Napasulyap ako kay Jordanna. I can't clearly see her reaction dahil sa shades n'ya. But I'm almost certain that she's affected by what I said—through the movements of her twitching lips.

Mabuti naman; para makaganti man lang ako sa mga ibintang n'ya sa akin na hindi naman totoo. Mga bintang na hindi ko na kinontra para lang matapos na ang lahat ng dapat matapos.

Nasaktan kaya s'ya?

Sana, because really want to hurt her right now. It is my intention to cut her deep enough for her to weep right in front of me. Makaganti man lang sa pagpili n'yang legal na makipaghiwalay sa akin. Maitayo ko man lang ang aking dignidad sa pormal na pang-iiwan n'ya sa 'kin.

"Sa inyo na s'ya..." Maangas kong bira kay Joshua, "Sige iuwi n'yo na. Sawa na naman ako d'yan eh. Nalaspag ko na naman 'yan eh."

"Jasper!" Pagsaway sa akin ni Mommy.

"Aba't tarantado ka ah!' Sigaw ni tito Jon. Nakawala ito kay Daddy. Muli nito ako nilapitan at sinapak.

Sa halip na indahin ang sakit, tinawanan ko lang ito. Lalo tuloy nag-init ang ulo nito.

"Ano? Ha?! Is that all you got 'tito' Jon?!" Diniinan kong sadya ang 'Tito' para ipamukha sa kanya na hindi ko na s'ya kinikilalang biyenan. "Sapak pa!" Isinangkalan ko sa kanya ang aking mukha. "Durugin mo ang mukha ng Karma mong pinagbabayaran na ngayon ng anak mo!" I was referring to his womanizing when he was younger.

Hindi na ito nakasuntok pa. Marahil ay nagulat din sa mga sinabi ko sa kanya.

"Ang hirap sa 'yo." Pagtutuloy ko, "Akala mo kung sino kang malinis. Pa'no 'yung mga babaeng niloko mo dati, ha? 'Di ba may mga tatay rin ang mga 'yun? Sinuntok ka rin ba ng mga tatay nila na katulad ng pagsuntok mo sa 'kin ngayon?!"

Napayuko ito at nanlupaypay.

"Mabuti nga 'yang anak n'yo, pinakasalan ko p—"

"Tama na anak." Pagsugod sa akin ni Daddy nang payakap. "That's enough, please."

"Sure Dad." Nakangisi at preskong sagot ko kay Daddy. "Malakas ka sa 'kin eh." Pinunansan ko ang nagdurugo kong labi. "Tara na nga. Naghihintay na kasi ang 'siyota' ko eh. Mas malamang na 'yun na ang makapagbibigay sa inyo ng mga apong hindi basta-basta 'mapapabayaan'!" I saw Jordanna's mouth twitched again. I'm sure I finally caught the strings that will cause her great pain. "I'm tired and sick of this drama anyway. It's time for my new life of freedom!" Ibinuka ko ang aking mga kamay bago ako tumingala. "And real happiness! Yes!" Sumuntok ako sa hangin, "I'm free again! Thank you, Lord. I can finally be with someone I truly love and care about!"

Umikot si Jordanna at umiiyak na nagtatakbo patungo sa sasakyan ni tito Jon. Nasaktan ko s'ya. Sigurado akong nagtagumpay akong saktan s'ya. Tulad ng gusto kong mangyari; tulad ng gusto kong maramdaman n'ya, pero...

Bakit kaya nasaktan din ako sa ginawa ko?

***

Nagpatuloy ang pagdapo ng s'werte sa aking hukbo, matapos naming makuha ang malalaking balwarte ng hukbo ni Lucio.

"Mabuhay ang Pinunong Jasper at ang ating hukbo!" Hiyawan ng grupo nina Ronaldong amalanhig, matapos naming lipulin ang mga Tik-tik.

"Mabuhay!" Hiyawan naman ng lahat, habang binubuhat ako sa kanilang pagbubunyi.

Sa kabila noon, nakapagtatakang malungkot na pinagmamasdan lamang ako ni lolo Alfonso at uncle Manuel, na dapat sana'y mga nangungunang bumabati sa akin, sa aming tagumpay.

"Anong problema n'yo?" nakasimangot na pagbaling ko sa kanilang dalawa.

"Marami nga tayong nabawi." Matamlay na sambit ni lolo Alfonso, "Pero napakarami ring mga inosente ang namatay dahil sa walang ingat nating paglusob."

"Dati rati, pinaplano muna natin kung ano ang ating gagawin." Pagsingit naman ni uncle Manuel. "Para walang masyadong madamay. Pero ngayon, parang wala ka nang pakialam. Mas tutok ka na ngayon sa pagbawi ng balwarte kahit alam mong maraming masasaktan at maapektuhan."

"Nasaan na ang puso mo Jasper?" muling pagsingit ni lolo Alfonso. "Bakit tila habang tumatagal naglalaho na ito?"

Sa halip na sagutin, nginisian ko lang sila, bago ko sila tinalikuran para makisayang muli sa aking nagbubunying mga kasamahan.

***

"Maaari ngang sa tingin mo'y nakalalamang ka na nga ngayon kay Lucio." Nanlulumong sambit ni lola Marietta sa akin, "Nasa 'yo na ang tangumpay at mas malawak na teritoryo. Pero para sa akin..." Tiningnan n'ya ako na tila lungkot na lungkot, "Isa ka pa ring talunan. Masakit mang aminin, pero mas masahol ka pa ngayon sa kanya. Naging matagumpay ka nga at naging mas malakas, pero nawala naman ang iyong puso. Mas lalo ka na ngayong naging matigas at matapang, pero masyado ka na ring nagiging marahas, malupit at walang pakundangan sa iyong kapwa. Nakalimutan mo na ba ang iyong pagkatao?"

"Pagkatao? Bakit, tao ba ako?"

Alam kong nagulat s'ya sa aking mga tinuran. Dumarating na si lolo Alfonso sa aming direksyon nang magsimula na akong pumihit para umalis.

"Jasper!" Pagtawag ni lolo Alfonso sa akin. Hindi ko ito nilingon. Nagpanggap akong hindi ko ito naririnig.

"Ito na ang kinatatakot ko, Alfonso." Narinig kong sabi ni lola Marietta habang ako'y lumalakad papalayo. "Ang mawala ang isang bagay na nawala rin kay Lucio matapos mawala si Aretha at pagkatapos naman'y si Rosenda sa buhay nito." Medyo mahina na pero naririnig ko pa rin naman ito, "Ang puso't kakayahang magmahal. Nawawala na ang kanyang puso't kakayahang magmahal at magmalasakit."

[ITUTULOY]

JASPER, The Demon SlayerWhere stories live. Discover now