CHP41: Call You Mine

3.8K 93 4
                                    

"Hindi man ako ang nagmamay-ari nang puso mo, masaya na kong naiparamdam ko sa'yo kung gano ka kahalaga para sa'kin." -KRIS

**

KRIS POV

"Guys, 15 minutes lefts mag-i-start na yung show. Pumasok na kayo sa loob at maupo sa mga designated seats para sa inyo." Paalala ni Miss. Jin.

This is our first appearance in a radio show as ONE. Naimbitahan kami sa shimshimtapa para mag-guest at para na rin i-promote ang aming newest album which is 'Wolf and the Beauty'

Pinagmasdan ko ang reaksyon ng mga kagrupo ko. Halos lahat ay makikitaan mo ng nervous at the same time excitement para mamaya. Muli ko na ring nakita si Kai, he looks better now. Siguro nagkaayos na sila ni Dasuri.

Inilipat ko naman sa leader ng K ang atensyon ko. He looks different right now. Mukhang may bumabagabag sa kanya, Lumapit ako dito't tinapik ang balikat nya.

"Hey! Something wrong?"

Nilingon naman nya ko't binigyan ng isang weak smile. "Nah, natatawa lang ako sa sarili ko. Akalain mong nabusted ako nang hindi sinadsadya. She turn me down without noticing it. Funny right? Sige, pasok na ko sa loob." Tinapik pa nya ko nang dalawang beses bago tuluyang umalis sa harap ko.

"Nakadrugs ba sya?" tanong ko sa sarili. Ang weird kasi talaga ng mga sinabi nya. I shook my head. Ako ang mababaliw sa kanya. Papasok na rin sana ko sa set nang harangan ako ni Kai. Tinignan ko naman sya.

"Mag-usap tayo." sabi nya then walked away.

Sumilip muna ko sa loob para tignan kung may oras pa ba para makapag-usap kami. Napadako ang tingin ko kay miss. Jin.

Tinanguan nya ko na para bang sinasabi nyang, 'Go'. Nagtaka ko nung una but in the end sinundan ko na rin si Kai. Why he suddenly want to talk to me? Is this about Dasuri?

"What is it?" tanong ko pagkalapit ko pa lang sa kanya. Nakasandal sya sa pader. Hindi sya diretsyong nakatingin sa'kin. Nakapako ang mga mata nya sa ibang direksyon.

"Tungkol 'to kay Dasuri." exactly on what I thought. I didn't bother to answer. Hinayaan ko na lang na sya na mismo ang magpatuloy sa sasabihin nya.

"She's with me again." Tinignan nya ko sa mata. Hindi ko alam kung bakit bigla kong nakaramdam ng sakit.

Inaaasahan ko na naman 'to eh. Pero mas masakit pala kapag narinig ko na talaga sya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayokong mapansin nya yung sakit na tinatago ko.

"You don't need to tell me. She's your wife, dapat lang na ikaw ang mag-alaga sa kanya." I didn't expect that I can actually say those words to him. Napapangiti na lang ako sa isip ko. Hindi mo talaga masasabi ang mga mangyayari sa hinaharap.

Nag-smirk pa ko sa harap nya bago sana umalis. Napahinto lang ako nang marinig ang sinabi nya.

"Hyung." Tss. Kailan pa nya natutunang tawagin akong hyung? Naramdaman ko ang pagharap nya sa'kin. "Salamat."

"Salamat dahil pinarealized mo sa'kin ang mga bagay na hindi ko nakikita nang malinaw. Kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon isa parin akong gago na walang ginawa kundi itulak ang nag-iisang taong makakapagpasaya sa'kin."

Nilingon ko naman sya.

"Hindi ko kailangan ang 'thank you' mo. I did that for the sake of Dasuri. Kung hindi lang ikaw ang kailangan nya, bakit ko naman sya ipapaubaya sa'yo? Helping damn people is not my style." I said with full of conviction. Nginitian nya naman ako.

Ilang sandali pa ang lumipas, narinig na namin ang boses ni miss. Jin, "Tama na ang drama. Pumasok na kayo 'don, magsisimula na ang show."

Nagkatinginan lang kami sandali bago sumunod. Tama nga sila, there is no such permanent thing in this world, except for changes. Akalain mong magkakasundo din pala kami nitong ni Kai.

BOOK I: Secretly Married To My BiasWhere stories live. Discover now