Strings 49

2.8K 50 0
                                    


Rad's pov


Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ako. Hindi na ako makatulog habang yung babaeng katabi ko naman ay sobrang himbing pa ng tulog.

Ang bilis ng mga pangyayari. Sobra ko syang namiss kaya naman isang halik lang nya ay tumiklop na ako. Pinilit kong lumaban pero nanaig pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Inaamin kong nasaktan ako sa panloloko nila sa akin pero para akong maluluha ng sabihin nya ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.

"Selfish na ako na kahit alam kong straight ka ay minamahal pa rin kita.. at umaasa pa rin na mamahalin mo rin ako..." Mahal ako ni Jovs.. at mahal ko rin sya kaya naman binigay ko na ang kabuuan ko sa kanya.

Pero tama ba ang ginawa ko? Nadala lang ba ako ng emosyon ko at agad nalang akong nagpaubaya? Paano naman si Pia? Hindi ba't sya ang totoong mahal ni Jovs?

Naguguluhan ako at nasasaktan.. ano ba talaga ang totoo? Ang tanging alam ko ay mahal ko si Jovs.. pero si Jovs.. sino ba talaga ang mahal nya?

Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko at naramdaman ko nalang ang pagdidikit ng katawan namin. Niyakap nya ako habang nakatalikod sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa ako sa leeg.

"I love you..." halos pabulong nyang sabi. Sobrang saya lang ng nararamdaman ko pagsabi nya nito.

Ilang sandali pa ay pinugpog naman nito ng halik ang leeg at balikat ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya naman hinarap ko na sya.

"Jovs.. matulog ka na.."

Dumilat ito at nginitian lang ako. Ilang sandali pa ay nilapit nya ang mukha nya at inangkin ang mga labi ko. Nakakahumaling ang mga labi nya kaya tumugon na rin ako. Ramdam kong pareho kaming nag-iinit at nagsimula na namang maglakbay ang kamay niya. Agad ko naman syang pinigilan sa binabalak nya.

"J-jovs..."

"Hmmmm?"

"Mahal mo ba ako?"

"Mahal na mahal..."

"P-paano si Pia?"

Bigla syang dumilat pagkarining sa tanong ko, "What about her?"

"Hindi ba, s-sya naman talaga ang mahal mo? Inamin mo noong birthday ni Aly.. s-sabi mo, s-sya lang ang reyna sa puso mo..."

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin pa rin sa akin. Ilang sandali pa ay nakita kong sumilay ay isang nakakalokong ngiti sa mga labi nya, "Akala mo ba si Pia yung pinag-uusapan namin sa birthday ni Aly?", tanong nito at bigla nalang itong tumawa.

Hinampas ko sya sa braso, "Jovs naman eh!" nagseselos na nga ako pero nagagawa pa nyang mang-asar. Kainis!

Ngumiti naman ito at tumingin sa mga mata ko, "Bakit mo naman naisip na si Pia yun?"

"Eh kasi... sino pa ba ang reyna dito.. mestisa.. at maganda.."

"Mestisa nga sya at maganda... pero isang tao lang naman ang nagpapakabog sa dibdib ko tuwing tinitingnan nya ako.. at tuwing nginingitian nya ko, para akong natutunaw.." hinawakan nya ng parehong kamay ang mukha ko.

"Ikaw yun Chel.. ikaw lang ang reyna sa puso ko.." pagkasabi nito ay siniil ulit nya ako ng halik. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya buong pusong tumugon ako sa kanya. Naghahabol kami pareho ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Pero may bumabagabag pa rin sa loob ko...

"P-pero anong... anong ibig sabihin ng litrato nyo na magkahalikan? At-at m-may nangyari na sa inyo.. sa iyo pa mismo nanggaling.." hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Anong litrato??" tanong nito. Saglit itong nag-isip at nakangiti pang nagtanong, "Teka, saan mo nakuha yun?"

Napahikbi nalang ako sa tanong nya.

"Ito naman... joke lang.. wala yun! May stalker kasi si Pia. Kailangan kong pagmukhain na hinalikan ko si Pia para mabisto ko siya.. pramis! Hindi ko sya hinalikan. Magkalapit lang ang mukha namin pero hindi kami nagkiss." mahabang sabi nito sabay pahid sa pisngi ko.

"Naalala mo yung minsang nakita mo akong may dugo sa pisngi? Binugbog ko kasi yun.. tapos may tumalsik na dugo galing sa mukha nya sa pagkakasuntok ko sa kanya..."

"P-pero may nangyari pa rin sa inyo! Hindi ba't sabi mo kila Aly.. natulog ka pa nga sa unit nya at ng tanungin ka kung anong ginawa nyo, ang sabi mo e sa iyo nalang yon.." sabi ko habang patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko.

Natawa na naman ito ng bahagya. Kainis ka talaga!

"Walang nangyari sa amin. Pramis." sabi nito sabay ayos ng buhok ko sa likod ng tenga ko, "Nagshower sya nun at medyo nakita ko yung dibdib nya.. naattract ako at naimagine kong magme-make love kami..." pag-amin niya. Lalo pa akong naiyak sa inamin nya.

"Pero Chel, iyon yung time na sobrang miss kita.. at sa pagkamiss ko sayo ay ikaw ang naimagine ko na ka-make love ko.. totoo yun Chel.." buong matang paliwanag niya. Kita ko ang sinseridad at pagsasabi nya ng katotohanan. Hindi ko na tuloy napigilan ang emosyon ko.

"Chel please.." alo nya, "maniwala ka.. ikaw lang ang mahal ko..."

"Naniniwala naman ako... nakakainis ka lang kasi! Bakit hindi mo sinabi agad... nagselos pa ako kay Pia..." reklamo ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay sobrang saya ko sa pag-amin nya.

Natawa naman ito ng bahagya at tumingin sa akin, "Sorry Chel.. sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo. Natatakot kasi ako na baka layuan mo ako.. alam kong straight ka at walang pag-asa na magkagusto sa akin kaya natakot ako.." pumatak ang luha sa mga mata nya pero nagpatuloy pa rin siya, "kaya nga sobrang saya ko ng sabihin mong mahal mo rin ako..."

Pinahid ko ang luha sa mga mata nya, "Straight naman talaga ako.. ikaw lang ang nagpabaluktot sa akin..." ngiting sabi ko sabay siil ng halik sa kanya. Agad naman itong tumugon. Nagiging mainit na ang paghahalikan namin ng tumunog ang phone nya.

"Jovs, yung phone mo."

"Wala akong pake..." sabi nito at binalikan ang mga labi ko. Agad ko naman syang sinaway kaya inabot din nito ang phone nya.

Pansin kong nagliwanag ang mukha nya kaya nacurious ako, "Sino yan?" tanong ko pag-upo sa kama at pag-ayos ng kumot sa katawan ko.

"Si Pia." sabi naman nya habang nakangiting tinitingnan ang phone nya.

Kunot-noong tumingin ako sa kanya at agad naman itong umusog sa tabi ko. Hinalikan pa nya ang pisngi ko bago nagsalita, "Ito naman, wag ka na magselos..." biro nya at hinampas ko naman ang braso niya.

Inabot nito ang phone nya sa akin. Nagsend si Pia ng picture kasama ang magandang babaeng blonde ang buhok. Binasa ko ang caption nya, "Miss USA says hello...", kunot-noo pa ring bumaling ako kay Jovs. "Sino to?"

"Crush ko.." ngiting sagot nya. Hinampas ko ulit ang braso nya.

"Ito naman.. crush lang.. nagagandahan kasi ako sa kanya.. pero ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko..." anito sabay halik ulit sa pisngi ko.

"Talaga lang ha..." ismid ko. "Pero sinong mas bet mo? Philippines o USA?"

"Philippines syempre!" at hinampas ko ulit sya.

"Aray! Sumosobra ka na ha..." sabi nalang nya sabay sunggab at kiliti sa bewang ko. Napatili at napahiga nalang ako sa pangingiliti nya kaya napadagan sya sakin.

"Kapag nanalo si USA, ipagluluto kita ng kare-kare.." birong hamon ko sa kanya.

"Kapag Philippines ang nanalo, sakin ka ng isang gabi..." ngiti nito at pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi nya kaya kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.


--



Falling In (Gonzaquis)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin