Strings 21

2K 45 0
                                    


Higit isang oras din ang tinagal ni Pia sa gym kaya madaling araw na ng maihatid ko siya sa condo niya. Intense ang gym session niya tonight. Mukha ngang mas matindi pa sa pinagdadaanan naming training bago ang championships. Grabe ang dedikasyon niya para lang maiuwi ang korona.

Sabi nya sa akin, 1973 pa daw ng huling manalo ang Pilipinas sa Miss Universe. "It's been long overdue and I want to finally end our drought this year." naalala ko pang sabi niya. Kung sa ganda palang niya ay hahangaan mo na siya, lalo ka pang mapapahanga sa character at dedication niya. Hindi nakapagtatakang nanalo siya sa Binibining Pilipinas, kaya nga nagtataka ako sa mga threats sa kanya dahil deserving naman siya sa title nya.

Sabi ni Jeannie ay wala pa daw latest development sa imbestigasyon dahil huminto ang pagpapadala ng threats. Pero huwag pa daw maging kampante at "Diyan ka lang sa tabi niya. Hindi natin alam kung anong susunod nilang gagawin."

Narating na namin ang parking area at agad na kaming bumaba ng kotse. Tinulungan ko na siya sa pagbaba ng ibang gamit niya. Sa pagbaba ng mga gamit niya ay may narinig akong tunog sa di kalayuan. Hindi ko alam kung narinig din niya ito pero malinaw yung tunog sa pandinig ko. Agad naman akong luminga sa paligid para hanapin kung saan yun nanggaling pero wala naman ibang tao bukod sa aming dalawa. Sinundan ko ang pinanggalingan ng narinig ko at dinala ako nito malapit sa isang kotse. Walang tao sa loob nito. Pinuntahan ko ang likod nito pero wala rin akong nakita.

"Jovs, anong ginanawa mo diyan?" tanong ni Pia. Malayo na rin kasi ang narating ko mula sa pwesto niya.

"W-wala. May tiningnan lang." sagot ko. Dahil wala naman akong napala e bumalik na ako sa kanya at tinulungan siya sa pagdala ng mga gamit niya.

Sa wakas ay narating na rin namin ang unit niya. Binaba ko ang mga gamit niya at nagpaalam.

"Good night Pia. Kung okay ka na, mauna na ako." baka kasi maaga na naman sila bukas e kailangan ko ng umalis at babalik pa ako ng HQ. Dapat pala tinanong ko na kay Jeannie yung schedule of events nila, lalo yung kay Pia.

Hinawakan niya ang braso ko at malamlam ang mga matang tumingin, "N-no. Will you stay with me tonight?"


--



Falling In (Gonzaquis)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora