Strings 27

2K 47 0
                                    


Nakabalik na ako sa pwesto namin ng bigla akong kausapin ni Aby.

"Jovs saan ka naman tumatambay ngayon sa raket mo?"

"Umuuwi pa rin naman ako sa HQ pero kapag masyado ng gabi e doon na ako sa Cubao. Doon kasi ang homebase ng Binibining Pilipinas." sagot ko.

"Saan sa Cubao? Cubao station?" tanong naman ni Aly. Natawa nalang kami.

"Baliw. Doon sa Araneta."

"Ah, pero julalay ba talaga ang peg mo sa kanila?" tanong ulit ni Aby.

"Hindi naman. Present lang ako kapag official functions and public apperances nila as Binibining Pilipinas winners. Pero may times na sinasamahan ko si Pia sa mga lakad niya kapag inutos ng management nila."

"Kaya pala kamo nakasama ka sa photoshoot niya minsan in two-piece?" usisa ni Aly.

"Oo pero siyempre hindi naman ako kasama sa studio. Yung homecoming niya sa Cagayan De Oro, ayun pinasama ako dun. Kaya hindi ako nakaattend ng practice. Buti na nga lang at pinaglaro pa ako ni Coach sa mismong game. Umubra yata yung binigay kong pasalubong galing CDO."

"Sosyal nakakapag out of town ka rin pala. Saan pa ba ang ibang escapades niyo?" usisa pa ni Aby.

"Eh, gym." maikling sagot ko.

"Wow Jovs, nagwowork out ka na din?" tanong naman ni Aly.

"Hindi a. Siya lang. Though minsan pinasubok rin niya sakin yung ilang routine nila sa core exercises.. hindi ko nga lang kinaya. Sabi ko nalang sa kanya e hindi naman ako lalaban sa Miss Universe." natawa ako, saglit na huminto at nagpatuloy, "Minsan sobrang gabi na e mag-aaya pa rin siya sa gym. Siyempre kailangan ko siyang samahan kahit madaling araw na ang tapos ng work out niya.. grabe, parang athletes na rin sila sa pinagdadaanan nilang training."

"Parang sport na rin pala ang Miss Universe no?" segunda ni Aly.

"Oo. Ang hirap nga lang sa kanila, may strict diet sila para maganda ang proportions ng katawan nila. Tayo kasi okay lang kumain ng kahit ano, kahit gaano karami dahil nabuburn lahat ng kainin natin sa court..."

"Sabi ko na kaya nagvolleyball nalang ako e." birong sabi ni Aby. Nagtawanan kami sa hirit niya.

"Iba rin yung pressure sa kanila, kaya minsan napapaiyak nalang sila..." pagpapatuloy ko.

"Talaga?? Bakit, nakita mo ng umiyak si Pia?" usyosong tanong ni Aly.

"Hindi. Hindi naman kasi niya pinapakita sakin. Pero makikita mong affected din siya sa pressure sa kanya lalo na't ilang beses ng pumapasok ang Philippines sa Top 10... nakita ko yun sa mata niya ng minsang patulugin niya ako sa condo niya..."

"Ano?? Nakisleepover ka na sa condo niya?" biglang usisa ni Aly.

"Wala akong nagawa. Madaling araw na daw kasi.."

"Ano naman ginawa nyo?" tanong pa ni Aly.

"A-ano bang gagawin namin, syempre natulog..."

"Natulog kayong dalawa sa isang kama?? At natulog kayo agad??" isa pang tanong ni Aly. Parang may gusto syang palabasin sa mga tanong nya.

"Siyempre hindi! Nagshower muna kami--ng magkahiwalay ha--tapos..."

"Tapos??"

"W-wala! Sakin nalang yun!" bulalas ko. Baka makwento ko pa yung tinakbo ng utak ko ng mga panahong yun... nakakahiya. Buti na nga lang at mabait pa rin sa akin si Pia ng gabing yun at sinuportahan pa ako sa mahal ko... Teka nasaan na nga ba sya? Sabi nya pupunta lang sya ng CR..

Pinanlakihan ako ng mata ni Aly. Mukhang may naiisip ito. Agad ko naman siyang sinita. "Hoy ano yang iniisip mo... wala kaming ibang ginawa kundi natulog.."

Bumaling naman ako kay Aby, "Tyang, pakitingnan naman si Chel sa CR.. parang kanina pa siya dun.." pag-aalala ko. Sumunod naman ito.

"Bakit, ano bang iniisip ko?" ngumiti ito ng nakakaloko.

"Aba malay ko sayo!" reklamo ko. Sumimangot ako at hagalpak ito sa pagtawa. Mababatukan ko tong babaeng to...

"Nakakaloka", sabi nalang nito habang hindi parin maihit sa pagtawa. "Malamang may kalokohan ka naman..." tiningnan ko siya ng masama at nagpeace sign naman ito. Umayos ito ng upo at nagseryoso ang ekspresiyon.

"Umamin ka nga Jovs, nahuhulog ka na ba kay Pia?" tingin nito sa akin.

Ako?? Naiinlove kay Pia?? Buong pagtataka akong tumingin sa kanya. "Alam kong alam mo ang sagot dyan..."

Seryoso pa rin itong sumagot, "Sa totoo lang Jovs, hindi ko na alam ang papaniwalaan ko... Siguro dapat mo ng kausapin si Ate Chel..."

Nagpatuloy sya, "Ikaw lang ang makakasagot ng tanong ko kanina Jovs..."

Isa lang naman ang sagot at sigurado ako don.. sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya...


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now