Strings 14

2.2K 51 0
                                    


Dalawang linggo na akong naninilbihan bilang bodyguard ng Binibining Pilipinas queens. Present ako sa official functions nila as reigning winners. So far so good dahil lagi silang magkakasama sa official functions nila. Inamin ko kay Jeannie na mahihirapan akong bantayan silang lahat kung maghihiwa-hiwalay sila ng destinasyon sa susunod.

"You're not really going to guard all of them Miss Gonzaga. Gagawin mo lang yun sa official functions nila. Pero ang trabaho mo talaga ay bantayan ang seguridad ng pinakamahalagang Binibini ngayong taon.." naalala kong sabi ni Jeannie ng iundergo niya ako sa briefing. "Pinakamahalagang Binibini? Sino naman yun?" tanong ko at sinagot niya ako ng "Sino pa ba? Ito naman parang hindi nanonood ng Miss Universe.."

Nakakatanggap kasi ng pambabatikos kay Pia ang opisina ng Binibining Pilipinas. Noong una ay pinapawalang bahala lang nila ito. "Sanay naman kami at ang beauty queens sa bashers." paliwanag noon ni Jeannie. Naalarma nalang daw sila ng kalaunan ay maging threats na ang negative criticisims sa kanya. Hindi ito pinapaalam ng opisina kay Pia dahil ayaw nitong maapektuhan siya sa paghahanda para sa kompetisyon. Ayaw nilang makarating sa media ang indirect threats kaya palihim silang nagpapaimbestiga at naisipan na nga nilang maghire ng magiging bodyguard ng mga Binibini. Relative daw ng boss niya ang Commander-in-Chief ko kaya dito daw sila humingi ng tulong. Malaki daw ang tiwala ni Chief kaya ako ang itinalaga niya sa trabahong ito. Isa pa, nakatulong ang fact na babae ako para mas maging komportable at hindi maghinala ang Binibining Pilipinas queens. Pagmamalaki pa nga daw ni Chief sa kanila na isandaang sundalo daw ang katumbas ko. Kaloka.

Hindi nga lang ako nainform na bukod sa pagiging guard ay magiging driver din pala ako. Nakasakay ako ngayon sa sasakyan habang hinihintay si Pia na lumabas ng opisina. Meron daw itong photoshoot at nirequire ako ng opisina na iescort siya. Hindi naman ako required na sumama every activity niya pero may pagkakataon na kapag tingin ng management e kailangan ng escort, doon na ako inoobliga. "May sariling buhay ka pa rin naman. Yun nga lang on call ka kapag kailangan." naalala kong sabi ni Jeannie.

Kaya pala hindi na ako inobliga sa V-League. Magiging demanding pala ito. Namimiss ko na tuloy maglaro.

Tumunog ang phone ko. Tumatawag si Aly. "Hello Aly?"

"Jovs!! Kumusta na? Hindi ka na nagpaparamdam matapos mong ikwento sakin ang bagong raket mo..." tila nagtatampong sabi nito sa kabilang linya. Naging busy na rin kasi ako. "Wala ka namang nakakalimutan ngayon di ba?" tanong nito. Bakit? Ano bang meron ngayon? Tumingin ako sa kalendaryo sa tabi. Gayon nalang ang gulat ko ng malaman kung anong araw ngayon.

"S-syempre wala no! Happy birthday Aly!!" nagsinungaling nalang ako. Nakalimutan ko talaga yung birthday ni Aly ng maging busy ako. "Kailangan mo pa ba ng regalo? Mayaman ka na e.." biro ko sa kanya.

"Hahaha gaga. Hindi na. Basta punta ka nalang kila Tyang mamayang past 8. Celebrate tayo!" excited na aya nito.

"Sure! Sige." natanaw kong lumabas na ng opisina si Pia. "Eto na yung binabantayan ko. See you later Ly." yun lang at binaba ko na ang phone. Sumakay na ito sa kotse.

"Good morning Ma'am. Derecho na po tayo sa photoshoot?" pormal kong tanong sa kanya. Wala itong make-up kaya kita ko ang natural niyang itsura. Maganda pa rin ito kahit walang make-up at ang kinis ng kutis. Maamo pala ang mestisa nitong mukha. Nagcocontact lens siya pero natural naman palang brown ang mga mata niya. At ang ganda pa rin ng lips niya kahit walang lipstick. Parang ang sarap nito halikan... Shit Jovs. Nababakla ka talaga sa kanya.

"Good morning Jovelyn." ngiting bati nito. Hays. Kahit yung ngiti niya maganda rin. Wala yatang pangit sa babaeng to. "'Pia' nalang please. Hindi ako sanay na tinatawag ng 'Ma'am'. And please drop the 'po'. Bata pa ako." tumawa ito ng bahagya.

"Okay po--I mean, okay Pia." ngiti ko din sa kanya. "'Jovs' nalang din."

"Okay Jovs." ganting ngiti nito. "Derecho na tayo sa studio." at nagdrive na nga ako derecho sa studio.


--





Falling In (Gonzaquis)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora