Strings 41

2K 47 0
                                    


Akala ko pa naman ay makakaisa na ako sa team nila Aly sa finals game 1 ng V-League. Early upperhand kami dahil down sila ng 2 sets pero pumasok si Aly sa ikalawang set at nagawa nilang kunin ang tatlong sunod na set sa amin. Tinanghal na player-of-the-game si Aly at agad naman akong pumunta at niyakap siya pagkatapos ng interview nya. Binati rin nya ako sa pagkakatanghal sa akin bilang conference MVP.

"Iba na talaga ang inspired noh?" naalala ko pang biro nya saken sa kalagitnaan ng awarding. Pagkatapos ng events sa arena ay dumerecho na ako sa HQ para makipag-bonding sa Army family ko. Kinantyawan pa nga ako ng libre dahil sa achievement ko.

Lumipad na si Pia patungong Las Vegas at ang huling pag-uusap namin ay ng ihatid ko sya sa airport kung saan pinagkaguluhan sya ng media at fans. "Jovs, wag mo ng hantayin na manalo ako ng Miss Universe.. kausapin mo na si Rachel." naalala ko pang biro nito bago bumaba ng sasakyan. "Kapag nanalo ako at hindi pa rin kayo nagkakausap, pagbubuhulin ko na kayong dalawa gamit ang Miss Universe sash ko." dagdag pang biro nya.

Hindi ko na rin nacocontact si Chel dahil busy na rin ito sa PSL. Napanood ko sila sa game 1 kahit natalo sila pero agad naman silang bumawi sa game 2. "Nakakailan na sakin si Jaja.. babawian ko talaga yan sa game 3.." biro pa ni Din sa kapatid na nasa kalabang team.

Biglang nagring ang phone ko at agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Mommy Jovs! Yeoboseyo!" masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Hello Jade.." nakangiting bati ko.

"Congratulations for winning conference MVP. Ikaw Tita Aby shop punta.. Tayo celebrate!" excited na aya nito. Tulad ng sinabi nya ng mag-usap kami sa Skype ay umuwi nga ito ng Pilipinas para manood ng V-League at PSL. Naghahanda na rin yata ito para sa darating na school year sa susunod na taon.

"I'm sorry Jade. Hindi ako pwede ngayon.." nakapangako na kasi ako kila Ate Ging na dito lang ako sa kanila. Namiss rin kasi nila ako matapos kong mawala ng ilang buwan sa pagsama kila Pia.

"Aww.." maktol nito sa kabilang linya. Narinig kong may kinausap ito, "Mama Chel, Mommy Jovs di pwede.." Kasama nya si Chel?? Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Ilang araw ko na rin syang hindi nakikita. Hinding-hindi ko makakalimutan yung gabing muntik ko na syang angkinin. Naiisip ko palang yung mga pinagsaluhan naming yakap at halik ay napapangiti at nasasabik na ako sa kanya..

"Jade wait--"

"Mianhae Mommy Jovs. Sorry ikaw abala. Babye.." paalam nito at bigla nalang naghang ang phone.

"Aaargh.." naihilamos ko nalang ang mga kamay ko. Chel...miss na kita..


--



Falling In (Gonzaquis)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin