Strings 18

2.1K 48 0
                                    


Nagising ako sa lamig ng aircon na unti-unting dumadampi sa balat ko. Ang lamig! Pagmulat ko ay nalaman kong natulog ako sa isang hindi pamilyar na lugar at suot ang ibang damit. Kaloka! Napatalukbong ako ng kumot ng marealize kong wala akong bra. Shet! Anong nangyari sa akin?? May nangyari ba sa akin?? Nasaan ako at kaninong bahay ito?? Ang naaalala ko lang e nagcelebrate kami ng birthday ni Aly tapos nag-inuman.. Mukhang natamaan ako ng espiritu ng alak kaya wala na akong ibang maalala. Naramdaman ko nalang ang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako dito. "Aray..."

"Good morning!" bati ng isang pamilyar na boses. Nakangiti ito sa akin. Hays. Ang ganda naman talaga ng umaga ko. Kung siya lang ang una kong makikita araw-araw paggising ko e solve na ang buong araw ko... Teka bakit siya nandito?? Bakit kami nandito??

"N-nasaan ako... tayo?" sa wakas ay nagawa kong itanong.

"Welcome sa condo ko. Lasing na lasing ka kagabi kaya dito nalang muna kita dinala... ako pala ang nagbihis sayo.." pakiramdam ko ay namula ako sa huli niyang sinabi.

"I-ikaw din nagtanggal ng... ng.." hindi ko matuloy yung sasabihin ko. Shet!

"Ako din nagtanggal ng bra mo." nakatingin sagot nito. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Gusto mo bang ilagay ko ulit?"

"H-hindi na!" tanggi ko. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. Malamig naman ang aircon pero bakit parang sobrang init ng mukha ko..

Natawa naman ito. Music to my ears.. "May spare clothes and undies ako diyan. Gamitin mo nalang. Magshower ka na. May towel na din doon at toothbrush." agad ko naman siyang sinunod. Ang lamig ng shower kaya mabilis lang akong natapos. Ayokong pagtagalin sa balat ko yung lamig.

"Kain na. May gamot ako dito." bungad nito paglabas ko ng banyo. Agad ko naman siyang sinaluhan sa almusal. "Thank you Ate Chel. At pasensya na sa abala..."

"Wala yun.. sorry din.." tugon nito. Takang tumingin naman ako sa kanya. "Para saan?"

Tumingin lang ito sa akin. Bumalik naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagtititigan ng mauna niyang ibaba ang tingin niya.. "W-wala."

Naguguluhan ako sa kanya pero hindi ko nalang pinansin dahil sumasakit ang ulo ko. Hangover sa kagabi. Pagkakain ko ay ininom ko ang gamot na hinanda ni Ate Chel. Tumayo na ito at nagligpit ng pinagkainan namin sa lababo. Sinundan ko naman siya.

"Thank you ulit Ate Chel." ngiti ko sa kanya sabay halik sa kanang pisngi niya habang naghuhugas siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. "J-Jovs! Ikaw talaga..."

"Bakit ayaw mo? Pakibalik nalang." biro ko sabay umang ng pisngi ko sa kanya.

"H-hindi na. Gusto ko."

"Gusto mo isa pa?" biro ko at akmang hahalikan siya ulit sa pisngi ng tapikin niya ako sa noo.

"Sobra ka na. Nakaisa ka na nga sa lips e." pakiramdam ko ay namula na naman ako sa sinabi niya.

"Hmmm.. siguro hinalikan mo ulit ako habang natutulog ano?" pang-aasar ko sa kanya. Pinanlakihan ako nito ng mga mata sabay kurot sa pisngi ko. "Alam mo ikaw puro ka kalokohan."

"Aray! Tama na Ate Chel.. lagi mo nalang akong sinasaktan.." biro ko sa kanya. Paano, lagi nalang niya akong kinukurot kapag inaasar ko siya. Agad naman itong natigilan. Lumayo ito ng tingin sa akin. "S-sorry.. m-mag-ayos ka na at baka may lakad ka pa."

Inayos ko na nga ang mga gamit ko at akmang aalis na. Hinatid naman ako nito sa labas ng elevator. "Bye Ate Chel. Thank you ulit. Sorry sa kakulitan ko."

"W-wala yun. Ingat ka.." napansing kong naging malungkot ang mga mata nita kaya agad ko siyang hinawakan sa braso niya ng akmang aalis na siya. "May problema ka ba Ate Chel??"


--




Falling In (Gonzaquis)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu