CHP37: Goodbye.. First love

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong ginagawa natin dito?" pumasok kasi kami ni Kai sa 7/11. Sa totoo lang naisip ko, lahat ba ng dine-date ni hubby sa convenience store nya dindala? Kahit naman mahina si brain ko. Alam ko namang ang kadalasang pinupuntahan ng magkasintahan kapag magde-date ay amusement park at hindi convenience store. Tsk. Ang weird nya ah.

"Gusto kong kumain ng ice cream."

"Nang gantong oras?" tumango lang sya bago pumunta sa counter. Naupo na lang muna ko sa isa sa mga mesa 'don. Wala naman nang tao dito bukod saming dalawa at sa cashier ng store. Tinignan ko yung relo sa kaliwang braso ko. Kaya naman pala. Eleven na nang gabi. Tulog na yung karamihan.

Pinagmasdan ko lang si Kai habang nakikipagusap dun sa cashier.

Sana tama yung desisyon ko.

Sana nga pahalagahan na rin nya ko.

"Kung makatingin ka sakin parang mas mauuna pa kong malusaw kaysa sa hawak kong ice cream." Napaismid ako bigla ng maintindihan yung sinabi ni Kai. Nakalapit na pala ulit sya sa akin.

"Asa ka naman. Sa ice cream kaya ako nakatingin. Bleh!" sabay dila ko pa. Nagsmirk lang sya habang paupo sa tapat ko. Haha.

"Oh." Inabot na nya sakin yung isa. Kinuha ko naman 'yon.

"Yehey! Salamat. Yumm." Hindi na ko nakapaghintay. Dinilaan ko na agad 'yon. Pareho lang naman din 'to ng mga ice cream na nakain ko dati pero bakit parang mas masarap 'to? Siguro kasi galing sa mahal ko. Ahihihi.

Sarap na sarap pa ko sa pagkain nang mapansin kong hindi ginagalaw ni Kai yung ice cream nya. Nakatingin lang 'to sakin.

"Uhh. Gusto mo ba nito?" pero pareho lang naman yung flavor ng ice cream namin. Pareho lang din naman siguro lasa nito.

"No thanks. Meron na ko." sabay pakita nya sakin nung ice cream na hawak nya. Nagkibit-balikat na lang ako sabay kain ulit.

"Okay,"

Kinain na rin nya yung ice cream nya pero nakatingin pa rin sakin. Ano ba kasi yung tinitignan nya?

"Wifey?" untag nya.

"Umm?"

"I'll buy you ice cream everyday. Basta pakasalan mo lang ako."

"Ha?" Ano ba yung mga pinagsasabi nya ngayon? Nalilito na talaga ko sa mga kinikilos ni Kai.

"Mga salitang sinabi ni Kevin nung magpro-pose sya sa'yo. Elementary pa lang kayo 'non at kung hindi ako nagkakamali, OO ang sagot mo. Tama ba?" dagdag pa nya.

Napaisip ako bigla sa sinabi nya. Nagkaroon ng flashback sa utak ko.

"Ah! Tama! 'Yun nga. Naalala ko na! Yun pala yung sinasabi nyang pangako nya. Teka. Kung bumalik sya dahil 'don ibig sabihin....."

"Yes. He wants to fulfill his promise and marry you." Seryosong tugon ni Kai.

"Oh.. di nga? Pero may asawa na ko. At ikaw 'yon." Napangiti sya ng kaunti dahil sa narinig.

"Yup. You are mine now at wala kong balak i-share ang asawa ko."

Naglean pa sya sakin at inabot ng kamay nya ang labi ko. Napahinto ako't napatitig sa kanya.

"Para ka talagang bata kung kumain." Pinunasan nya yung mga ice cream na nagkalat sa labi ko gamit yung hinlalaki nya. Napalunok ako bigla. Titig na titig kasi sya sa labi ko eh. waah!

Napakurap-kurap pa ko habang nakatingin sa kanya. Isinubo nya kasi yung thumb na pinampunas nya sa labi ko kanina. B-Bakit parang uminit sa paligid? Nakatitig pa kasi sya sakin habang ginagawa 'yon. Bakit ang hot ng hubby ko?! Waaaaah!!!

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon