"Well, out of boredom!"
"Ano? Muntik ng masira ang buhay ko dahil sa'yo, out of boredom? Gusto mong masaktan?" naubos na rin ang pasensiya ko sa kanya, kailangan ko na ng tinapay na pacencia para madugtungan ang sa akin.
"Huh! As if you can do that? Give up, man! You can't, poor you! You can't even stand there," pang-aasar ni Mike na nakaupo na muli sa sofa na kanina ay tinulugan niya.
"Kapag ako nakatayo rito, ihahampas ko sa'yo 'yang iPad na hawak mo," gigil na gigil na ako sa pagakakaupo at humihiling na sana ay magkaroon ng milagro at makawala ako sa pagkakatali. Paano ba naman, pati legs ko nakatali.
"You wish!"
"Ano'ng tinitingin-tingin mo, ha? Nagagwapuhan ka sa akin, ano? Alam ko na 'yon!"
"You're making me laugh."
Nakita ko sa ibinigay na files ni Rie na na-admit siya sa Psychiatric hospital ng almost a year. Sa rami ng pinagdaanan niya ay hindi ko na maiisa-isa.
Naiintindihan ko lahat ng pinagdaraanan niya dahil napag-aralan ko lahat noong college. Isa lang ang sigurado ako, delikadong tao si Mike dahil wala siyang sinasanto. Kailangan kong mag-ingat sa lahat ng lalabas sa bibig ko.
"Mike, 'di ba mayaman ka? Bakit wala ka man lang pakain dito?" angal ko to buy some time.
"I want you to starve to death."
"Grabe ka naman sa akin! Pero kahit gano'n ay naiintindihan kita, Mike."
"What are you saying?"
"Sabi ko nga sa'yo, alam ko ang sikreto mo."
"What the hell are you talking about?"
"Na kaya ka nagkakaganyan ay dahil buong buhay mo, kinokontrol ka ng tatay mo, sinasaktan ka pa niya noong bata ka."
Hindi nagsalita si Mike sa narinig niya dahil totoo ang lahat ng sinasabi ko. Nasa medical records niya lahat.
"Sa kamay mo namatay ang Mom mo dahil muntik ka ng masagasaan noong seven years old ka pa lang."
"Stop it," awat ni Mike sa mga sinasabi kong katotohanan sa kanya.
Minsan kasi masakit balikan ang katotohanan na ayaw mo ng matandaan dahil winasak noon ang buo mong pagkatao.
"I understand you, pre, kaya kung ginagawa mo lang ito dahil gusto mong maghiganti sa nangyari sa buhay mo, sige. Kung d'yan ka magiging masaya, sige lang."
Hindi pa rin nagsasalita si Mike, hindi niya akalain na nabunyag ang kanyang sikreto ng ganoon na lamang.
"I just want to be happy," banggit niya ng hindi namamalayan.
"Alam ko, pre, 'yan din naman ang gusto ko sa buhay. Lahat naman siguro ng tao, ang gusto sa buhay nila ay maging masaya."
"I just... can't."
"Kaya mo 'yan, kailangan mo lang mag-heal tapos puwede ka namang magsimula ng bagong buhay."
"Who are you to tell me all this?"
"Kaibigan mo 'ko, pre. Kahit pa ginawa mo sa'kin ang lahat ng ito, kaibigan mo ako," sabi ko. Seryoso ako sa mga sinasabi ko, may soft spot talaga sa puso ko ang may mental health issues.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 40
Start from the beginning
