Strings 17

2.1K 52 0
                                    


Rad's pov


Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa condo. Ang bigat lang ng babaeng natutulog pa rin hanggang ngayon. Inom kasi ng inom e hindi naman pala kaya. Kaloka. Hiniga na ko siya sa kama para mas komportable ang lagay niya. Kumuha ako ng bimpo at binasa ito. Pinunas ko ito sa mukha, braso at leeg niya. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Napakaganda at nakapainosente pala nito. Napako ang tingin ko sa labi niya. Naalala ko tuloy ng maghalikan kami.. lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya lumayo na ako ng tingin.

Tumayo ako at kumuha ng oversized shirt at shorts para kay Jovs. Tulog pa rin ito kaya inupo ko siya at ako nalang ang nagtanggal ng damit niya... wala namang masama dahil pareho kaming babae di ba?

Tinanggal ko ang pang-itaas niya at ibinihis sa kanya ang dala kong pantulog. Ganoon din ang ginawa ko sa pang-ibaba. Pero sa paghawak ko sa katawan niya ay hindi ko maiwasang maramdaman ang maliliit na kuryenteng dumadapo sa kamay ko na unti-unting kumalat sa kabuuan ko. Para akong nag-iinit. Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko ba yung bra niya para naman makahinga ang dibdib niya.

Bahala na..

Isinilid ko ang mga kamay ko sa loob ng pantulog niya at inalis ang bra niya. Pagkatanggal ko sa hook nito ay bigla nalang itong nagising at magkabilang kamay niyang hinawakan ang mukha ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin at sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko sa pagkakalapit namin. Nagkatinginan kami at pakiramdam ko ay nag-iinit na ang buo kong katawan sa pagtitig at paghawak niya sa akin.

"Chel.."

Agad kong inalis ang mga kamay ko sa loob ng damit niya at tinanggal ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Ilang sandali pa ay napapikit na ulit ito at tuluyang nakatulog.

Dumerecho na ako sa shower para mahimasmasan at matanggal yung init sa katawan ko. Bwisit ka Jovs. Buti nalang nakapagpigil pa ako... Matapos kong maglinis ng katawan at magtoothbrush ay nagpalit na rin ako ng pantulog. Nagpapatuyo ako ng buhok ng may narinig akong kumalabog. Mukhang may nalaglag sa sahig. Pagkakita ko ay nalaglag pala sa bag ni Jovs yung phone niya. Umilaw ito. Nacurious naman ako kaya pinindot ko ito. Nakita ko tuloy ang preview ng isang message..

"Hey Jovs. My homecoming in Cagayan De Oro in 3 days. Hope you could join me. - Pia"

Sino naman si Pia? Hindi pa siya nakukwento ni Jovs sa amin.. At bakit kailangan sumama ni Jovs sa kanya sa Cagayan De Oro? Nakatulog nalang ako ng may ganitong katanungan sa isip ko..


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now