Ang tatlong kasakay nila Jason at Sarah sa van ay  magkakaibigan na nagbabakasyon lang din sa Pilipinas galing ng Canada. Nakipagkilala sa kanila at nalaman nilang kung saan saan na rin sila nakarating sa Pilipinas. Nabalitaan daw nila na ang Santa Ana ang Boracay ng North kaya gusto din daw nilang makita. Isa lang daw ang napansin nila sa lahat ng pinupuntahan nila, pambihira daw ang on time. Lagi daw late gaya ng nangyari sa kanila. Sa isang table na rin sila kumain, nagkuwentuhan , nagpalitan ng mga experiences sa  mga lugar ng napuntahan nila. Nuong una dahil mga english speaking ang mga ito, kumibo dili si Sarah. Pangiti ngiti lang ito pero dahil lagi din siyang isinasama ni Jason sa usapan, tinatanong, kinukuha ang opinion niya, bandang huli ay napalagay na rin ang loob niya at hindi niya namamalayan ay nag enjoy na rin siyang makipagkuwentuhan sa mga tourists na canadian.

Hindi nila namalayan na lumipas ang oras, namataan na lang nila ang van na pumarada sa harap ng restaurant.  Dali dali ng tumayo ang lima, nagulat pa si Jason ng marinig ang tili ni Georgina ng palabas na sila ng restaurant. Pare pareho silang nagulat ng makita nila si Georgina na patakbong sumasalubong sa kanilang tuwang tuwa.

Sa sobrang pagkabigla ay napahawak si Jason sa kamay ni Sarah. "What is she doing here?" Nagulat na tanong nito kay Sarah.

"And why are you asking me? As if I know." Nagulat na sagot naman ni Sarah.

"What you doing here? Why are you here?" Tuwang tuwang tanong ni Georgina. Halatang halatang kay Jason lang ito naka focus. Hindi pinansin si Sarah na nasa harapan din niya.

"We are here for business Georgina, you?" Humigpit ang pagkakahawak sa bewang ni Sarah na pasimpleng inaalis ang kamay ng binata.

"Business and pleasure. I am meeting Mr. Tagauchi  in Santa Ana.  He is thinking of building a private beach resort there. He wants me to look at it. "

Biglang nagpanting ang tenga ni Jason. Nakawala naman si Sarah sa pagkakahawak ni Jason at nagtuloy tuloy ng naglakad papunta sa van. "Mr. Tagauchi? Property? Which one?"  May duda na ang binata na ang tinutukoy na property ni Georgina ay ang  titingnan din nila ni Sarah.

Nakita ni Sarah na nasa likod na ang kasamang kaibigan ni Georgina, nagulat din ito ng makita si Sarah,  inismidan lang siya nito. Natigilan din ang tatlong kasabay ni Sarah, nahalata na nilang  hindi maganda ang sitwasyon.

"This is going to be a long ride," bulong ng isa kay Sarah. I bet you don't want to sit at the back. You can take my seat here at the front, I will sit with those two. Unless you want to sit between them."

"Thanks, if you don't mind , will take the front seat."

"Not at all, go ahead, sit before someone else take it."

"Thank you, Craig, that is so nice of you."

"My pleasure Sarah, hope we can hang out sometime while we are there. I hope you'll have time to relax and have some fun too, not all business. " Ngumiti ito habang inaalalayang makaupo sa harap ng van ang dalaga.

Nahalata ni Sarah na mainit na ang ulo ni Jason ng makalapit ang mga ito sa van. Lalo ng nagdilim ang tingin nito ng makitang nakaupo na si Sarah sa harap. "What the fuck are you doing sitting there?" Hindi na maitago ang init ng ulo ng binata.

"Huwag ka ngang sumigaw diyan. Nagmagandang loob na nga si Craig na dito ako paupuin. You are out of your mind kung duon mo ako pauupuin sa likod with them." Inis na sagot ni Sarah.

"We were sitting there first." Napipikong sabi ni Jason.

"I am sure they did not know that, hayaan mo na dito na lang ako, ikaw na lang sa tabi nila."

Pag-ibig, Noon at NgayonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ