Strings 24

2.1K 44 0
                                    


Pagkahatid ko kay Pia sa beauty camp niya ay pinauna na ako nito. Okay lang daw siya sa mga darating na araw dahil wala naman daw silang events kaya hindi ko na daw kailangan sumama sa kanya palagi. Confirmed at approved naman ito ni Jeannie. Puro gym, personality development at training lang daw sila this week, lalo sa pasarela. Tinanong ko pa si Pia, "Ano naman yung pasarela?". Sinagot naman niya ako, "Jovs, iyon ang tawag sa lakad ng mga beauty queen."

Nakausap ko sa phone si Aby kanina. Grabe lang ang excitement niya pagkarinig ng boses ko. "Jovs!! Kumusta ka na! Tagal mo ng hindi nagpaparamdam, naku!! Lagot ka kay Ate Chel!!" naalala ko pang sabi niya sa kabilang linya. Tinawanan ko lang siya at sinabing miss ko na rin sila. Tinanong ko na rin kung free sila mamaya, "Miss ko na kayo Tyang. Pwede ba tayo sa shop mo mamaya?" Sumagot naman ito ng "Kahit mag-inuman ulit kayo hanggang madaling araw okay lang!!"

Kasama na daw ni Aby na pupunta si Chel mamaya pagkagaling nila ng practice. Si Din daw ay hindi sigurado dahil may ibang commitment pa ito. Pero kahit wala ito ay nagbilin daw ito ng "Pakibatukan nalang si Jovs para sakin.. lukang yun hindi man lang tayo kinukumusta."

Natatawa nalang ako sa mga kalokahan nila. Namiss ko rin yung mga ganitong kabaliwan nila. Si Aly daw ay pupunta rin pagkagaling ng Ateneo. Hindi niya napilit si Den dahil nagpapakadalubhasa daw ito ngayon sa med school. "Ihug mo nalang ako kay Jovs ha!" bilin naman daw nito sa kanya.

Dumating ako sa shop ni Aby. Marami na ring customers ang nagpupunta dito. Mukhang steady ang negosyo ni Aby at nakapaghire na ito ng mga staff na magpapanatili sa pagtakbo ng shop. Umupo ako sa isang bakanteng table. Kinuha ko ang phone ko para itext si Coach na makakapaglaro ako para sa Army at makakaattend ng training this week. Pagkatext ko ay may nagmessage sa akin.

I hope u see him today. ;)  --Text niya. Napangiti naman ako dahil naalala pa niya sa kabila ng mga paghahanda para sa pageant nya. Agad ko syang nireplyan..

Sinong 'him'? XD  --Ilang sandali lang ay nagreply din sya.

Sino pa ba? The one u told me last night. The person u love.  --Natawa ako ng bahagya. Nireplyan ko naman siya..

That person is a 'her'. :)

Binaba ko na ang phone ko pagpasok ng isang pamilyar na mukha. Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko. Sobrang tagal ko rin siyang hindi nakita kaya ganon nalang ang lakas ng tibok ng puso ko pagkakita sa maganda niyang mukha. Nakapusod ito at pawisan ang mukha at malamang ay galing ito ng practice. Pero sobrang ganda pa rin niya sa paningin ko. Ang cute lang ng pamumula ng mga pisngi at labi niya. Gusto ko siyang salubungin, yakapin ng mahigpit at halikan..

"Jovs!! Tagal mo ring nawala! Namiss kita." yakap sa akin ng isang babae pagpasok sa pintuan.

"Namiss rin kita Tyang. Namiss ko rin tumambay dito sa shop mo." ganting bati at yakap ko sa kanya.

"Welcome ka naman dito anytime." ngiti nya pagkatapos humiwalay ng yakap sa akin. Bumaling naman ako kay Chel.

"Hi Ate Chel.. Namiss kita." ngiti ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Yumakap rin siya pero pansin ko ang lamig sa kanya. Karaniwan ay sweet ito at madalas pa nga ay ito pa ang unang yumayakap sa akin pero parang malamig ang pagsalubong niya sa akin ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka at masaktan ng bahagya.

"Ate Chel hindi mo ba ako namiss?" nakatinging tanong ko pagkahiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pilit kong hinahagilap ang emosyon sa mga mata niya pero hindi ko siya mabasa. Bigla nalang nya akong binatukan na siya namang ikinagulat ko.

"Aray!" reklamo ko. Pansin kong humahagikgik si Aby.

"P-para yan kay Din.. dahil hindi mo kami kinukumusta." sabi nito habang nakaiwas ng tingin.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. "Aray... kaya nga nandito ako e. Sorry na. Namiss talaga kita." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Hindi niya inasahan ang paghalik ko kaya ganon nalang ang panlalaki ng mata nya sakin. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya pero pansin kong nagliwanag ang mukha niya.. parang sumaya siya?

Nabulabog nalang kami sa malakas na pagbukas ng pinto. Biglang pumasok ang isang babae at agad na nagsalita ng pasigaw, "Jovs!! Nasan ka na?!"

Napangiti nalang kami ng malaman kung sino sya. Agad naman itong lumingon sa gawi namin at ganoon nalang ang pagliwanag ng mukha niya pagkakita sa akin.

"Jovs!! Bakla ka!" bati nito sabay talon payakap sa akin. Hindi ko kinaya ang bigat niya kaya pagkayakap nito ay plakda kami pareho sa sahig. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero agad humarang si Aby.

"Pagpasensyahan nyo na po sila." natatawang sabi nito.

Nagkatawanan kami ni Aly sa nangyari. Tinulungan namin na makatayo ang isa't isa at sa pagtayo namin ay nakita ko ring nakangiti si Chel.

Sobrang namiss ko yung mga ganyang ngiti mo..

"Baliw ka Aly.. pero namiss rin kitang baliw ka." natatawa at nakangiting sabi ko sa kanya sabay yakap. Gumanti naman ito ng yakap.

"Mas baliw ka.. at mas namiss kita..." sabi nito.

Agad kaming inaya ni Aby sa isang room sa tabi ng kitchen para daw magkaroon kaming magkakaibigan ng privacy.


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now