Strings 40

2K 47 0
                                    


Rad's pov


Napabalikwas ako ng maramdaman ang lamig ng aircon sa kumakapit sa balat ko. Maliwanag na at mataas na ang sikat ng araw.

"Aray.." reklamo ko ng maramdaman ang pagsakit ng ulo ko. Dali akong nagpunta ng banyo at naglinis ng sarili. Pagkatapos kong maghilamos ay napatingin nalang ako sa sarili kong repleksyon... Ano bang ginawa ko kagabi at ganito nalang ang sakit ng ulo ko?

Oo nga pala. Sinubukan kong inumin yung natirang isang bote noong birthday ni Aly. Pagkatikim palang nito ay parang gusto ko na itong iluwa. Pero pinagtyagaan ko nalang itong lunukin hanggang sa magsunud-sunod na ang inom ko at unti-unti kong maramdaman ang pagpasok ng espirito ng alak sa utak ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal umiinon sa shop ni Aby...

Teka, nasa shop na pala ako ni Aby ng mga panahon yun.. paano naman ako nakauwi dito sa condo ko?

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng muling maramdaman ang pagsakit nito. Paglabas ko ng banyo ay tumambad sa akin ang nakahaing pagkain sa table. May toasted bread, bacon at eggs. Mukhang kakaluto palang dahil mainit pa. Meron na din mainit kape sa maker. Sinong nagluto nito?

Napansin ko ang isang maliit na papel na pinapatungan ng kutsara. Kinuha ko ito at binasa...

Thanks for last night... you've driven me crazy.. but I was happy. - Jovs

Pakiramdam ko ay lumakas ang tibok ng puso ko pagkabasa sa note niya.. nakasama ko si Jovs at siya pa ang naghatid sa akin dito? Buong akala ko ay sa panaginip ko lang sya nakasama. Napanaginipan ko pa ngang hinalikan ko sya at ginantihan nya ako ng halik hanggang sa maihiga niya ako sa kama. Ganon yata talaga kapag sabik ka sa taong mahal mo. Pakiramdam ko ay namula ako pagkaalala sa panaginip ko.

Napansin kong nakasuot pala ako ng pantulog... sya din ang nagbihis sa akin? Lalo pa akong namula sa naisip ko. Pinagluto pa nya ako ng almusal at pinaghanda ng gamot. Inaamin kong natouch ako at sinumulan ko ng kainin ang hinanda nya. Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng gamot. Dali akong nagbihis at nag-ayos. Kailangan kong makausap si Jovs.

Inabot ko ang bag ko at hinanap ang phone ko. Hindi sinasadyang malaglag sa bag ko ang litratong nakuha ko sa gamit ni Jovs kahapon. Gayon nalang ang kirot sa dibdib ko pagkakita ulit dito.

Tama na Chel.. Hindi ka na dapat lumapit sa kanya. Masaya na sya kay Pia. Lalo ka lang masasaktan...


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now