CHP44: Revelation

3.6K 92 12
                                    

"I will tell you a secret. A little secret of mine." -YURI

**

DASURI POV

Sobra ang kabang naramdaman ko matapos ang marinig ang mga sinabi ni Soyeon. Natahimik ang lahat at halatang hindi nila inaasahan ang nangyari. Napatingin ako kay Soyeon na mukhang nagulat din sa kanyang nasabi. Humarap sya sa'kin, nababasa ko sa mata nya ang pagsisisi at paghingi ng tawad. Pinilit kong ngumiti para ipakitang hindi ako galit.

Oo, hindi ako nagagalit, natatakot ako. Pano na, ano nang dapat naming gawin? Bakit kailangang ngayon pa 'to mangyari? Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking nasa hulihan ng mesa.

Si Sehun.

Kita ko sa mata nya na marami syang nabuong katanungan sa kanyang isipan. Pero kahit ganon, walang kahit isang letra ang lumabas sa bibig nya. Iniiwas ko lang ang tingin ko at yumuko. Sorry.

"I'M SORRY EVERYONE BUT THE FANMEETING IS OVER NOW. THANK YOU FOR COMING!" narinig ko ang litanya ni miss Jin matapos nyang hawakan ang isang microphone. Nagbulungan naman ang lahat. Ang iba pa nga'y umangal.

"Kai oppa! Hindi totoo 'yung sinabi nya diba? Hindi kapa kasal. Waaaaaaaah!!!"

"Hindi namin 'yon matatanggap. Sinungaling ka ate! Sinungaling!"

"H'wag kang gumawa ng usap. Sinisiraan mo samin si Kai oppa!"

Kung anu-ano pa ang mga masasakit na salita ang binato samin ng mga fans. Tahimik lang si Soyeon at patuloy sa pag-iyak. Pinatatahan sya ni Yoonsoo. Samantalang ako, napako na sa kinatatayuan ko. Kahit hindi alam ng mga fans na ako si Dasuri. Hindi parin ako makagalaw. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

"Tumayo na kayo't pumunta sa dressing room. Mag-uusap tayong lahat." Isa-isa namang sumunod ang Exo members. Kahit nakayuko ako, alam kong tinatapunan ako ng tingin ng mga Exo members habang naglalakad na palayo. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Hindi ko sila magawang harapin. Nahihiya ko. Nahihiya kong aminin na nagawa ko silang lokohin.

"Everything is gonna be alright." Naramdaman ko ang pagtapik pa sa'kin ni Kris pagdaan nya sa harap ko. Hindi na ko nag-abala pang sumagot.

Pinagmasdan ko 'yung sing-sing sa kaliwang kamay ko. Sigurado uusisain nila kami mamaya. Kailangan tanggalin ko na 'yung mga bagay na makakadagdag pa sa hinila nila. Hinawakan ko ito at dahan-dahang tinatanggal. Eto lang 'yung magagawa ko para matulungan si Kai na hindi tuluyang mapahamak.

Nasa kalagitnaan na ko nang pagtanggal dito nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Don't you dare." Sambit pa nito. Pang-angat ko nang mukha. Nakita ko si Kai na nasa tabi ko. Naalarma ko bigla.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo ko nilapitan?!" taranta kong sambit. Nagsasalit-salit ang tingin ko kay Kai at sa mga fans. Nakatingin din kasi sila samin. Ang iba'y nagbubulungan ang iba nama'y pinipicturan kami.

"Tama na. Sabihin na natin 'yung totoo." Para kong nakakita ng multo habang nakatingin kay Kai. T-Tama ba 'yung pagkakarinig ko? Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makapagsalita. Talaga bang si Kai 'tong nasa harapan ko?

Hinila nya ko papasok sa loob. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko malapit na kong mabaliw. Bakit nya sinabi 'yon? Pano na 'yung pangarap nya?

Naalala ko naman 'yung mga katagang sinabi nya sa'kin noon,

"I know unfair to para sa'yo. Alam ko din na hindi mo gustong makasal tayo but still, I want you to understand that I worked hard just to become an idol because this is my dream. I trained for so many years kasi ang pagsasayaw na ang buhay ko. At ayokong masira ang lahat ng 'yon dahil lang sa.."

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon