Strings 15

2.1K 55 0
                                    


Rad's pov


Papunta ako ngayon sa shop ni Aby para icelebrate ang birthday ni Aly. Pinagdala niya ako ng dalawang red wine. Ito nalang daw ang dalin kong regalo sa kanya. Noong una ay ayaw ko pa sumama dahil mag-iinuman pala e hindi naman ako umiinom. Sumama na rin ako dahil mukhang huling bonding na namin ito ng magkakasama dahil magsisimula na ang PSL maging ang V-League. Ipagtitimpla nalang daw ako ng ibang drinks ni Aby. "Sama ka na Ate Chel! Pupunta din si Jovs!" naalala ko pang hirit ni Aly. Sinimangutan ko nalang siya noon.. "Ano naman kinalaman ni Jovs dito?" at sinagot naman ako nito ng "Hindi mo ba siya namimiss? Ako kasi miss na ang baliw na yun."

Kinwento lang sa akin ni Aby na temporary nalang sa Army starting roster si Jovs para sa V-League ngayong conference. May task daw kasi ito na under orders ng Chief. Sabi naman daw ni Coach ay pwede pa rin maglaro si Jovs sa kanila basta kaya ng schedule at ng katawan niya. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang task na yun. Mukhang importante dahil mataas na tao sa army ang nagbaba ng order sa kanya. Ilang sandali pa ay dumating na ako sa shop. Mukhang nandito na sila dahil maingay na sa loob.

"Happy birthday Ly!" bati ko sa kanya sabay yakap.

"Thank you Ate Chel!" yumakap din ito at kinuha nito ang bitbit kong wine. "Thank you din dito." Umalis ito saglit at binigay kay Aby ang hawak. Nandito na din si Din at Den kaya tumabi na ako sa kanila.

"Hi Ate Chel!" bati ni Den at nakipagbeso sa akin. Gumanti naman ako ng beso. Matapos kay Den ay nakipagbeso na rin ako kay Din.

"Ate, ipaalala mo nga sa akin na konti lang ang inumin mamaya. May praktis pa naman tayo." sabi ni Din sa akin. Magkateam kami nila Aby at Din sa PSL.

Natawa naman ako ng bahagya. "Bahala ka. Sabihin mo yan kay Aly." biro ko sa kanya. Napakamot nalang ito ng ulo. Ilang sandali pa ay tumunog ang chime sa pintuan senyales ng pagbukas. Mayamaya pa ay isang pamilyar na mukha ang pumasok dito.

"Jovs!! Long time no hear! Kumusta na?" agad na lumapit dito si Den at sinalubong ng yakap. Lumapit din dito si Din at ginulo ang buhok nito.

"Oo nga Gwapa. Tagal mo ring hindi nagparamdam. Akala ko natuloy ka na sa military training."

"Hehe. May orders kasi si Chief kaya hindi na ako nakasama sa training. Yun nga lang e pati yung V-League masasakripisyo ko." sagot nito sa dalawa. Dumako naman ang tingin niya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Hi Ate Chel."

"Hi Jovs. Na-miss kita." ganting ngiti ko sa kanya. Namiss ko talaga siya, kahit ilang gabi rin niya akong hindi pinatulog kakaisip sa kissing scene namin sa airport. Hindi kasi ako mapakali tuwing naalala ko yun, at hindi ko rin maiwasang mapangiti.. Ngayon lang ako kinilig ng ganito. Naka-drugs yata ako. Lumayo naman ang tingin niya sa akin. Mukhang ako lang ang affected ng ganito sa halikan namin.

"Jovs Be! Tagal mo ring hindi napasyal dito ah." bati ni Aby sa kanya sabay yakap.

"Oo nga e. " sagot naman ni Jovs. "Si Aly?"

"Nandoon sa kitchen. Busying-busy. Birthday niya daw e." natatawang sagot ni Aby. Kalaunan ay lumabas na rin si Aly at sabay-sabay namin siyang kinantahan ng happy birthday. Pasimple namang umalis si Den para kunin ang cake at sindihan ang candle. Natapos na ang pagkanta.

"Make a wish na.." sabi ko. Tila nag-isip ito sabay tingin kay Den bago hipan ang kandila sa cake na hawak ng huli.

"Gusto mo hulaan ko yung wish mo?" ngiti ni Jovs sa kanya.

"Wag na!" agad tanggi ni Aly. Natawa naman kami.

"Paano ba yan... inuman na!" aya ni Aby. At napahiyaw naman ang mga kasama ko. Isang "maboteng" usapan ang naghihintay sa gabing ito.


--



Falling In (Gonzaquis)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora