Strings 29

1.9K 44 0
                                    


"Thank you Jovs." sabi ni Pia pagkababa namin ng sasakyan. Dito kami sa parking ng condo niya matapos ko siyang ihatid dito galing gym. As usual, malalim na naman ang gabi. Sabi ni Pia ay matatapos na ang intensive training niya dahil ilang araw nalang ay send-off na daw niya para sa Miss Universe. "Makakahinga ka na ng maluwag." naalala ko pang sabi niya, pero sa totoo lang malayo pa ito dahil may nagpapadala na naman ng threats. Actually hindi naman sila threats kung hindi pictures ni Pia sa iba't ibang lugar. Mukhang may nags-stalk sa kanya kaya alerto lang ako at hindi ko siya maiwan.

"Okay na ako from here. Pwede ka ng umuwi." ngiti niya sa akin. Pero hindi ko siya pwedeng iwan sa sitwasyon ngayon. May narining akong mahinang click sa hindi kalayuan. Tama ako, yung narinig kong tunog dati sa lugar din na ito ay click ng camera. Delikado ito lalo ngayong nalalapit na send-off niya.

"Pwedeng makitulog? Sarado na kasi sa HQ ng ganiton oras." palusot ko. May guards naman sa building pero hindi pa rin ako panatag na walang makakalusot. Mahirap na at baka mapasok pa ito sa unit niya.

Taka namang tumingin siya sa akin pero mukhang wala naman siyang reklamo, "S-sure."

Walang anu-ano ay kinabig ko siya at niyakap. Pain ko ito sa stalker para iclick ang camera niya. Malaman ko lang talaga kung saan nanggagaling yung tunog... ilang sandali pa ay nakarinig na nga ako ng click. Mas malinaw ito kumpara kanina pero hindi pa rin malinaw sa akin ang lokasyon.

"Hintayin mo nalang ako sa unit mo.." bulong ko kay Pia. May pagtataka pa rin sa mata nito pero tumango nalang ito.

Bumago ako ng pwesto at hinarap ko siya sa akin. "See you later." ngiti ko sabay halik sa pisngi niya. May narinig ulit akong click... may ideya na ako sa eksaktong lugar.. kailangan ko nalang siguraduhin.

"Jovs?" tanong ni Pia. Tila nagulat ito sa pagkiss ko sa pisngi niya kanina. Pasimple kong nilagay ang hintuturo sa lips ko, sana naman nagets niya na wag siyang maingay. Hindi naman ako nabigo dahil tumango siya. Ilang sandali pa ay hinatak ko siya palapit at pinaglapit ang mga mukha namin.. halos hibla nalang ang layo ng mga labi namin. 

Kapag hindi pa nya to kinagat... shit.. baka totohanin ko na.. 

Nanatili kaming magkalapit ng may marinig ulit akong click. Malinaw na sa akin kung saan nanggaling ang tunog. Agad ko namang pinauna si Pia sa unit niya.

Pagkasarado ng elevator ay agad akong tumungo sa isang itim na van sa di kalayuan. Sigurado akong dito ko narinig yung tunog ng camera. Ng malapit na ako rito ay lumabas ang isang lalaki at nagmamadaling tumakbo. Hinabol ko ito. Mabilis ito tumakbo pero nahabol ko siya bago siya makalabas ng gusali. Ng malapit na ako sa kanya ay sinunggaban ko na siya. Nanlaban ito pero hindi niya ako kinaya. Hindi naman kasi malaki ang katawan nito at halata mo sa katawan na hindi ito tambay sa gym at walang alam na martial arts. Kinuha ko ang gamit niya at hinagis sa malayo. Nagawa kong maitali ang magkabilang braso sa likod niya. Nagpupumiglas ito pero hawak ko ang kwelyo niya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo kanina?" tanong ko sa kanya. Tiningnan lang ako nito ng masama.

"Wala kang pakialam!" walang ano pa ay sinapak ko ito sa pisngi.

"Gusto mo ako nalang magpakilala sa iyo? Hindi mo ba alam na isa akong sundalo, at kayang-kaya kitang tuluyan ngayon?" sabi ko. Mukhang hindi naman ito natinag kaya sinapak ko naman ang kabilang pisngi nito.

"Walang tao dito... kayang-kaya kitang tuluyan.. walang makakakita satin, at pagkatapos ko sayo, pwede ko nalang itapon ang katawan mo, o kaya ilibing... hindi malalaman ng kahit sino ang nangyari sayo, kahit ng pamilya mo..." buong matang tingin ko dito. Pinanggigigilan ko siya. Sinapak ko siya ng pangatlong beses.. Patawarin naman sana ko ni Lord sa pangtotorture ko sa kanya at sa mga sinabi ko pero kailangan ko kasing tuldukan ang panganib na binibigay nila kay Pia.

Tila tinablan naman ito sa huli kong sinabi kaya agad din itong nagmakaawa.. "S-sorry po, Ma'am!" nagsimula na itong umiyak. Ang lakas ko pala sumuntok. Putok at nagdudugo na ang kaliwang bahagi ng labi nito at may blackeye na rin sa kanang mata... effective yung training sa Army. Nagsimula na itong umamin.

"Napag-utusan lang po ako Ma'am! Maawa po kayo sa pamilya ko..." umiiyak na sabi nito.

"Sinong nag-utos sayo? At anong utos niya sayo?" tanong ko. Pinorma ko ang kanang kamay ko at akmang susuntukin siya ulit ng magsalita sya.

"S-sabi lang p-po niya na-na, s-sundan ko s-si Miss Pia kahit s-saan sya pumunta, at-at kunan ng-ng litrato."

"Ano pa?"

"At-at" nilapit ko ang kamao ko sa mukha niya. Napapikit naman ito. "i-ibigay ko daw po sa media ang-ang kahit anong m-makikita kong k-kasi-k-asiraan sa kanya..." tinuloy ko na ang pagsuntok sa kanya.

"Sinong amo mo? May mga kasama ka pa ba? May kinalaman ba kayo sa mga threats kay Pia?" dinukot ko ang Swiss knife sa bulsa ko at tinusok ito sa tagiliran niya. Sorry Lord...

"Opo opo!" bakas ang takot sa boses nito.. "Ako po ang nagpapadala ng threats sa kanya! Wala po akong ibang kasama!" sinuntok ko ulit ito sa mukha. Kumapit na yung dugo galing sa mukha niya sa kamao ko.

"Sinong amo mo!!" galit kong tanong sa kanya at sinuntok ko ulit siya. Kinaladkad ko na siya para dalahin sa malapit na police station.


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now