PROLOGUE

2.4K 21 6
                                    

Sa buhay, masuwerte na tayo kung maramdaman natin kahit isang beses ang tunay na pag-ibig. Hindi lahat ay pinapalad na maramdaman iyon. Kaya kung isa ka sa mga pinalad, magpasalamat ka sana.

Minsan nand'yan na ang tamang tao para sa atin pero hindi natin kayang aminin ang totoo dahil natatakot tayo sa maraming bagay tulad ng masaktan. Hindi na natin kayang magtiwalang muli dahil may nakapanakit na.

Pero minsan ba naisip natin na maaaring nasaktan nga nang unang beses, pero mapipigilan ba ng isang beses na 'yon ang sistema natin na huwag magmahal muli? Na huwag magtiwalang muli?

Mahiwaga ang pag-ibig. At marami itong nagagawa na hindi natin akalain na posible. Sabihin nang nasaktan tayo, siguradong lalo nating makikilala ang ating sarili dahil sa sakit na 'yon. Malalaman natin kung ano ang kaya nating gawin kapag nasaktan tayo at ganoon din kapag sobra ang ligaya ng ating puso.

'Yung pakiramdam na handa na tayo na magtiwala at magmahal muli pero ang unang tanong sa isip natin ay kung nasaan na nga siya o kung naiisip man lang ba niya tayo?

-o-

Ayaw kong maalala ang mga nangyari dahil winasak noon ang puso ko. Makulimlim na ang langit kaya kinakabahan na ako dahil parang uulan. Makalipas ang ilang minuto, umulan na nga kaya wala na akong nagawa, nakisilong muna ako sa Mcdo. Sarado kasi ang katabi niyang ukayan na puwedeng kong masilungan. Wala rin naman akong dalang payong para sumugod sa ulan.

Hay naku!

Naupo ako sa isang sulok ng kainan at pinipilit na walang maramdaman na kahit ano. Wala naman talaga akong balak um-order kaya lang parang may inside force na nag-uudyok sa akin na pumunta sa counter at bumili ng pagkain na matagal ko ring hindi natikman.

Order? Ano ba ang dapat kong order-in? Chicken burger? Fries? Sundae? Spaghetti?

"Isang McFloat..."

"Meron pa po ba?" tanong niya nang nai-punch na iyon sa computer sa kanyang harapan.

"Wala na," sagot ko.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now