"Great to see you again Bro, welcome to Cagayan Valley Region." Sabi ni Miguel.

"How are you Bro, did not expect to see you here. Is this a grand welcome for an old buddy?" Biro ni Jason.

"I miss Sars so when she mentioned she will be with you in Santa Ana this week,  I made sure  I have time to see her.  I want to spend few days with her but  because of the upcoming election, my schedule wont allow it. Ikaw naman kasi, kung ipinaalam mo agad sa akin di sana, nagawan ko ng paraan." Sisi nito kay Sarah sabay pindot  sa ilong ng dalaga.

Kurot naman ang inabot niya , "ikaw, pango na nga pinipindot pa."

"Ang cute kasi ng ilong mo." Tukso na naman ni Miguel sa kababata.

Yumuko naman si Jason sa nakikitang closeness ng dalawa. Pilit tinatago ang nararamdamang selos pero  laking pasasalamat din niya na hindi na sasama si Miguel sa Santa Ana. Tatlong oras pa ang biyahe nila papunta duon.

May lumapit sa kanilang unipormadong driver ng tutuluyan nilang resort.

"Sir , kayo po ba si Mr. Jason Opsima?"

"Tumango si Jason, nagpakilala ang driver, ipinakita ang ID at  sinabing ready na siya kung ready na rin sila Jason. May mga kasama din kasi silang susunduin ng shuttle  van.

Nagpaalam si Jason kina Sarah at Miguel, sinabing aasikasuhin lang niya lugage nila sa shuttle van, gusto din niyang makalayo sa dalawa bago pa siya may masabing hindi maganda kay Miguel at Sarah. Hinayaan na lang niya ang dalawang magkuwentuhan, nagkunwari siyang naging busy sa telepono hanggang sa ready ng umalis ang sasakyan nila.

Nilapitan niya ang dalawang masaya pa ring nagkukuwentuhan malapit sa sasakyan nu Miguel.

"Sarah, our ride is ready to go."

Nagpaalam naman agad si Sarah kay Miguel. Muling niyakap ng mahigpit ni Miguel si Sarah, hinalikan sa may noo. Nakipagkamay ng mahigpit kay Jason. "Great to see you Bro, see you soon. Sars ha , huwag mong kalimutan , ikaw ang kasama ko sa wedding sa Tagaytay. "

"Opo, hindi ko nakakalimutan. Bakit kasi ako pa isasama, isama mo na lang isa mga girlfriends mo." Pang aasar ni Sarah sa kaibigan.

"Sa mga ganoong pormal na okasyon, ang isinasama daw yung mga asawa or legal hindi mga kabit kaya ikaw dapat kasama ko duon." Bweltang biro naman nito.

"Sira, sige , thank you for seeing me here, kahit na alam ko kung gaano ka ka busy. Ingat ka ha and regards kina Tita at Tito."

"Ba bye numero uno ng buhay ko." Nakangiting kaway nito kay Sarah.

Parang batang dinilaan ni Sarah ang matalik na kaibigan at hinayaang alalayan siya ni Jason na makapasok sa  7 seater van.  May tatlo  pa silang kasamang pasahero  at ang piniling upuan ni Jason ay ang pinakadulo. Tatlong oras pa ang biyahe nila bago sila makarating sa Santa Ana at gusto ni Jason na sa tatlong oras na yun, sa kanya nakahilig ang dalaga.

Akala nila paalis na sila ng sabihin ng driver na maganda daw siguro kung kumain muna sila dahil na delay daw  yung pasahero nila na nakasakay sa Cebu Pacific. Mga 45 minutes lang daw, kumain muna daw sila, at binigyan sila ng mga informations kung saan puwedeng kumain pero sana daw ay huwag silang masyadong lumayo.

Walang nagawa ang limang pasahero ng van kung hindi bumaba uli. Kinuha ni Jason ang mga bag nila ni Sarah kung saan naroon mga laptop nila.

“Let’s go, gutom ka na rin siguro. Ano gusto mong kainin?”

Lumingon lingon si Sarah sa paligid.”Parang gusto kong kumain sa jollibee, meron kayang malapit?”

Nilapitan ni Jason  ang driver at tinanong, sinabi ng driver na dadalhin niya ang mga ito  duon kung gusto nila, hindi naman daw kalayuan , babalikan na lang niya ang hinihintay niyang pasahero. Tinanong na rin nito ang tatlo pang pang pasahero kung gusto din nilang pumunta ng jollibee. Umuo na rin ang tatlong lalaking kasakay nila sa van.Napagkasunduan nila na duon na lang sila dadaanan uli ng driver para hindi na sila bumalik ng airport.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon