Strings 48

2.6K 46 1
                                    


Matapos ang mahabang byahe ay naihatid ko na rin sya sa condo nya. Tahimik lang kami sa byahe. Parang pinapakiramdaman namin ang isa't isa. Kinabahan pa ako ng subukan nyang tawagan si Aly at Aby para kumustahin si Jade. Buti nalang at walang sumagot sa kanilang dalawa sa mga tawag ni Chel.

Pagkarating namin ng parking ay agad itong nagtanggal ng seatbelt, "Thank you Jovs.." ngumiti pa ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Lumakas na naman ang kabog sa dibdib ko sa ginawa nya.

"Alis na ko.." paalam ko. Pero sa totoo lang ay ayaw ko pang umalis dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya. Pero mukhang wala naman na akong magagawa. Sa ibang pagkakataon nalang siguro. Yun nga lang kapag nalaman ito ni Aly ay tyak na babatukan ako nun dahil napunta sa wala ang plano at effort nila.

"Jovs wait..." habol nito bago bumaba. Gayon nalang ang saya ko sa pagpigil nya. Tumingin naman ako sa kanya.

"D-dito ka na matulog.. malalim na ang gabi at delikado na sa labas..." sabi nya at pinaunlakan ko naman ang alok nya.

Pagdating namin sa unit nya ay agad kong binaba ang mga gamit namin at nagtanggal ng sapatos. Nilibot ko ng paningin unit niya. Wala pa ring nagbago simula ng huli kong punta dito.

Ilang minuto na kaming nagpapahinga sa mahabang byahe ng magsalita ito, "Jovs, gusto mong mauna sa shower? O ako muna?" tanong nya habang nakaupo kami sa sofa.

"Pwedeng sabay nalang tayo?" biro ko sa kanya. Bigla nalang nya akong hinampas ng throw pillow. Natatawang sinapo ko naman yung pinanghampas nya.

"Mauna na nga ako.." halos inis na sabi nya sabay punta ng shower. Pagkatapos nya magshower ay sumunod na ako. Mabilis lang akong natapos dahil sa lamig ng tubig.

Pagtapos ko ay nadatnan kong may tinatawagan sya sa phone. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya habang may dinadial. Nang hindi nito matawagan ang gustong makausap ay bumaling na ito sa akin.

"Jovs, hindi pa ba nagtetext sayo si Aly?" tanong nya, "Kumusta na kaya si Jade?"

Nakokonsensya naman ako sa ginawa namin sa kanya. Hindi ko naman alam na ganito ang concern niya kay Jade. Ayoko ng pahirapan ang loob nya..

"A-ate Chel, okay lang si Jade..."

Tumingin naman sya sakin, "Okay na? Nacontact mo na ba sila?"

"H-hindi. Sorry Ate Chel... okay lang sya..."

Buong pagtatakang lumapit naman sya sakin, "Sigurado ka? Paano mo naman nalaman?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na plano lang namin ito nila Aly...

"A-ate Chel.." panimula ko, "w-walang asthma si Jade..."

Kumunot ang noo nya pero nanatili lang syang nakatingin sa akin, "Jovs, nakita ko syang bumagsak kanina..."

"Alam ko... Ate Chel.. sorry.. pero pakana lang namin yun ni Aly.. ni Jade.." hirap na hirap ang loob ko sa pag-amin sa kanya. Nakatingin pa rin sya kaya nagpatuloy ako, "W-walang asthma si Jade Ate Chel.. sumakay lang sya sa plano ni Aly... na iwan ka mag-isa para m-makita kita.. makasama.. makausap.. iniiwasan mo kasi ako kaya nagpatulong na ako sa kanila..." magsasalita pa sana ako ng mapansin ko ang panggigilid ng mga luha sa mata niya. Parang dinudurog naman ang puso ko sa nakikita kong sakit sa mga mata nya.

Pumatak na nga ang mga luha nya at sa pagpatak nito ay sinampal nya ako ng malakas.

"Nag-aalala ako sa kanya, Jovs.. pero.. pero ginamit nyo lang sya para lang makita mo ako? Makausap dahil iniiwasan kita? How can you be so selfish?!" sumbat nito. Alam ko namang mali ang ginawa ko pero bakit ganito naman ang pagsumbat nya saken.. na parang sya lang ang nasasaktan?

"Oo na! Selfish na ako kung ginusto ko lang na makita at makausap ka dahil iniiwasan mo ako! Selfish na ako kung ayaw kong ipaalam sayo ang nararamdaman ko dahil natatakot akong layuan mo ako! Selfish na ako na kahit anong pilit ko sa sarili ko na kaibigan lang ang turing mo sakin e ikaw pa rin ang tinitibok nitong lecheng puso ko! Selfish na ako na kahit alam kong straight ka ay minamahal pa rin kita.. at umaasa pa rin na mamahalin mo rin ako..."

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko at kinabig ko na sya palapit sa akin at siniil ng halik. Ramdam ko ang pagkabigla nya at bahagyang pagpupumiglas ng idiin ko pa ang mga labi ko sa labi niya. Makalipas ang ilang sandali ay tumugon na rin sya sa halik ko. Nanggigigil at nag-iinit ako sa mga halik nya. Naging mas mapusok pa ako sa paghalik sa kanya at nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay ko sa katawan nya. Mabilis na naalis ng kamay ko ang robe nya at sa tagal ng pagkakadikit namin ay hindi ko namalayang naihiga ko na sya sa kama. Inalis ko na rin ang damit ko hanggang sa dalawang maliit na saplot nalang ang suot namin. Patuloy lang ako sa paghalik sa kanya ng ipalupot nya ang isang kamay sa batok ko. Malayang naglalakbay sa katawan ko ang isa nyang kamay at napapasinghap nalang ako sa maiinit at madidiin nyang hawak sa katawan ko.

Tinanggal ko ang bra niya at nagsimulang bumaba ang mga labi ko sa dibdib nya. Sobrang lambot. Nakakagigil. Napapalakas ang mga ungol nya sa pagdiin ng mga kamay at halik ko dito. Ng magsawa ang kamay ko dito ay nagsimula na itong bumaba hanggang marating nito ang pagitan ng mga hita nya. Sinimulan itong paglaruan ng mga daliri ko kahit may telang nakatakip dito.

"Jovs..." ungol nya sa pangalan ko. Nagising naman ako sa pagbanggit nya kaya natigilan ako sa ginagawa ko. Nagpantay ang mga mukha namin at nakatinging kinausap ko sya.

"Chel..." halos bulong kong sabi sa kanya, "I love you.. sabihin mo kung napipilitan ka lang.. ititigil ko na..."

Nakatingin lang sya sa akin at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko habang nakapatong pa rin ako sa kanya.. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko..

"I love you too..."

Ilang sandali pa ay siniil nya ako ng halik at sinimulan ko na syang angkinin ng buo.


--



Falling In (Gonzaquis)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant