Strings 25

2.3K 42 0
                                    


Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito sa shop ni Aby at kung anong oras na ba. Ang tagal na kasi naming nagkukwentuhan dito kasama sila Aly at Chel. At dahil hindi namin nasusundan ang game ng bawat isa sa kanya-kanyang league ay ito ang naging topic kanina. Nabanggit ni Aly na team to beat daw sa PSL ang Petron at Army naman sa V-League.

"Tyang hindi kaya ikaw ang lucky charm? Kasi player ka ng parehong team at pareho pang walang talo." naalala kong chika ni Aly kay Aby. Sumagot naman si Aby, "Alam nating hindi yan totoo Ly, ang lucky charm e yung inspirasyon ng star players ng parehong team." pagkasabi nito ay nag-apir pa ang dalawa. 

Natawa nalang ako sa kanila nang may sabihin si Aly, "Te Jovs, wag pakampante kahit wala pa kayong talo... magkikita pa tayo sa championship game.. tapos yung pustahan.." ngumiti pa ito ng nakakaloko. Nacurious si Chel sa pustahan kaya tinanong nya si Aly tungkol doon at sumagot ito ng "Makikita mo rin yun Ate Chel, kapag nagback-to-back kami..." pabirong binato ko sya ng tissue pagkasabi nito.

Ilang sandali pa ang lumipas at bumalik na rin si Aby galing kitchen. As usual, kumuha ito ng pagkain namin. At as usual, agad namang kumuha si Aly.

"So Jovs," panimula ni Aby. "Hindi mo man lang nakwento na ilang linggo ka na palang napapalibutan ng magaganda.." biro nito sabay baling kay Aly. "Hoy Aly para sa ating apat yan ha."

"Ano namang tungkol doon e palagi naman akong napapalibutan ng magaganda kapag kasama kayo?" biro ko.

"Suuus bolera ka." sagot ni Aby. Nagpatuloy ito, "I mean, hindi mo man lang nabanggit na sa Binibining Pilipinas pala ang raket mo.."

"Wala na kasi akong time. Hirap kaya pagsabayin non saka ng V-League. Buti na nga lang at maluwag sched nila ngayon..." sagot ko.

"Pero ano naman ang feeling na makasama ang mga beauty queens na gaya nila?" tanong pa ulit ni Aby.

"Okay naman. Actually ang akala ko talaga sa mga beauty queens mababait lang sa harap ng camera at maldita sa totoong buhay. Hindi naman pala. Sobrang bait at kulit rin nila.. maganda pa kahit walang make-up." mahabang sagot ko.

"Ibig sabihin kasundo mo silang lahat?"

"Oo. Pero isa lang ang masasabing kong malapit saken.. kasi siya ang talagang pinapabantayan sa akin.. alam nyo na kung sino yun.."

"Since sinabi mong magaganda naman tayong lahat.. sino ang pinakamaganda para sa iyo? Ako ba?" birong tanong ni Aly. Tinawanan naman namin siya. Napansin kong nakatingin sa akin si Chel kaya ganon nalang ang tibok ng puso ko. 

Syempre sino pa ba. Siya lang naman ang nagpapakaba sa akin ng ganito tuwing tinitingnan niya ako.

Pero kung ganda lang din ang pag-uusapan, iba din ang hatak ni Pia. Ang lakas kasi ng dating niya at hatak ng mga mata. Ang liit ng mukha at ang ganda pa ng symmetry. At tingin ko talaga ay kayang-kaya niyang iuwi ang korona para sa Pilipinas.

"S-sino pa ba Ly.. Kaya nga siya yung nanalong Miss Universe Philippines..." sagot ko nalang. Sasabihin ko sanang si Chel ang pinakamaganda para sa akin kaya lang e baka tuksuhin ako ni Aly. Totoo naman na si Chel ang pinakamaganda sa mata ko. Ganito yata talaga kapag mahal mo. Marami kang ibang makikitang maganda pero siya parin ang pinakamaganda para sayo.

Kinantyawan tuloy ako ni Aly ng "Yiieeee" habang napangiti naman si Aby. Si Chel ay napangiti rin pero iba yung ngiti niya ngayon. Parang pilit..

"Pero ito talaga ang tanong ko Te Jovs," ito na naman ang mga hirit ni Aly. Masama ang kutob ko sa mga ganito, "nakita mo na sila sa swimsuit?"

Napakunot-noo ako sa tanong niya. "Sa personal? Hindi a. Sa picture lang..." pero naalala kong sinama nga pala ako ni Pia sa isang photoshoot niya kaya nakita ko siyang nakatwo-piece minsan. Sandali lang naman yun dahil lumabas agad ako ng studio.

"P-pero n-nakita ko pala si Pia minsan na nakatwo-piece para sa photoshoot niya..." dagdag ko.

"Talaga?? Ano namang itsura niya sa swimsuit?" excited na tanong ulit ni Aly.

"Maganda syempre.. Sobrang sexy.. May curves, tapos yung bre--" hindi ko na natuloy ang sasabihin. Noong time kasi na yun ay iyon yung unang beses kong nakita kung gaano kalusog ang mga "papaya" niya.. kaya agad akong lumabas noon ng studio dahil baka kung anong masamang elemento ang pumasok sa isip ko tulad ng minsang nasa condo niya ako..

"Yung braso at legs niya hindi ma-muscles tulad ng sa atin." dugtong ko nalang.

"Ibig sabihin pangit yung katawan natin kasi may muscles tayo?" singit ni Chel. Nakakunot-noong nakatingin ito. Feeling ko tuloy ay naoffend ko sya. Pero ang cute pa rin niya kahit nakasimangot.

"H-hindi naman sa ganon Ate Chel.." sagot ko. Hindi naman yun yung ibig kong sabihin kanina. Bakit ganun yung pagkakaintindi nya. Kaloka.

"Eh Jovs bakit nga pala tumanggi ka ng imbitahan ka ni Ate Chel sa victory party nila sa FHM?" biglang tanong ni Aby. Pansin ko ang lalong pagkunot ng noo ni Chel sa tanong nya. Utang na loob! Mukhang naiinis na si Chel, tapos nagtanong pa ng ganito si Aby. Nagtampo pa naman ito noon ng tanggihan ko siya. Buti na nga lang at napaamo ko rin siya pero ang dami ko ring ginawa nun para lang hindi na siya magtampo.. tapos pinaalala pa ngayon ni Aby.. Kaloka!

Tumanggi nga ako nun kay Chel pero hindi ko sinabing may ticket na ako para dun. Nagdahilan lang ako sa kanya na busy ako sa araw na yun pero ang totoo ay palihim akong nanood sa kanya. Alam yun ni Aly. Tinukso pa nga niya ako minsan ng makitang puro pictures ni Chel sa FHM ang nasa phone ko, "Grabe ka, hanggang sa two-piece nya pinagpapantasyahan mo siya.. ang lakas talaga ng tama..." tinampal ko nalang siya nun at tinawanan lang nya ako.

Tumingin nalang ako kay Aly bilang paghingi ng back-up. Bigla nalang itong ngumiti ng nakakaloko, "Eh kasi nga Tyang, ayaw niya ng mga katawan na tulad ng sa atin, kay Ate Chel, yung may muscles.. gusto ni Jovs yung curvy at may laman, parang si Pia..."

Biglang tumayo si Chel at daling umalis sa pwesto niya. Tumayo na rin ako para habulin siya. Nakalabas na kami ng room ng mahabol at mahawakan ko ang braso niya. Hinatak ko siya para iharap sa akin.

"Ate Chel galit ka ba? Sorry.. wag kang umalis please.." pagmamakaawa ko habang buong matang nakatingin sa kanya. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko kanina. Hays. Bwisit ka talaga Aly.

Saglit itong natigilan at bumalik ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagtititigan at hindi ko na rin alam kung tatagal pa ako sa pagtititigan namin dahil nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Matutunaw na yata ako sa mga tingin nya...

Ilang saglit pa ay ngumiti ito ng bahagya, "Saan naman ako pupunta? Magsi-CR lang ako.."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay nagalit ito kanina at iiwanan na kami. Nakakaloka. 

OA ka lang Jovs. LOL. Magsi-CR lang pala e. Napakamot nalang ako sa ulo. Binitawan ko ang braso nya.

"Eh, gusto mo samahan kita?" nakangiting biro ko nalang sa kanya.

Saglit naningkit ang mga mata nito ngunit kalaunan ay ngumiti na rin sya at kinurot ako sa pisngi.

"Ikaw talaga... doon ka na kila Aby." taboy nito sa akin. Tinalikuran na ako nito at bumalik na rin ako sa pwesto namin tulad ng sabi niya.


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now