Strings 19

2K 50 0
                                    


Rad's pov


"May problema ka ba Ate Chel??" tanong niya sa akin habang hawak ng kamay niya ang isang braso ko. Mas mabuti nga sigurong hindi nalang nya maalala yung mga sinabi niya sa birthday ni Aly kagabi. Kahit anong tanggi ko ay hindi ko pa rin kasi maiwasang maapektuhan sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy niya. Nasasaktan ko pala siya ng hindi ko namamalayan.

"W-wala Jovs. Umalis ka na." taboy ko sa kanya. Hahakbang na sana ako ng mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi Ate Chel. May problema ka. Pag-usapan natin.. tutulungan kita.." pilit nito habang buong matang tumingin sa akin pero hindi pa rin ako tumitingin ng derecho sa kanya. Hinatak niya ako palapit sa kanya. Akmang hahawakan niya ang mukha ko ng bumukas ang elevator.

"Jovs?" gulat ng isang babae pagkakita kay Jovs. Mestisahin ito at may katangkaran. Hindi ko siya kilala pero parang pamilyar ang mukha niya.. hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Agad naman kaming naghiwalay ni Jovs.

"P-Pia.. good morning." Nakangiting bati nito sa babae. Siya si Pia??

"Good morning." ganting bati nito kay Jovs. Dumako ang tingin nito sa akin, "Friend mo?"

"Ah oo." sagot ni Jovs. "Si Ate Chel.. Rachel Anne Daquis." pakilala nito sa akin. Nginitian ko naman ito. Bumaling naman sa akin si Jovs. "Ate Chel.. siya si Pia... Pia Wurtzbach." nakipagkamay ako sa kanya.

"Hi! Nice to meet you." ngiting bati nito sa akin. Naalala ko na kung sino siya.. siya yung nanalo sa Binibining Pilipinas. Kaya pala pamilyar e siya pala yung napanood kong nakoronahan. Sobrang ganda pala niya sa personal. Ang liit ng mukha at ang ganda ng mga mata, pati ngiti...

"Mestisa.. maganda ang mga mata at ngiti niya.." bigla ko nalang naalala ang mga salita ni Jovs kagabi. Teka.. Wag mo sabihin..? Pagkakamay sa akin ay bumaling na ito kay Jovs.

"Jovs by the way, may event ngayon sa Araneta Center. The rest of the queens will be there. Should we...?"

"Sure. Let's go queen." aya nito kay Pia. Nginitian nalang ako ng dalawa at umalis na ng sabay. Sinundan ko nalang sila ng tingin ng muli kong maalala ang sinabi ni Jovs kagabi...

"Siya lang ang reyna.. reyna sa puso ko."


--



Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now