"Can I come too?" Pa inosenteng balik tanong naman nito.

Nailing na lang si Neil. "Palagay ko hindi talaga ako magkakaroon ng mahabang panahon para ma enjoy ko man lang ang prinsesa ko.Mukhang may dalawa akong karibal na gusto agad gawing reyna ang prinsesa ko."

Palihim na kinurot ni Sarah ang Papa niya. Namumula ito dahil nahuli na naman niyang nakatingin sa kanya si Jason. Hindi niya maipaliwanag ang bagong nararamdaman para sa binata.

Hinalikan uli sa pisngi ni Neil ang anak at nagpaalam na. Ilang beses na rin kasing nag message ang PA niyang nauna ng pumunta sa office niya.

Samantala, katatanggap lang ni Lena ng isang napakagandang bouquet of flowers. Hindi pa man niya nakikita ang card na kasama ng mga bulaklak ay alam na niya kung kanino galing. Inamoy ni Lena ang mga bulaklak. Hindi pa rin nakakalimutan ni Neil kung ano ang paborito niyang kulay. Ano na nga ba ang magiging relasyon nila ngayon ? May pag asa nga bang maituloy ang naudlot nilang pagmamahalan nuon? Hindi kaya huli na para ipagpatuloy pa yun? Paano niyang haharapin ang ina ni Neil?

Naalala ang anak. Nanalangin na naman ito na sana ay huwag maranasan ng anak ang naranasan nito sa magulang ni Neil. Naniniwala naman siya sa pangako ni Neil na hindi niya pababayaan ang anak. Hindi din naman talaga siya nag aalala sa anak dahil alam niyang kahit na tahimik lang ito, mabait, hindi naman ito paaapak ng basta basta na lang. Kaya nitong maging maldita kung kinakailangan.

Si Georgina naman sa tindi ng pagkapahiya sa conference room ay tuloy tuloy ng umalis. May tinawagan at sinabing magkita sila sa dating lugar.

"Wow , ang aga naman yatang mainit ang ulo mo. Sa dating lugar? Bakit hindi na lang sa bahay mo? Hanggang kelan mo ba ako itatago?" Tanong ng kausap ni Georgina sa telepono.

"Alam mo naman na hanggang ngayon ang alam nila ay grieving widow pa rin ako. Gusto ko sanang mahulog ang loob sa akin ng Jason na yun pero mukhang malabo na ngayon na may lumabas pang anak daw ni Neil JR. "

"Sira ang plano mo? Paano yan, ano ang susunod na hakbang mo? Kung hindi mo maakit yung Jason di si Neil JR na lang."

"Huwag kang mag aalala, makakaisip tayo ng paraan para kahit na konting porsyento ng kayamanan nila ay mapa sa atin."

"Yan ang gusto ko saiyo, hindi nawawalan ng mga plano kaya naman hindi ako magsasawang paligayahin ka."

"Hmmmm , yan ang kailangan ko ngayon." nag iinit ang katawang sagot ni Georgina sa kausap sa telepono. "Twenty minutes anduon na ako, dapat anduon ka na rin ."

Malakas na tawa ang narinig ni Georgina. "Mukhang mainit talaga ang ulo mo, di bale, bago ka umuwi uli at magkunwaring nagluluksang biyuda, malamig na malamig na ang ulo mo. Gusto mo ba sa shower uli?"

"Kahit saan , kailangan kong magpalipas at mag alis ng tensyon, alam mo namang ikaw lang ang nakakagawa nun."

"At ikaw lang din ang nakakapagbigay ng mga kailangan ko."

Pagkatapos nilang mag usap ng tinatagong boyfriend ay nag iisip si Georgina kung paano makakaganti kay Neil Jr at Sarah. Humingi siya ng paumanhin pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya gaganti. Hindi pwede yun.

Kapansin pansin ang pagiging walang kibo ni Jason pagbalik nila sa office. Gaya ng dati madalas ito sa telepono, habang nakaharap sa computer. Labas pasok din mga tao sa office at madalas na napapatagal ang mga tingin ng mga ito kay Sarah pag ipinakilala na ni Jason.

Hindi malaman ni Sarah kung alam na nilang anak siya ng CEO ng kumpanya o namumukhaan siya sa nachi chismis na batang girlfriend ng Papa niya. Lumapit si Laarni kay Sarah ng oras na ng lunch break nito. "Sasabay ka ba sa amin na mag lunch?" Nag-aalangang tanong nito sa dalaga.

"Hindi ngayon, inimbita ako ni Papa na samahan ko siyang mag lunch today pero sa mga susunod na araw, sama pa rin ako sainyo."

"Sigurado ka? Okay lang naman kung hindi ka na makakasama, at least masasabi namin na ilang beses ding nakasama naming kumain ang future owner ng kumpanya."

"Hoy walang ganyanan ha. Walang nabago, ako pa rin yung trainee from the province."

"Huwag kang masyadong humble. Si Sir Jason nga mula ng dumating ka parang nag-iba din. Nakakagulat yung sinabi niya kanina kay Maa'm Georgina. Sinabihan niya ng shut up! Nagulat kaming lahat ha!"

"Shhh baka marinig ka. Minsan isang araw bonding tayo. How about this week end, punta kayo ni Will sa place ko, hindi naman kalayuan dito sa building."

"Masaya yan! Kelan? Pwede kaya this Friday?" Tuwang tuwang tanong ni Laarni ng pabulong. Ayaw din nilang marinig ng boss nila ang chikahan nila.

"Sige, perfect yan, gusto mo duon na rin kayo matulog."

"Gusto ko yan! Sasabihin ko kay Will, siguradong matutuwa din yun."

Hindi namamalayan ni Sarah na nakangiti pa rin siya hanggang sa makalabas si Laarni. Wala siyang kamalay malay na narinig lahat ni Jason ang pinag usapan nila kahit na mahinang mahina na ang usapan nila.

Ilang minuto pagkaalis ni Laarni, si Neil naman ang pumasok. "Ready na ba prinsesa ko for lunch?" Nakangiting tanong nito sa anak.

Tumayo na si Jason, si Sarah naman ay masayang binati ang ama. "Sana araw araw ganito, lagi tayong nagkikita."

"Yan din ang panalangin ko anak. Sayang nga at napasali pa ako sa senatorial candidates. Kung pwede lang umatras, gagawin ko. Para ngang mas gusto ko na lang ding mag retire and spend my time with you and your Mama."

Napahagikgik si Sarah sa narinig. "Si Papa, miss na agad si Mama." Tukso nito sa ama.

Nahawa din tuloy si Jason at natawa sa narinig na panunukso ni Sarah sa ama.

"Oo anak, ang tagal ko kayong hinintay, natural lang naman siguro tong nararamdaman ko di ba? Kaya please, tulungan mo naman ako na mapapayag na Mama mo na dito na siya tumira.

"Babanggitin ko Papa pero syempre ayaw ko siyang pilitin. Ikaw dapat magkumbinsi sa kanya."

"I love you anak, gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa Mama mo na hanggang ngayon , siya pa rin ang nag iisa sa puso ko."

"Ang sarap namang pakinggan niyan, ang swerte ni Mama, nakatagpo siya ng dalawang lalaking talagang nagmamahal sa kanya. Sana makatagpo din ako ng lalaking magmamahal sa akin ng ganoon." Nangangarap na sabi ni Sarah habang nakahilig pa rin sa balikat ng ama.

"Kaya anak, huwag kang magmadali ha, kahit na may mag alok pa saiyo ng kasal, sabihin mo, maghintay muna , hayaan munang ma enjoy ko naman ang company mo." Sabay tingin kay Jason.

"I am sure kahit na makasal siya sa isang gustong gawin din siyang reyna, hindi magiging issue yung time ninyo together, mas magiging masaya pa." Sagot naman ni Jason na binuksan na ang pinto at pinauna na silang lumabas.

"Palihim na kiniliti ni Neil ang tagiliran ni Sarah, "narinig mo yun anak? Mukhang may umaapela hindi pa man.

Hindi na lang kumibo si Sarah, pinipigil na huwag kiligin.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon