Strings 3

2.8K 70 0
                                    

Ang aga akong sinundo ni Aly kanina. Akala ko naman kung anong importante yung pupuntahan namin. Yun pala tatambay lang kami dito sa shop ni Aby. Wala daw ibang tao dito bukod sa aming dalawa at yung pamangkin ni Aby... este yung "anak" ko. Closed daw muna itong shop for renovations.

"Dali magkwento ka!" excited na sabi ni Aly matapos namin umupo.

"Wala akong ikukwento. Kasalanan mo yan dahil hindi ka sumama."

"Kasalanan ko pa ngayon na pinagkaguluhan ako ng fans? Dumating naman ako noong huli saka sinunod ko naman yung sinabi ko ah.. hinatid naman kita pabalik sa HQ. Hehehe..." nagmistulang sundo ko si Aly ng araw na yun. Biruin mo, hinatid ako sa mall at hinatid pa pabalik sa HQ. Pero hindi pa rin daw niya nakakalimutan yung libre ko sa kanya.

"W-wala namang nangyari. Nagskate lang kami doon sa rink.." sabi ko sa kanya.

"Nagskate lang sa rink? E bakit namumula ka pagdating ko?" 

"Rosy cheeks lang ako no.."

"Rosy cheeks sa lamig? Nakakaloka." natatawang sabi nito.

"Ano ka ba syempre nagpaikot-ikot kami doon no. Nakakapagod kaya.." inis kong paliwanag sa kanya. Hindi pa rin maawat sa pagtawa si Aly.

"Ito naman. Hindi ako naniniwala pero hindi na kita pipilitin. Malamang may kalokohan ka na naman." tiningnan ko ito ng masama. Sumenyas naman ito ng peace sign sa akin.

"Magandang umaga po. What are you doing here? Kain na?" isang nakangiting babyface ang bumati sa amin.

"Hello Jade!" ngiting bati ko din sa kanya.

"Good morning Mommy Jovs! Joheun achim ieyo. Magandang umaga po." nakangiting bati nito sa akin. "You want food?? I'll get you and Aly food in the kitchen." yun lang at umalis ito.

"Ang cute talaga ng anak mo Mare. Mana nga sayo. Nakuha yung height mo e." napailing nalang ako sa biro ni Aly.

"Baliw."

"Pero sosyal ka ha. Nauna ka pang magkaanak kaysa jowa." dagdag pa ni Aly sabay bunghalit ng tawa.

"Oo nga e. Ang galing no? Virgin Mary lang ang peg ko." sarkastiko kong balik sa kanya. Tumawa naman ito ng sobrang lakas. Sunud-sunod ang tawa nito at parang hindi na makahinga.

"Ayun. So inaamin mong virgin ka pa?" mangiyak-ngiyak ito kakatawa.

"Ano namang akala mo sakin.. easy to get? Never ko pang binigay ang sarili ko sa mga naging boyfriend ko... kaloka ka Aly.." sagot ko sa kanya. Bakit naman napunta sa virginity ko ang topic? Masama bang virgin pa ako sa kabila ng past relationships ko? Sa totoo lang, meron din naman ibang nagtangka ng--alam mo na--pero hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko. Marahil ay hindi pa rin ako sigurado sa kanila at sa nararamdaman ko sa kanila..

"Hindi naman yun ang gusto kong palabasin Ate Jovs. Alam ko naman kasi na yung mga tipo mo e hindi pinapasok ang mga bagay na hindi ka sigurado.. kaya nga di mo maamin kay Ate Chel.. hehehe.. pero seryoso, ikaw yung tipo na nagpapahalaga sa kabuuan mo at ng minamahal mo..." babatukan ko na sana siya sa biro niya pero inaamin kong na-touch ako sa huling sinabi niya. Kahit ganitong luka-luka siya e mahal ko itong kaibigan kong ito.

"Suuus.. bumabawi ka lang sa pang-aasar mo kanina e.."

"Hindi ah. Ang swerte lang ni Ate Chel.. kasi may isang tulad mo na nagmamahal sa kanya.. may respeto sa sarili at sa taong mahal niya..." napatingin nalang ako kay Aly.

Siguro nga, maswerte si Chel. Pero mukhang ako naman ang minamalas dahil ako lang ang nagmamahal. Ang hirap naman kasi ispelengin ni Chel. Sweet kasi siya sa lahat. At ako naman itong gaga na nahulog sa mga kasweetan niya.

"Eh? Mommy Jovs, you love Chel unnie??" takang tanong ni Jade habang dala ang isang tray ng pandesal na may kasamang butter at dalawang mainit na kape. Hindi namin napansin ni Aly na nakalapit na pala ito sa table namin. Natigilan kaming dalawa.

"A-ah.. No Jade.. We were talking about something else." ngiting-aso si Aly habang nagpapalusot. Alam niyang mababatukan ko siya sa kadaldalan niya.

"No. I heard you. Ako konti Takalog salita pero ako Takalog understand." napahilamos nalang ako ng kamay sa sinabi niya. Dumukdok naman si Aly. Napansin naman ito ni Jade.

"Don't worry! I won't tell anyone, not even Tita Aby. Promise!!" nakangiting sabi nito sabay baba ng tray at taas ng kanang kamay. Bakas sa mukha niya ang pagsasabi ng totoo.

"Thank you for understanding Jade." napangiti na rin ako sa kanya.

"Mommy Jovs... you and Chel unnie.. neomu gwiyeowo! Very cute! I hope become real couple." sabi nito sabay kindat.

"O ayan hindi nalang ako ang member ng fans club nyo." ngiting biro ni Aly. "Kain na tayo!" dagdag pa nito sabay subo ng isang buong pandesal sa bibig.



--


Falling In (Gonzaquis)Место, где живут истории. Откройте их для себя