Strings 47

2.3K 42 0
                                    


On the way na ako ngayon para sunduin si Chel.. finally ay makikita ko na rin siya at ang maganda nyang mukha. Salamat sa kalokohan--este--plano--este--pagpupumilit ni Aly. Dapat daw akong tumupad sa pustahan dahil natalo kami sa team nila at yung sinabi ko sa kanya ng minsang akala kong naaksidente sya. "Ate Jovs, wala kang lusot dahil saksi si Den at nirecord pa nya yun..." naalala ko pang sabi nya.

Kasama dapat nila ako sa Laguna ngayon kung wala lang kaming drill at hindi ako kinausap ni Chief. Binati lang naman nya ako sa nalutas kong kaso sa Binibining Pilipinas. Dahil daw dito ay isa na daw ako sa mga unang kandidato sa pagtaas ng rango. Natuwa naman ako kaya muntik ko ng mayakap si Chief. Buti nalang at good mood ito kaya light atmoshpere lang kanina sa office nya at hindi yung authorative military setting.

Noong una ay nagdalawang isip pa ako sa ideya ni Aly. Nakakakonsensya dahil lolokohin namin si Chel sa mismong birthday nya at isinama pa talaga si Jade. Magpapanggap daw ito na aatakihin ng asthma. At sa hindi malamang dahilan e pumayag naman ang luka-luka ring pamangkin ni Aby. "Alam mo naman, kaming dalawa lang ang loyal sa loveteam nyo." biro ni Aly pagkasabi ng gagawin ni Jade.

Sa totoo lang ay natatakot pa rin ako sa gagawin kong pag-amin kay Chel... nabanggit kasi sa akin ni Aby yung "usapang lasing" daw namin nila Aly at Den. Sa kasagsagan noon ay hindi ko daw napansing nakikinig si Chel sa tabi. Hindi ko naman alam kung ano ba yung usapang lasing na yun kaya tinanong ko sila. Biniro pa ako ni Aby, "Kapag alak talaga ang pumapasok, lumalabas ang katotohanan..." tumawa ito at pinarinig nila sa akin ang isang recorded audio... at anak ng tokwa naman talaga. Noong birthday ni Aly at sa kalagitnaan ng kalasingan ko ay tinanong pala ako ni Den tungkol sa taong mahal ko... at dahil lango sa alak ay ako itong gaga na dinescribe pa kung sino sya, habang nakikinig si Chel. Parang gusto ko nalang maglaho sa harap ni Aby at Aly noong time na yun.

Alam na ni Chel ang nararamdaman ko para sa kanya.. at hindi ko maiwasang isipin na iyon ang dahilan ng pag-iwas nya sa akin.. bumabalik na naman yung takot ko.. paano kung galit sya? Birthday pa naman nya ngayon.. at hindi naman ito birthday gift na maituturing..

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating narin ako sa destinasyon ko.. kinakabahan ako sa maaaring mangyari.. pero pinili ko ng dumerecho..

It's now or never.. live with a broken heart or die with deep regrets..

Pakiramdam ko ay lumakas ang kabog sa dibdib ko pagkakita sa kanyang nakaupo sa tabi. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko at wala akong ibang nakikita kundi sya...

Lumapit ako sa kanya at mukhang napansin nya ang pagdating ko kaya tumingala sya sakin. Pansin ko ang pagkabigla sa mukha nya pagkakita sakin pero nanatili lang syang nakatingin sa akin sa pagtayo nya.

"A-ate Chel.." halos nauutal kong sabi, "H-happy birthday.."

Pagkabati ko sa kanya ay nagulat nalang ako ng bigla nya akong kabigin at yakapin ng mahigpit. Sa higpit ng yakap nya ay hindi ko na napapansin ang paligid namin.. wala na rin akong ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.. gumanti naman ako ng yakap sa kanya at pakiramdam ko ay maiiyak na ako.. sobra ko rin pala syang namiss..

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal magkayakap ng kumalas na sya at humarap sakin, "Thank you..." ngiti niya, "Ikaw ba ang sundo ko?"

"O-oo.. kung nareceive mo yung text ni Aly..." sagot ko. Muntik ko ng makalimutan yung regalo ko sa kanya.. "P-para sayo pala..." at inabot ko sa kanya ang dala ko.

Agad nyang binuksan ang paper bag at gayon nalang ang laki ng ngiti nya pagkakita sa laman nito, "Ang dami mo ng pinadalang chocolates kay Aly noong isang araw..."

"Baka kasi kulang pa sayo.." biro ko sa kanya... Shet. Nagwawala na naman ang puso ko sa mga ganyang ngiti nya.

"Pinapataba mo ako nito e.."

"Kahit naman anong itsura mo, maganda ka pa rin sa paningin ko..." banat ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay seryosong banat yun.

Naningkit ang mga mata niya at bigla nalang nyang kinurot ang pisngi ko, "Ikaw talagaaa..." sabi nalang nya habang pinanggigigilan ang pisngi ko. Ang sakit lang! Pero namiss ko to...

"Kainis ka..." irap nito ng tigilan na ang pisngi ko.. Ang cute talaga nya maasar..

Tumalikod ito at pansamantala akong umalis at may pinitas sa tabi. Bumalik ako at hinarap ko sya.

"Para sayo.." ngiti ko habang inaabot ito sa kanya. Tila nabigla naman sya sa inabot ko.

"Flower??" sabi nalang nya pero inabot din ito. Tumingin sya saken, "Chocolates, tapos ngayon bulaklak? Ano to... panliligaw?" natatawang sabi nya.

Lumapit pa ako tumingin sa kanya, "Gusto mo bang ligawan kita?"

Nanlaki ang mga mata nya at pansin kong namula sya sa sinabi ko. Walang ano pa ay kinurot na naman nya ako sa pisngi.. mas masakit nga lang sya ngayon.. Shet.

"Kanina ka pa ha..." sabi nalang nito. Matapos ang ilang saglit ay tumalikod na naman ito at naglakad palayo. "Bahala ka dyan.. hindi ako sasama sayo.."

"Bahala kang bumalik mag-isa ng Maynila.. Alis na ako.." hirit ko naman sabay lakad din palayo. Mukhang natakot naman syang umuwi mag-isa kaya sinabayan na nya ako.


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now