CHP47: I do, Cherish you

3.1K 87 3
                                    

"Forgiveness does not change the past, but it gives the future a chance."

**

KAI POV

"Naku, mukhang nagsisimula na sila. Sige hubby, mauna na ko. Bye. Salamat sa paghatid."

Nagmamadaling lumabas ng kotse si Dasuri. Halos madapa-dapa pa sya dahil sa sobrang pagmamadali.

"Mag-ingat ka nga." Pahabol ko sa kanya. Nilingon naman nya ko habang tumatakbo.

"Oo na po. Babye. Mwua." Nagflying-kiss pa sya pagkatapos 'non. Pasaway talaga. Hinintay ko munang makapasok sya ng tuluyan sa loob bago ko itinaas 'yung salamin ng kotse ko.

Dasuri never failed to make me smile. Kahit sandali lang, nagagawa kong kalimutan ang mga problema ko kapag kasama sya.

Bubuksan ko na sana 'yung makina nang bigla namang tumunog 'yung cellphone ko.

"Hello hyung?" si Kyungsoo 'yung tumatawag.

(Pinapupunta ka dito ni noona. Gusto ka daw nyang makausap.)

But still, I can't escape.

"Ganon ba. Sige, pupunta na ko dyan," ibababa na sana ni hyung 'yung cellphone nya nang bigla ulit akong magsalita.

"Sandali lang, galit parin ba sila sa'kin?" medyo matagal pa bago nakasagot si Kyungsoo hyung. Siguro iniisip pa nyang mabuti ang isasagot. Sabagay, hindi naman talaga madaling tanong 'yon.

(Hindi naman talaga sila galit sa'yo eh. Nagtatampo lang. Hayaan mo muna siguro silang mag-alis ng sama ng loob. Hindi rin naman makakatiis ang mga 'yan. Babalik din sa dati ang lahat.)

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago sumagot.

"Sana nga hyung, tama ka."

**

MSS SHIN POV

Pagkatapos ng sayaw nila Bambam at Krystal biglang namatay ang ilaw. Akala ko tapos na ang performance nila kaya tumayo na ko mula sa kinauupan ko. Kaya lang laking gulat ko nang biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa'kin ang isang malaking screen. Parang wala naman 'to kanina ah.

Maya-maya pa, biglang may nagplay na video.

LOVE IS TROUBLE.

TROUBLE THAT WILL HUNT YOUR MIND

AND KILLS YOUR HEART.

Maya-maya pa'y may sumabay ditong tugtog, isang espesyal na tugtog para sa'kin. Isang tutog pero puno nang masasaya't malulungkot na alaala. Para kong napako sa kinatatayuan ko nang isa-isang lumalabas ang mga litarato ko at litrato ni....Dongwoo.

*I do I do now
I do I do

All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need
Is in your eyes shining at me
When you smile I can feel
All my passion unfolding

Para kong nakakita ng multo habang patuloy sa pag play ang video na nasa harapan ko. Laman nito ang mga litratong puno ng masasayang ala-ala.

Your hand brushes mine
And a thousand sensations
Seduce me 'cause I

I do cherish you for the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still from the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much, I do, oh baby oh

"Ma'am, lagi nyo kaming binibigyan ng payo. Pero sa pagkakataong ito, hayaan nyo namang kami ang magpayo sa inyo." Nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Soyeon, Krystal at Yoonsoo na may dala-dalang belo.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon