Strings 2

3.8K 76 2
                                    

"Pinatulan mo rin yung trip ng pamangkin ni Aby ano?" Natatawang sabi ni Aly. Inaya ako ng lukaret na to sa isang mall sa Pasay. Bonding daw kami saglit bago kami magkalaban ulit sa darating na Reinforced Conference ng V-League. Puspusang training na naman kasi kami in the next weeks. I-drive nalang daw niya ako pauwi sa Army HQ.

"Okay naman. Kung naging bata lang siguro si Jade e talagang gugustuhin kong maging Mommy niya. Kaso ngayon e parang kapatid ko na siya."

"Pero may konting hawig nga kayo. Medyo chinita ka din e."

"Nambola pa. Oo na ililibre na kita doon sa gusto mong Japanese restaurant."

"Hindi naman ako nagbibiro.. Pero wala ng bawian ha! Libre mo. Wait lang natin yung isa pang kasama." ang laki ng ngiti ni Aly. Napasubo na naman yata ako. Ang akala ko e kaming dalawa lang dito. Nagring ang phone ni Aly.

"Hello Ate Chel? Nasaan ka na? Dito na kami ni Jovs..." Si Chel yung isa pang kasama?? Ano na namang pakulo ito ni Aly? Lagi nalang akong napapasubo sa babaeng to. "Ah sa may skating rink? Sige puntahan ka nalang namin diyan." binaba nito ang phone.

"Ano tara? Let's get your damsel in distress." nakangiting hinila na ako nito paalis.

"Hindi mo naman sinabi na kasama pala si Chel. Akala ko tayo lang.."

"Hindi yun magseselos sa akin no." biro nito at tinapik ko naman siya sa braso. Napahawak nalang siya dito.

Mahaba-habang lakaran din yung lugar ni Chel mula sa pwesto namin. Bakit ba kasi dito pa nag-aya si Aly. Bigla itong nahinto sa paglalakad. "Ay bwisit. Nakalimutan ko yung wallet sa kotse. Balikan ko lang.."

"Samahan na kita."

"Hindi na Ate Jovs. Nag-iintay na si Ate Chel. Ayaw pa naman non ng pinag-aantay. Takot ko lang na mabadtrip yun. Sunod nalang ako sayo doon sa rink." iniwanan na ako nitong mag-isa. Tulad ng sabi niya dumerecho na ako sa skating rink. Takot ko lang din na mabadtrip si Chel no. Minsan kong nakitang nabadtrip yun at halos lahat pinanlilisikan ng tingin. Hindi ko tuloy natikman yung lulutuin daw niyang kare-kare.

Matapos ang mahaba-habang lakaran ay narating ko na din ang destinasyon ko. At sa dulo ng destinasyon, nandoon ang nagpapatibok sa mokong na pusong ito. Ayan na naman yung pamilyar na slow motion pagkakita ko sa maganda niyang mukha. Hindi pa niya ako nakikita. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa gawi ko at nagliwanag ang ekspresyon niya. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa ngiti niya.

"Jovs! Nasaan na si Aly?" hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.

"S-Susunod daw. Naiwan lang yung wallet sa kotse. T-teka tawagan ko na.." agad kong dinial ang number ni Aly. Nasaan ka na ba Aly? Baka hindi na ako makapagpigil dito..

Walang sumasagot sa kabilang linya. Tinawagan ko ulit. Matapos ang mahabang ring ay sumagot na rin ito. "Hello Ate Jovs?"

"Ly saan ka na? Inaantay ka na namin ni Ate Chel. Dito pa rin sa rink." napatingin ako kay Ate Chel. Nakatingin rin pala siya sa akin.

"Ehh.. Ate Jovs kasi.." biglang umingay sa kabilang linya.

"Aly??"

"Hello Ate Jovs.. pass muna ako. Nakita kasi ako ng fans ko dito e nagkakagulo na..." hindi ko na narinig yung ibang sinabi ni Aly dahil puro hiyawan na ang narinig ko sa kabilang linya.

"Ano?? Ikaw itong nag-aya tapos ikaw pa ang mawawala..."

"Sorry Ate. Alam mo naman mahirap tumanggi sa fans. Pramis susunod ako sa inyo pagkatapos ko dito--" isang nakakabinging "I love you Aly!!" ang nangibabaw sa kabilang linya. Biglang naghang ang phone. Wala na yung kausap ko. Sumakit yata tenga ko dun.

Falling In (Gonzaquis)Where stories live. Discover now