"Fuck! My head!" sabi niya tapos napahawak sa ulo na tila ba sobrang masakit.

"Inhale, exhale, Mike... Mike?" tanong ko.

"Heidee? Heidee! Where's my meds?" nagsisigaw siya, tinatawag ang katulong niya. Halata sa kanya ang kaba, pero hindi siya umalis sa tabi ni Mike.

Nang maabot ang bote ng gamot ay kumuha siya ng isa at ininom agad. Maya-maya ay humiga si Mike sa sofa at nakatulog.

Isinara ni Heidee ang pinto kung nasaan ako. Chineck pa kung talaga bang tulog na ang amo niya.

"Sir, okay lang po ba kayo? Mukha naman po kayong matino, mukhang chickboy, pero mukha naman po kayong harmless. Kailangan n'yo na pong umalis bago pa magising uli si Sir Mike," ate, hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa mga sinasabi mo pero salamat nang marami dahil iniligtas mo ako.

"Salamat, ate," sabi ko habang pinuputol niya ang mga zip ties sa katawan ko.

Nang makawala ako ay dumating na ang mga bida.

Ang mga PULIS.

Hinuli lahat ng nasa mansion, 'yong mga hackers, computer experts na kasama si Mike, pero siyempre sinabi ko na tinulungan ako ni Heidee kaya hindi ko na siya sasampahan ng kaso.

Si Mike naman ay isinakay pa sa ambulansiya dahil plakda talaga. Ang lakas no'ng sleeping pills na tinira.

Ako naman ay dali-daling pumunta sa bahay nina Mojow, mabuti na lang at may dala akong sasakyan. Excited na excited pa naman ako dahil sa wakas ay makikita ko na uli siya.

Gustong-gusto ko na kasing yakapin nang mahipit si Joan dahil miss na miss ko na siya.

'Yon nga lang, wala na sila pagdating ko sa bahay nila.

"Kuya, umalis na 'yong pamilyang nakatira d'yan, pumunta na ng Australia."

"Ano?" gulat na gulat kong tanong sa babaeng kapitbahay nina Mojow.

"Uulitin ko pa?"

"Hindi, ang ibig kong sabihin, bakit hindi ko alam na aalis sila?"

"Aba! Malay ko sa inyo! Kaloka!"

"Sige, ate, salamat na lang sa'yo."

"Hotness is my middle name."

Umalis na ako at sumakay na uli sa sasakyan, pero bago niya patakbuhin ay tinawagan ko muna si Rie.

"Rie! Nasaan si Joan? Umalis na raw sila? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

(Sir, secretary po ito ni Ma'am Rie, busy po kasi siya ngayon.)

"Wala akong pakialam! Sabihin mo gusto ko siyang makausap, a matter of life and death," pakiramdam ko ay a matter of life and death dahil may posibilidad na hindi ko na makita si Mojow kung hindi ko malalaman ang lahat ng mga detalye.

(Ano po?)

"Bilisan mo! Ngayon na!"

(S-sige po.)

Tapos maya-maya ay narinig ko na si Rie sa kabilang linya.

"Rie, totoo bang umalis na si Mojow? Nasaan na sila?"

(Nasa... an'ong date na ba ngayon? Oh my! Sa sobrang hectic ng schedule ko, nakalimutan ko na ngayon ang flight nila papunta ng Australia.)

"Ah! Paano na 'to?"

(Si Meg! Tama, si Meg, baka sumama 'yon sa kanila. Teka, tatawagan ko, conference tayo, teka lang.)

"Sige."

Nag-dial si Rie tapos sinagot naman agad ni Meg,

"Meg!" sabi ni Rie nang sumagot ang kaibigan.

"Loka ka, akala ko sasama ka sa paghahatid kina sistar," sagot naman ni Meg.

"Sistar! Nasaan ka? Nasaan na sila?"

"Parang awa mo na Meg, sabihin mo na agad,"

"Oh, Cee, nand'yan ka pala? Hello!"

"MEG!" napasigaw na kami parehas ni Rie sa kaibigan niya.

"Eto na nga, kalma! Nandito na nga ako sa sasakyan, pauwi na. Sina Sistar ay umalis na, nag-take off na ang eroplanong sinasakyan nila, narinig ko, bago ako lumabas," sabi ni Meg.

"Cee? Nand'yan ka pa ba?" nabitiwan ko ang phone sa narinig ko. Biglang gumuho ang mundo. Hindi ko na inabutan ang Mojow ko, paano na ako? Paano na ang kagwapuhan ko kung wala na siya?

Napapatong na lang ang noo ko sa manibela ng sasakyan. Unti-unting pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko na rin kasi napigilan dahil biglang bumigat ang aking pakiramdam.

Ang Mojow ko, ilang libong milya na ang layo sa piling ko.

Paano ko masasabi na mahal na mahal ko siya at kung gaano ko
na-miss dahil matagal din kaming hindi nagkausap?

Biglang bumalik ang lahat ng masasaya naming mga alaala.

Naalala ko rin 'yong couple bracelet na binili ko sa Baguio. Hindi ko man lang nabigay 'yong isa sa kanya bago siya umalis.

Umuwi na ako dahil ano pa bang magagawa ko?

Siguro hindi pa ngayon ang tamang oras para sa aming dalawa.

Pagdating ko sa bahay nina insan ay dumeretso ako agad sa kuwarto. Nahiga at patuloy pa rin ang pagtakbo ng mga alaala sa isipan.

"Gano'n talaga siguro, may mga bagay na hindi meant to be at hindi magiging meant to be," sabi ni Joan.

"May mga bagay din naman na hindi meant to be sa simula pero nagiging meant to be rin sa tamang panahon. Sabi nga nila, may tamang panahon sa mga bagay-bagay," sabi ko.

Naisip ko na sa akin na rin nagmula ang mga kataga na 'yon.

Gusto ko sanang ipaliwanag kay Joan ang lahat pero wala na siya. Pero kaya nga siguro nangyayari ang lahat ng ito ay dahil, hindi pa namin panahon.

Pero seryoso, puwede naman akong pumunta sa Australia pero pinili ko na maghintay, na irespeto ang desisyon ni Mojow na umalis dahil deserve niyang maging masaya kahit si tisoy pa ang kasama. Mas masaya sana kung magkasama kami pero, sa ngayon, dapat maging masaya muna kami sa mga sarili namin.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now