Strings 31

2K 44 1
                                    


Matapos yung pambubugbog ko sa stalker ni Pia ay dumerecho na ako sa unit nya. Napaamin ko na yung stalker at kailangan ko nalang iinform si Jeannie. Nahirapan pa akong ipakulong sa presinto yung ungas at nakwestyon pa yung police power ko na magpakulong. Sinabi kong sundalo ako pero hinanapan nila ako ng identification. Malas ko lang ng maalala kong naiwan ko sa kotse sa parking yung gamit ko. Buti na nga lang at may nakakilala sa aking pulis na mahilig manood ng sports, "Volleyball player ka di ba? Ikaw si Gonzaga, yung Bionic Gwapa ng Philippine Army!"

Paglabas ko ng elevator ay laking gulat ko ng makita si Chel. Sobrang namiss ko sya. Nitong nakaraan kasi ay sobrang lamig ng pakikitungo nya saken. Ang saya ko lang ng ngitian niya ako pagkatapos ko siyang batiin. Hindi ko na nga napigilan yung sarili ko at nagpahabol pa ako ng sabi habang nasa elevator sya na miss ko na siya. Sana naappreciate naman nya yun. Hindi ko lang maiwan si Pia pero gustung-gusto ko na syang yakapin nun.

"Jovs okay ka lang ba talaga? Ano ba kasing nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Pia. Pinagtimpla nya kaming dalawa ng kape after niyang magshower. Sobrang alala nito kanina sa akin ng makitang may bahid ng dugo yung pisngi at damit ko, lalo ng makita niyang duguan yung kamay ko.

"Sabi ko naman sayo, umawat lang ako sa nag-aaway sa labas." kanina ko pang palusot sa kanya.

"Then why do you have blood stains in your body? Baka ikaw itong nakipag-away ha.."

"Hindi ah! Inawat ko lang yung isa... duguan na sya pero ayaw kasi niyang paawat kaya nasuntok ko yung mukha niya.." pagsisinungaling ko. Hindi ko kasing pwedeng sabihin yung tungkol sa stalker niya. Bukas na bukas ay pupunta ako kay Jeannie. Sana naman ay maayos na ang lahat para naman sa ikakabuti ni Pia bago siya pumunta ng Las Vegas para sa Miss Universe.

"Hmph. Siguraduhin mo lang na hindi ikaw ang nakipag-away..." irap nito sabay higop ng kape.

Napalabi nalang ako. Hindi ko maiwasang matouch sa kanya. Hindi man nya aminin pero sa mga simpleng salita at kilos niya ay alam kong concerned siya sa akin.

Parang si Chel... Napangiti naman ako pagkaalala sa kanya.

Oo nga no. Pareho silang matalino, sweet at maganda. Hindi nga lang sya makurot sa pisngi gaya ni Chel.

Feeling ko ay lalo pang lumaki ang ngiti ko.

"Ano namang nginingiti mo dyan?" nakatinging tanong ni Pia sakin.

"Wala. Concerned ka din pala sa akin." ngiti ko habang nakapangalumbabang nakatingin sa kanya. Ibinaba nito ang iniinom na kape.

"Oo naman. We're friends right?" ngiti nito sabay balik sa kape nya.

Pareho pang kaibigan ang turing sayo. Ang pinagkaiba nga lang, yung isa hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo. At yung isa, hanggang kaibigan lang din ang turing sayo...


--



Falling In (Gonzaquis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon