After Prom Night, What Happened To My Dad and Jomart's Dad?

Magsimula sa umpisa
                                    

Paghawak ng kamay, pag-ikot sa paghakbang, pasulok na paghakbang... ito ang isinasaisip namin ang tamang dance steps ng waltz bago kami makagalaw nang tama. Sa kabila nito, habang nagsasayaw ako, minsan akong iniisip na ukol sa pinagdaanan ng pagsasama ng boyfriend ko, maging sa katuwaan man o may pag-aalinlangan kami. Nang dahil dito, muntik na akong magkamali o makadapa, dahil naagap ni Jomart na nakasalo sa akin.

********************  

Ano kaya nangyari ang daddy ko nang nagkita ang daddy ni Jomart sa labas? Pagkalabas ko sa loob ng venue namin sa clubhouse na katatapos na bandang alas-dos ng madaling araw, pasulyap-sulyap akong hinahanapan ng kung saan-saan, at pagkaraan ng ilang subok sa paghahanap ko, nakita ko na ang daddy ko ay nakatanaw siya sa buong paligid na umiilaw na gusali at sasakyan sa lansangan, na matatagpuan mismo sa likuran na clubhouse.

"Dad?" ang sabi ko.

Narinig ang pagtawag ko sa daddy ko nang nakalingon sa akin sa likuran niya.

"Aba," ang sabi niya, "ngayon ka lang natapos ang prom night ninyo, ah."

Nang kumanlong na rin ako sa bakod para makatanaw sa nag-iilawang gusali at sasakyan, tila parang balisa ang nararamdaman ng daddy ko.

"Ano po ba nangyari sa pagharap mo sa daddy ni Jomart?" ang tanong ko sa kanya.

"Mahinahon ko lang ipinaliwanag ko kay tito Fredoro," ang paliwanag niya, "dahil tanggap daw niya ang pinagdaanan natin. Nang pinag-masdan ko sa kanya, halos natuwa lang daw 'yung ikuwento ko sa kanya ukol sa pag-eye contact ninyo habang pinagmasdan ko sa inyo." 

"Tapos nasiyahan na po ba siya sa 'yo?" ang usisa ko. 

"Oo, gano'n na nga," ang sagot ng daddy ko, "kahit alam niya na hindi lamang na mabait na tao ako kundi nang dahil sa tamang pagtrato ko sa mga tao bilang psychologist." 

"Pagkatapos natuwa po ba kayo kahit parang napatawad po ba kayo?" ang saad ko. 

"Gano'n na nga, anak," sabi niya, "pero alam mo ba na kaklase ko talaga si tito Fredoro noong high school kami? Minsan nga, eh, naglakwacha kami nang konti habang binabalanse ang pag-aaral namin, lalung-lalo na ang pag-uusap namin noon ang pagkasama ko ng mommy mo. Kaya nakasalalay ko talaga 'yung responsibilidad ang pagtitiwala sa daddy ni Jomart bilang ninong mo rin siya." 

"Ninong?" ang duda ko. "Eh, 'di po tayo kamag-anak sa boyfriend ko, eh meron naman po tayong lolo at lola ko." 

"Alam ko 'yon," ang katwiran niya, "pero sa kabila nito, dahil batang-bata pa kayo at kailangan kayong mag-antay ng mahigit sampung taon para makapag-asawa sa wastong gulang, at kailangan pa kayong mag-aral maigi, siyempre susuportahan namin kayong magkaibigan nang tapat." 

"Pero 'yung pinagdaanan mong niligawan ng mommy ko noon, hindi po kaya nag-aalala ng magulang mo at magulang ng mommy ko?" 

"Inilihim ko lang ang kinaroroonan ng pagtatagpo namin," ang sagot niya, "kasi baka magkalayo kami nang dahil sa higpit na ginagabayan nila sa amin. Pero pumayag naman nila sa amin na magkasama kami sa isa't-isa nang dahil sa pagmamalasakit ko sa mommy mo, hanggang nagpakasal kami ayon sa itinakda naming paghihintay at pagtitiis. Sa panahon ngayon, ikaw at ang boyfriend mo ay dapat mapahalagahan ang iyong responsibilidad at saka kailangan kayong matutong maghintay sa takdang panahon." 

"Sa tingin ko po," ang usisa ko, "parang ipinagtanggol mo sa akin sa panliligaw ko ng boyfriend ko kahit hindi sapilitan lang. Sa totoo lang po, nag-iingat ko lang sa pag-iwas ng anumang tukso. Eh kaso, lagi ka naman pong binabantayan sa pagkikita ng boyfriend ko." 

"Oy, ba't 'di kayo umuwi na mag-aama?!" ang tuwa na sigaw ni tito Fredoro, ang daddy ni Jomart. "Gabing-gabi na, nag-tsismisan pa kayo?!"  

"Pambihira naman, Fredo," sabi ng daddy ko, "eh kanina pa akong nagpaliwanag sa 'yo nang mahinahon ukol sa mabuting pagsasama ng anak mong si Jomart sa anak kong babae si Gracielle."

"Walang anuman 'yon," sabi ni daddy ni Jomart, "kanina ko rin ipinaliwanag sa iyo na magkakampi pa tayo nu'ng kabataan pa tayong nakikipagbarkada, pero sa mabuti naman." 

"Teka," ang giit ko kay tito Fredoro, "matagal ka na po bang nagpakilala sa daddy mo?" 

"Oo, iha," ang sagot ng daddy ni Jomart, "alangan na sa akala mo sesermohin na kita dahil ang babata pa kayo makapagligaw na wala sa oras. Pero kung may sapat na paggalang kayo sa matatanda tulad namin kahit handa na kaming gabayan at pagtrato nang tama sa inyo, nasa kamay ang ating responsibilidad na may sapat na tiwala sa sarili. Kagaya ng pinagkwentuhan kami ng daddy mo, natutunan na kaming maging magandang asal nang nakikisalamuha namin noon 'yung mga nakatatanda, na kung minsan sinesermuhan nila sa amin 'yung nagawa naming mali, tulad ng hindi daw kami tumutlong sa gawain bahay o 'di kaya nakalimutan daw kami gumawa ng assignment."

"Pambihira ka naman po," ang pagkangiti na sabi ko, "inaalala mo pa 'yung pagiging pasaway kayo noon kahit kusa pong natutong dinisiplina sa amin kung sakaling maging pasaway na rin po kami." 

"Hih, hih, hih!" ang tawa ni Mr. Bernardino. "Huwag na lang natin ikumpara kung ano ang inuugali nating tama o mali sa panahon ngayon, pero handa na akong magtiwala sa 'yo, kung kailangan mong matuto ng responsibilidad mo." 

"Dad," ang tawag ni Jomart sa daddy niya, "ba't nandito ka sa mag-aama ni Gracie? May problema nga ba?" 

"Wala, anak," ang sagot ng daddy ni Jomart, "kinukumusta ko sila, kasi nakilala ko si doc Tundangan noong nagbarkada kami." 

"Ah, pasensya na po sa daddy ko, doc Tundangan," giit ni Jomart, "kasi ibig daw niya binusisi sa 'yo."

"Walang anuman, anak," ang sabi ni tito Fredoro, "kanina pa kami nakikipagkwentuhan nang matino." 

"O sige po, uuwi na po kami," ang sabi ni Jomart, "pero huwag po kayong magtatagal, baka magpupuyat po kayo pauwi."

"Magkita uli tayo, p're," ang ngiti na sabi ni Mr. Bernardino sa daddy ko na naka-shake hands pa sa kanya, "alalahanin ninyo na nandito kami para shportahan sa inyo na tapat. O sige, paalam na." At niyakap pa sila bago tuluyang nagkalayo sila sa amin. 

"Teka, sandali!" ang sigaw ko sa kanila, at pagkatapos ay tumakbo ako sa kanila. "Jomart," ang patuloy kong sinabi na nakahingal nang konti, "alalahanin natin na kahit magkaibigan muna tayo, kakayanin na lang natin na may pakinabang na tama. Sa tingin ko lang, binabantayan pa rin tayo sa mag-aama mo at sa mag-aama ko."

"Oo nga eh," ang sabi ni Jomart, "pero nandito lang ako para mapagligaw kita nang tapat sa takdang panahon. Sa ganda mo 'yan, lalo na akong lumalambot ang nararamdaman ko sa 'yo sa naturang okasyon na ito." 

Hinawakan ko pa ang kamay ni Jomart... 

"Iba ka talaga ang nadarama mo," ang sabi ko, "dahil nalaman ko na unti-unting nagbago ang tadhana natin sa isa't-isa, pero hindi pa rin mawawala ang guide natin sa mabuti. Anumang mangyari, kailangan nating harapin ang anumang abala na nakikisalamuha pa ang mag-aama natin nito."

"Oo," sabi ni Jomart, "kailangan muna tayong alalayan ang mag-ama ko at sa mag-ama mo, kasi nakakasagabal talaga, eh." 

"Tara na, Jomart," ang tawag ng daddy niya, "uwi na tayo!"

"O sige na, Gracie," ang sabi ni Jomart, "magkikita uli tayo." Hinalikan pa ang kanang pisngi ko at niyakap sa akin. At tuluyan nang umalis ang mag-aama nila. 

Ganito nga ba na pawang ipinagtanggol ng mag-aama ko at mag-aama ni Jomart sa pagkakaibigan namin sa isa't-isa? Paano kaya huminahon ang pag-uusap ng daddy ko at daddy ni Jomart sa sitwasyon namin kahit nakikilala raw sila noong kabataan sila? Ito ang nakatatak sa isipan ko na maaaring maihambing sa kasalukuyang karanasan ng kabataan ngayon tulad ko sa mga nakatatanda na may nakatatak na alaala ng karanasan noong kabataan sila. 

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon