"Huwag po kayong mag aalala, talaga pong nag iingat akong huwag mauntog. Ayaw ko naman pong isipin ni Jason na napaka clumsy ko pag nauntog pa uli ako matapos ang todo todong bilin niya sa ating dalawa na mag ingat."

Natawa si Mang Vic, "yan ang nakakatuwa saiyo, yung napaka natural mo, walang ere, walang pagkukunwari. Napapangiti mo mga tao sa paligid mo ng walang kahirap hirap. "

"Dahil simple lang po ang buhay ko, ganyan lang po akong lumaki. Sabi po nina Mama at ng Tito Gary ko, mag aral daw po akong mabuti , magsikap at makisama. Huwag daw po akong manapak ng tao para lang umasenso para daw po makatulog ako ng mahimbing sa gabi at pag kumpleto daw po ang tulog ko, magiging masaya ang araw ko. Maniwala daw po ako sa karma. Ang panuntunan pong nakalakihan ko ay kung ano ang ipinunla, siya din ang bunga at yung kasabihang what comes around goes around." Nakangiting sabi ni Sarah sa driver bago tuluyang nagpaalam at sinabing mag ingat.

Hangang hangang sinundan siya ng tingin ng mabait na driver. Anak ka nga ni Sir Neil, nasabi nito sa sarili.

*****

Bago tumuloy sa pupuntahang dinner sina Jason at Bryan ay pumunta muna sila sa tuxedo fitting para sa isusuot nila sa pupuntahan nilang kasal in 2 weeks.

Habang sinusukatan sila ay hindi na nakatiis si Bryan na batiin ang pagiging tahimik ng kaibigang matalik.

"Bro, kanina ka pa tahimik, parang wala ka sa sarili. May problema ba?"

"I guess you can call it a problem. I am in big trouble." Jason sighed .

"What kind of problem, can I help?" Bryan asked.

"Don't laugh, but I think I am in love."

"Woahh!!" hindi makapaniwalang sabi ni Bryan ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

"Finally , someone has stolen your heart. Who is the unlucky girl?"

"What do you mean unlucky?" Seryosong tanong ni Jason sa bestfriend.

"Hahahahahaa, oh man , you really are serious! In love, I thought this day will never come, you to admit you are in love." Hindi mapigilang sabi ni Bryan.

"What made you say that? I thought you think I am always in love?" Nangingiting tanong ni Jason. Hindi niya naisip na ganon ang pagkakakilala sa kanya ng bestfriend na kasabay niyang lumaki at nagkaisip. Kasama din niyang nag aral sa New York , hindi nga lang nakatagal at mas pinili nitong bumalik sa Pilipinas makalipas lang ang isang taon.

"Napaka pihikan mo Bro, sa dinami dami ng mga babaeng nakilala natin, naka double date, nakasama sa mga kalokohan, ni isa wala akong matandaan na sinabi mong in love ka or you really like her or something like that. Panay, she is fun to be with , and that's that ni wala nga yatang naulit sa mga nakaka date mo except Georgina na mula ng mamatay si Benjie ay naging constant date mo na yata."

Kumunot ang noo ni Bryan ng ma realize kung ano ang sinabi niya. Napansin din niyang natahimik ang kaibigan.

"Wait a minute! No!! Don't tell it's Georgina. You are in love with her? No way!!" Hindi makapaniwalang sabi ni Bryan.

Nanlaki naman ang mata ni Jason sa narinig na hinala ng kaibigan. "What the ....? You think it's Georgina?"

"That's is the reason why you said you're in trouble, isn't it? It's Georgina!! Who would ever think you will fall in love with her." Hindi malaman ni Bryan ang sasabihin sa matinding pagkabigla.

"Shut up man, you are wrong!" Frustrated na sigaw ni Jason sa kaibigan dahil sa nakikita nitong reaction.

"Thank goodness, who is it then?" Parang nakahinga ng maluwag si Bryan.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon