PROLOGUE

59.9K 1.5K 129
                                    

VINDEA

19 years later, the war between Zaldea and Vindora came to an end. Two parts of the world united and became Vindea. And its people now live in harmony with Lean and Flame Ryker as their rulers.

"Bilisan niyo na at malalate na tayo!" sigaw ni Ash Phantom mula sa pintuan ng kanilang dormitory. Mukhang naiinis na ito at kanina pa naghihintay

"Teka lang! nawawala yung gel ko!" sigaw pabalik ni Blake Fletcher mula sa kwarto sa itaas

"Si Tyler! matagal pa maligo" Inis na sabi ni Jayden Slivercast na kanina pa naghihintay sa pintuan ng cr. RInig na rinig din niya ang pagkanta ni Tyler Alvon sa loob na mas kinagalit nito.

Si Logan Hollows naman ay busy sa pag-aayos ng kanyang buhok sa harap ng salamin

"Damn you look so fine!" bulong nito habang tinitingnan ang repleksyon ng sarili sa salamin.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na silang lahat at dali-daling tumakbo papunta sa kanilang paaralan ngunit napatigil si Blake nang may naalala

"Teka, parang may nakalimutan tayo" bulong nito sa sarili. napatigil naman ang iba nilang kasamahan

"Teka, si Aiden?" tanong ni Jayden at hinanap si Aiden Ryker sa kabilang paligid

"Sht!" napamura si Jayden.

Samantala sa loob ng isang kwarto sa kanilang Dormitory ay mahimbing na natutulog ang isang lalaking may pulang buhok.

--

HUMAN REALM

"Ela, handa ka na ba?" tanong ni Kaylie hollows sa kanyang kaibigan na si Elafris Hale. Ngumiti at tumango si Ela habang tinitingnan ang portal na nasa harapan nila. 

"It's now or never, handa na ako" masaya nitong sagot habang hinahawakan ng mahigpit ang maleta at bag na dala nito.

"Now," Kaylie told her proudly, carrying the pride of her world.

"The gates of Safiara Academy opens to you!"

--

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now