Strings 9

2.3K 56 1
                                    


"Ikaw!" nagulat nalang ako sa lumabas sa bibig ko. Bakas sa mukha ni Chel ang pagkabigla. Maging sila Din, Den at Aby ay natigilan at napayuko, habang natahimik naman si Aly. Tahimik namang nakatingin sa akin si Jade.

"I-Ikaw kasi. Iniwan mo ako kanina kung kelan maraming tao. Hirap kaya magserve. Muntik ko pang matapon yung shake sa iphone nong isang customer. Kaloka." sabi ko nalang. Buti nalang nakaisip agad ako ng dahilan. Napakagaga ko naman kasi at bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Pero totoo na muntik ng matapon yung shake sa iphone ng customer kanina.. hindi nga lang yun ang talagang kinakainis ko.

Umalis si Jade kaya nawalan na kami ng harang ni Chel. Kitang-kita ko tuloy ang pagtataka at pagsilip ng ngiti sa mga labi nya. Ayan na naman yung mga ngiti niyang nagpapanginig ng mga tuhod ko.

"Yun lang ba? May nagpapicture lang sandali kanina. Ito naman tampo agad." lumapit pa ito at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Para akong nakuryente sa pagkakahawak niya. Lumakas pa yata yung kabog ng dibdib ko sa pagkakalapit namin.

"M-muntik pa kaya akong magbayad nun ano. Iphone 6 pa naman yun." sabi ko nalang. Hindi ako tumitingin sa mata niya dahil baka kung ano lang magawa ko. Bakit ba ang lakas talaga ng dating mo sakin?

"Hehe... alam mo namang poorita mirasol si Jovs ngayon Ate Chel at baka mawalan yan ng papadala sa Iloilo kung nagkataon." birong singit ni Aly. Nakaramdam sigurong nangangailangan ako ng back-up ng sipain ko siya sa ilalim ng table.

"Hmph. Ikaw talaga." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Ililibre nalang kita. Anong gusto mo?"

Ikaw. Ikaw lang naman ang gusto ko.. "W-wala. Nasaan na ba yung anak ko? Dito ka nga Jade." hanap ko kay Jade. Nag-CR lang pala saglit. Pinaupo ko na siya sa tabi ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa pagkakalapit namin ni Chel. Agad namang umusog ang huli para makaupo si Jade.

"Aba career na talaga ang pagiging nanay dyan sa pamangkin ko ha. Bat hindi ka na rin sumama ng Korea?" biro ni Aby. Ito naman ang pabiro kong binato ng tissue. Nagtawanan tuloy sila Din.

"Mommy Jovs ikaw Korea sama??" tanong tuloy ni Jade. Pabirong kinurot ko ang pagkacute nitong pisngi.

"Hindi pwede nak. I'll wait for you here nalang." ngiti ko.

"Mama Chel will you wait for me too?" lambing nito kay Chel. Game naman itong umakbay kay Jade.

"Oo naman. Pagbalik mo laro tayo ng volleyball ha."

"Kamsahamnida. Will you wait for Mommy Jovs too?"


--



Falling In (Gonzaquis)On viuen les histories. Descobreix ara