Strings 26

1.9K 40 0
                                    


Rad's pov


Pagkatalikod sa kanya ay agad akong nagpunta ng CR. Buti nalang ay may bakanteng cubicle kaya agad akong nagkulong dito.. bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan. Unang pagkita ko palang sa kanya ay gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit, pero hindi ko yun nagawa. Niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi ko yun naibalik ng kasing higpit ng yakap niya. Sobrang namiss ko siya.. pero bakit ganito?

Gusto ko na sanang umalis kanina but the way she looked at me when I was leaving, her eyes are pleading as if she doesn't want me to leave her. Lumabas ako ng cubicle at daling naghilamos. Baka mahimasmasan ako sa pagdampi ng tubig sa mga pisngi ko... pero iyon pa rin yung nararamdaman ko. Napatingin nalang ako sa sarili kong repleksyon..

Si Pia nga yung tinutukoy niya sa birthday ni Aly, Rachel. Obvious naman sa usapan ninyo kanina. Stop thinking about your stupid and bruised ego because of your own flop assumption na ikaw ang mahal niya.

Pero dahil nga lang ba sa nasaktang ego kaya ako nagkakaganito?

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng CR. Nagpunta ako sa room kung nasaan sila Jovs. Papasok na sana ako ng pinto ng mapahinto ako at marinig ko ang usapan nila. Ninais kong makinig muna bago pumasok sa loob. Habang nakikinig ako sa kanila ay rinig ko din ang tugtog sa sound system ng shop...

"Only know you've been high when you're feeling low.. Only hate the road when you're missing home.. Only know you love her when you let her go.."


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now