Strings 12

2.2K 55 1
                                    


"Why so serious? Para namang hindi ka nakascore kanina.." pang-aasar ni Aly. Career ng lukaret ang pagiging driver sa araw na ito at hinatid kaming lahat sa destinasyon namin matapos ihatid si Jade sa airport. Una ng hinatid si Den tapos si Chel. Ako nalang ang pasahero niya papunta ng HQ.

Napangiti nalang ako ng maalala yung kiss namin ni Chel. Actually, ako lang talaga ang humalik. Pisngi sana ni Jade ang hahalikan ko ng bigla itong umurong bago pa lumapat yung lips ko sa cheeks niya. Ang nangyari tuloy e si Chel nahalikan ko. At sa lips pa niya..

"Uy kinikilig ang gaga." hinampas ko ito sa braso niya. Kebs kung nagdadrive siya. Lakas mang-inis e. "Aray. Namumula ka na naman o. Hahahaha.."

"Lunch muna tayo? Saan mo gusto?" alok ko sa kanya.

"Aba good mood ka. Iba na talaga kapag nasabihan kang aantayin ng mahal mo... at nahalikan pa sa lips!" dagdag pambubuska pa nito. Ayoko nalang patulan ang mga pang-aasar niya ngayon. Ang ganda pa naman ng pakiramdam ko ngayon.

"Pero pass muna Te Jovs. Balik pa ako ng school in preparation sa UAAP. Dalawa na utang mo sa akin ah.." ilang sandali pa ay dito na ako sa HQ. Agad akong bumaba at nagpaalam kay Aly.

Dumerecho na ako sa loob ng kausapin ako ng isang lalaki. "Miss Gonzaga, tawag po kayo ni Chief sa office niya. Nandoon din po si Coach. Punta na po kayo."

May problema ba? Bakit ako hinahanap ng Commander-in-Chief, pati si Coach? Walang ano pa ay dumerecho na ako sa opisina ni Chief. Hindi maalis ang kaba ko pagbukas palang ng pintuan at makita silang seryong nag-uusap...


--




Falling In (Gonzaquis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon