Strings 36

2K 41 0
                                    


Pagbalik ko sa pwesto namin ni Pia ay kasama ko na si Aly. Dala namin ang orders. Nagpadagdag na ako ng order para kay Aly. Parang bata pa ito kanina at kung anu-ano ang tinuturo sa counter pero pabirong tinampal ko nalang siya, "Kukunin mo lahat yan basta ikaw ang magbabayad." pagkasabi ko nito ay tumigil naman ito sa pangungulit, "Sabi ko nga yung order mo nalang din yung akin..." Pagpasok namin ay nagliwanag naman ang mukha ni Pia.

"Hi Aly! Glad you could join us." ngiting salubong nito.

"Oo e baka hindi mo daw kasi maubos yung binili ni Jovs.. kaya sinama ako." biro ni Aly. Tinampal ko naman sya sa braso.

Umupo na kami. Si Aly ay tumabi kay Pia habang nakaharap naman ako sa kanilang dalawa. Nilapag na rin namin ang mga order sa mesa at nagsimulang kumain.

"So Jovs," wika ni Pia, "si Aly ba??"

Taka naman akong bumaling sa kanya, "Ang alin?"

"Yung 'lucky girl'..."

Muntik pa akong mabulunan sa kinakain ko kaya agad kong kinuha yung tubig. Si Aly naman ay napahinto. Bigla nalang itong napangiti na tila nagets yung sinabi ni Pia at bumunghalit ito bigla ng tawa. Nakakunot noo namang tumingin sa aming dalawa ni Aly si Pia.

"Anong nangyari sa inyo?" takang tanong ni Pia.

Si Aly ay mangiyak-ngiyak na sa kakatawa habang umiinom pa rin ako ng tubig. Pagkalagok ko ay agad akong nagsalita, "Hindi ah! Hindi siya!" react ko.

"Nakakaloka", sabi ni Aly habang nagpupunas ng luha. "Close kami pero we're not 'that' close.." dugtong pa nito.

"Eh sino?" tanong nalang ni Pia. Agad namang kinuha ni Aly ang phone niya at pinakita dito.

"Hoy ano yan..." sita ko.

Hindi ko alam kung anong pinakita ni Aly pero ganon nalang ang pagliwanag ng mukha ni Pia.

"Jovs! Ano pa bang ineemote mo.. nagkiss na pala kayo!" react ni Pia. Bumunghalit na naman ng tawa si Aly.

Inagaw ko ang phone kay Aly at gulat ko nalang ng makita sa phone niya ang picture namin ni Chel na magkahalikan.

"Burahin mo yan..." reklamo ko kay Aly.

"Sigurado ka??" tanong naman nito.

"H-hindi.. joke lang..." labi kong sagot. Natawa naman pareho si Aly at Pia.

"So Pia, kelan mo pa nalaman ang love problem ni Jovzkie?" tanong ni Aly.

"Last week I guess? Pero matagal na rin nyang nabanggit na she's in love with a girl." sagot naman ni Pia. Hindi ko tuloy maiwasang batuhin ng tissue si Aly sa tinanong nya.

"Talagang ako ang topic nyo kahit dito lang ako sa harap nyo ah..." reklamo ko.

"Te Jovs, hayaan mo ng mapag-usapan.. tayo lang naman ang nandito.. saka two heads are better than one.. baka matulungan pa tayo ni Pia dyan sa problema mo..."

"Hindi ko kailangan ng tulong, okay?" iritableng sabi ko kay Aly. Ano pa bang magagawa? Tanggap ko naman na hanggang magkaibigan lang kami pero sasabihin ko pa rin yung nararamdaman ko sa kanya.. kahit alam kong hindi nya yun matutumbasan ng katulad ng nararamdaman ko... Pakiramdam ko tuloy ay tinutusok ng malilit na karayom ang dibdib ko.

"Pero Jo--"

"Ano ba Aly? Hindi ko kailangan ng tulong niyo! Pinapalala mo lang ang sitwasyon e! Tanggap ko na kung ano ako sa puso niya!" sa inis ko ay bigla nalang tumaas ang boses ko. Hindi ko namalayang napatayo na rin pala ako at nahampas ang mesa.

"Yan... yan ang problema sayo! Masyado mong inuuna ang takot mo! Dahil dyan sa takot mo hindi mo na nalalaman ang nangyayari sa paligid mo.. sa kanya!" nagtaas na rin ng boses si Aly at padabog na lumabas.

Tumayo naman si Pia at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Jovs..." hinawakan ko sya sa braso at umalis na rin kami ng shop.


--



Falling In (Gonzaquis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon