Strings 7

2.3K 56 0
                                    


"Cheers!" pasimunong kampai ni Aby.

"Cheers!" at nakipagtoast naman kami sa kanya. Sinecelebrate ngayong gabi ang success ng reopening. Halos pagod kami pare-pareho sa dami ng tao kanina pero worth it naman dahil successful ang reopening ng shop. At dahil pare-pareho kaming pagod, pass muna kami sa inuman. Buwis buhay naman kung matutulog kami ng pagod at lasing lalo at may kanya-kanyang commitments pa kinabukasan. Kaya imbes na alak ay kape ang pinagsasaluhan namin.

"Nasaan na yung pulutan?" hanap ni Aly.

"Pagkain na naman nasa isip mo Ly. Teka kukuhanin ko na yung kutkutin." wika naman ni Aby sabay punta ng kitchen.

"Himala Ate Chel. Pumayag ka yata magpatawag ng 'Mama'.. e sa amin nga lang ayaw mo pa magpatawag ng 'Ate'..." usisa ni Din. Narinig din kasi niyang tinawag na Mama ni Jade si Chel kanina.

"Hirap tumanggi sa pagka-cute na bata e.. tingnan mo kahit natutulog..." sabi ni Chel sabay turo kay Jade na natutulog sa upuan sa side. Mukhang napagod ito.

"Bagay naman Ate Chel. Hindi malayo." hirit ni Den.

"Anong namang ibig sabihin nun? Mukha na ba talaga akong nanay? Kaloka ka."

"No Ate.." natawa si Den. "I mean, hindi malayo kasi magkahawig naman kayo. Sa kutis, sa shape ng eyes, pati yung kilay. At may pagka-babyface ka rin naman."

"Hindi kaya. Si Jovs ang kamukha niya. Kaya nga 'Mommy' e." sabat naman ni Aly.

"Mas kamukha nya si Ate Chel." pilit ni Den.

"Si Jovs."

"Si Ate Chel."

"Si Jovs nga."

"Ang babaw niyo.." sita ni Din sa kanila.

"Shut up!" halos sabay na sabi naman ng dalawa kay Din. Natawa naman ang huli.

"Ano namang nakain mo at napapayag ka bigla?" tanong ko naman kay Chel. Asar pa rin ako sa "kissing scene" kanina at di ko na natago yung pagkaasar sa tanong ko.

"Pumayag ka din naman ah? Bakit, ano din bang nakain mo?" balik niya sa akin. Mukhang napansin niya yung tono ko.

"Ako ang unang nagtanong."

"E bakit kung magtanong ka parang napipilitan lang ako?"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi. Ano bang problema mo??" masama na ang tingin niya sa akin.

Ano nga bang problema ko? Bakit naiinis pa rin ako sa nangyari kanina? Alam ko namang fan lang niya yung lalaki kanina pero hindi pa rin maalis yung inis ko.

Obvious ba? Nagseselos ka. Lakas ng tama mo e. Pero ano namang karapatan mong magselos? Hindi naman kayo... Ni hindi nga nya alam na mahal mo sya.

"Ahem. Ito na yung food.. hindi yan leftover ha." basag ni Aby bitbit ang isang tray ng pagkain. Tahimik kaming lahat na kumain. Kahit si Aly na usually makulit sa table ay tahimik lang na kumakain. Awkward. Nabasag lang ulit ang katahimikan ng magising si Jade.

"Oi Jade you're awake." paunang bati ni Aby. "Come sit with us. Kain tayo."

Naghikab ito at nag-unat bago pumunta sa table namin.

"Jade, sit here." aya dito ni Chel. Umusog ito palayo sa akin. Mukhang ayaw ako makatabi. Umupo naman dito si Jade kaya ang siste e napagitnaan namin siya ni Chel. Mas mabuti na itong may nakapagitan sa amin ni Chel dahil baka lalo pa kaming magkainisan.



--



Falling In (Gonzaquis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon