Strings 35

1.9K 44 0
                                    


Rad's pov


Akala ko naman ay makakalimot na ako kapag nagpunta ako dito sa shop nila Aby. Pero bakit nandito siya? Gusto ko na sana siyang yakapin kanina pero nakita kong may kasama pala siya.. at magkahawak pa sila ng kamay. Agad naman silang nagbitiw ng makita ko yun pero ang sakit pa rin.. Sabi Aby ay simulan ko na daw magmove on. Pero paano naman ako magmomove on kung nandyan siya, at magkasama pa sila?

"Sorry Ate Chel... pramis.. hindi ko pinapunta si Jovs dito. Bigla nalang syang nagpunta dito kasama si Pia..." dispensa ni Aby. Ito kasi ang nag-aya dito sa shop niya at tutulungan daw nya akong makalimot. Sinama na nya si Aly dahil baka makatulong daw ang mga kalokohan nito.

"Okay lang Aby.. wala ka namang kasalanan..." napaupo at napabuntong hininga nalang ako. Buti at may bakanteng table pa dito sa tabi. At higit sa lahat ay malayo ito sa kinalalagyan ngayon nila Jovs.

"Mahal mo na talaga no?" nakatinging tanong sa akin ni Aby.

"Oo.. ang sakit e." sabi ko nalang. Nararamdaman ko ang panggigilid ng luha sa mga mata ko.

Tumayo si Aby at agad akong tinabihan at niyakap. Pinahid ko ang mga luhang namumuo sa mata ko at napayakap nalang din ako sa kanya.

"K-kahit paano, masaya na rin ako p-para kay Jovs.. dahil masaya siya kay Pia..." sabi ko nalang sa pagitan ng paghikbi ko.

"Iba ka rin Ate Chel... nasasaktan ka na pero iniisip mo pa rin yung kaligayahan nya.." humigpit ang yakap sa akin ni Aby.

"Ano pa bang magagawa ko? Mahal ko e. Mahal na mahal..." sabi ko at tuluyan na akong napahagulgol. Agad naman akong inalo ni Aby.

Mahal ko na talaga siya... pero may mahal syang iba. Alam ko naman yun. Sana ay masaya sya sa piling niya. At sana ay mahal din sya ng mahal nya. Malaman ko lang yun kahit paano ay okay na ako, at kahit paano ay makakapagmove on na ako. Magkaibigan pa rin naman kami at ayoko namang mawala yung pinagsamahan namin.

"Pero Ate Chel.. hindi pa naman sinasabi ni Jovs kung sila na.. hindi naman natin alam kung mahal siya ni Pia.."

"Pero mahal siya ni Jovs Aby... i-isa pa, m-may nangyari na sa kanila.. wala na akong magagawa doon.." hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

"Hindi ganyan si Jovs Ate Chel.. alam mo yan.. magtiwala ka lang sa kanya.. antayin mo lang sya..."


--



Falling In (Gonzaquis)Där berättelser lever. Upptäck nu