may sira ang tuktok."

Biglang natatawa ako nang tuluyan nang dahil sa sinabi niyang "sira ang tuktok" sa kabila na masyado talagang sensitibo ang pag-uusap namin sa murang pag-iisip namin.

"Hoy, anong nakatatawa 'yon?" ang masungit na sinabi niya.

"Alam mo, miss," ang sabi ko, "hindi lamang sa magandang paliwanag mo, kundi nag-cute talaga ang ganda mo."

"Ha?!" ang pagtaka na sabi niya na nakunot ang kilay niya. "Pati 'yung ganda ko, pinahanga mo ako?!"

Habang patuloy pa akong makangiti sa aking sarili sa harap ng pakikipagkaibigan ko ng batang babae, ay sinabi ko sa kanya, "Gusto mo ba magkaibigan tayo?"

"Ha?!" ang pagtaka na sabi niya nang nalaman na hinihinala niya sa akin na gusto ko mapagligawan ko sa kanya. "Gusto mo rin ako mapagkaibigan sa 'yo?"

"Oo," ang sagot ko, "pero may paraan ako para maging masaya ka."

"Paano?" ang tanong niya.

Sasabihin ko na sana kung anong bagay na gagawin ko sa kanya--tulad ng paglalaro namin dalawa o magkwento ng matinong katatawanan--nang tumunog na ang school bell na oras na ang pagpapatuloy ng klase namin sa kabila na nakalimutan pa akong kumain ng meryenda.

"Naku," sabi ko, "mamaya muna tayong mag-usap 'pag tapos na ang klase. Teka nga, ano pala ang pangalan mo?"

"Gracielle, Gracielle Tundangan," sagot ng babae, "taga Grade 3 ako. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Jomart Bernardino, taga Grade 3 rin ako," ang sagot ko. "Anong birth date mo pala? March 16, 2000 ako."

"Ako?" sabi niya. "May 18, 2000."

"Kaya pala," ang sang-ayon ko, "mas mauna akong ipinanganak kaysa sa 'yo."

"Bakit," ang hinala niya, "balak mo akong ligawan?"

"Hindi, ah," ang pagtanggol ko, "kahit magkaibigan tayo, alalayan kita sa nararamdaman mo para mapasaya kita. O sige, magkikita uli tayo mamaya 'pag matapos na ang klase."

Pagkaraan ng ilang oras ng klase namin hanggang matapos na ito tuwing hapon, halos nalabasan ng kaklase namin na napasundo pa ang kanilang mga magulang o yaya. Samantala naman ay inaantay ko kung lumabas nga ba si Gracielle subalit ni lahat ng ibang babaeng kaklase ay tugma sa nakilala ko siya nang mukhaan, kung kaya nagsimula akong maghanap kung saan-saan. Pagkaraan ng ilang minutong paghahanap ko ay nakita kong nakaupo lang siya sa sementadong upuan at mesa kagaya ng dati.

"Hoy, Gracielle," ang tawag ko sa kanya nang nilingon niya sa akin, "ba't nakaupo ka dito?! 'Di mo ba makaligtaang magpasundo sa 'yo?"

"Nagtatrabaho pa kasi ang daddy ko," ang sagot niya. "at habang wala pa siya, may gagawin pa akong assignment kung meron lang."

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon