Strings 32

2K 44 1
                                    


"Ang ganda naman nila!" reaksyon ko pagkakita ng pictures nila sa internet. Hindi pa kasi ako dalawin ng antok at wala naman akong ibang magawa kaya naisipan kong tingnan ang pictures ng mga makakalaban ni Pia sa Miss Universe. Gising pa rin ito at nagpapaantok din. Nagsisisi daw siya na uminom pa sya ng kape.

"Of course. This is Miss Universe." sabi nito. Nakaupo siya sa may harap ko habang abala naman ako sa paggamit ng laptop nya. "May bet ka ba?" dagdag niya.

"Syempre Philippines." sipsip ko. Natawa naman siya. Tumingin ulit ako sa pictures, "Maganda din si Australia.. at USA." lumapit pa ako para mas makita ang pictures nila. Pakiramdam ko ay nagkakacrush ako sa kanila, lalo kay USA.

"Mahilig ka pala sa sweet, outspoken at malakas ang personality." ngiting sabi nito.

Pakiramdam ko naman ay namula ako sa sinabi niya, "A-ano namang ibig sabihin nun?" painosenteng tanong ko.

Pansin kong nagbago ang ekspresiyon nya, "Jovs, paano mo narealize na hindi ka pala straight?" seryosong tanong niya.

Paano ko narealize? Isa lang naman ang sagot dyan, "Noong marealize ko na mahal ko na pala siya, hindi na yung pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan.. gusto ko siyang makasama araw-araw, gusto kong unang makita ang mukha nya paggising ko sa umaga, gusto ko syang alagaan, at gusto kong tumanda kami ng magkasama.. at alagaaan ang isa't isa..." nararamdaman ko ang panggigilid ng luha ko.

Ngumiti naman si Pia, "That's true love Jovs... totoo ka magmahal. She's one lucky girl."

Napangiwi nalang ako sa sinabi nya, "Dalawa na kayong nagsabi niyan sa akin, na maswerte sya dahil ganito ko siya kamahal, pero hindi ko naman maamin sa kanya.. masyado akong takot na maturn off sya at mawala yung pagkakaibigan namin.." hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko. Agad naman niya akong nilapitan at inabutan ng tissue.

Bumaling ako sa kanya at tinanong ng derecho, "Ikaw, hindi ka ba natakot sa akin ng malaman mong hindi ako straight?"

Bahagya syang natawa at sumagot, "Hindi. Bakit naman? Wala namang iba sayo."

Inakbayan niya ako at nagpatuloy, "Wala namang mali sayo Jovs. Lahat tayo tao lang, tao na nagmamahal.. hindi man tanggap ng iba kung sino ang minamahal natin, hindi pa rin yun mali dahil ang pagmamahal ay nararamdaman nalang ng kusa para sa isang tao..."

"Panalo ka na, Miss Philippines..." biro ko sa kanya. Idinaan ko nalang sa biro pero sa totoo lang ay gusto ko ng umiyak ng tuluyan sa sinabi niya. Natawa naman sya at pabiro akong hinampas sa braso.

"Ikaw ha. Kung hindi lang ako straight, nainlove na ako sayo." sabi nito. Lumayo ako ng tingin sa kanya.

"See, kahit ikaw... kaya ayaw ko ng ipaalam sa kanya dahil straight sya, at wala namang pag-asang mahalin niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.."

Tinawanan naman nya ako ng bahagya sa hindi ko malamang dahilan, "Jovs, sumusuko ka agad ng hindi man lang lumalaban.. akala ko ba sundalo ka?"

Nagpatuloy sya, "Ako nga, tatlong beses sumali ng Binibining Pilipinas para lang makuha yung korona. Sa third time, finally, nakuha ko na siya.. at ngayon, sa loob ng ilang linggo ay matutupad ko na yung pangarap ko na makuha ang Miss Universe.. isang pagsubok nalang para matupad ko sya, ngayon pa ba ako susuko?"

"Ano namang kinalaman nyan sa love dilemma ko?" labing tanong ko sa kanya at tinawanan ulit nya ako.

"Ang point ko is, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan... hindi man ito ang tamang panahon pero magtatagpo rin ang dalawang pusong nagmamahalan.."


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now