Ang saklap na ipinaramdam ko kay Philip na napakabait na tao ang feeling ng hindi pinili. Ganito 'yong nangyari sa akin dahil kay Kenneth. Hay, ka-buwisit!

"Thank you, Philip!" sabi ko.

"I won't get mad if you can promise me one thing," sabi niya sa akin tapos naghiwalay na kami sa pagkakayakap kaya nagtagpo na ang mga mata namin.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Be happy, just be happy no matter what," sabi niya at pilit ngumiti sa akin.

"'Yon na 'yon?" hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Yes, I want you to be happy, even without me, be happy with him," sabi niya at muli akong niyakap. Naiyak na naman ako dahil grabe talaga ang kabaitan niya.

"Aww... Philip," hindi ko na maintindihan ang mararamdaman, tila ba nakokonsensiya na naaawa.

"I guess, I am not your sun," sabi ni Philip kaya naman bigla kong naalala ang kuwento ni Philip tungkol sa araw at buwan.

Hinding-hindi ko malilimutan ang kuwentong 'yon dahil siya ang nagkuwento sa akin ng story.

Isinaksak ko sa isipan ko na kung hindi man ngayon, siguro makakapiling niya ang taong kanyang mamahalin sa takdang panahon.

"I have to go, Joan," paalam ni Philip at tuluyan nang kumalas sa pagkakayakap. Tumalikod na rin siya agad kaya lalo akong na-guilty sa nangyari.

"Philip, wait," pigil ko sa itinuring ko rin naman na matalik na kaibigan at dating manliligaw.

"Hmm?" simpleng tugon niya.

"Siguro, hindi nga ikaw 'yong Sun ko pero isa kang lugaw para sa akin," hindi maintindihan ni Philip ang sinasabi ko.

"Lugaw?" tanong niya sa akin.

Tapos bigla sigurong naalala ni Philip ang Valentine's day namin kung saan  kumain kami ng lugaw.

"Oo, kasi akala ko no'ng una, hindi kita makaka-close pero tingnan mo tayo ngayon, parang lugaw na akala ko noon ay pang may sakit lang pero for all seasons pala," pilit akong ngumiti sa kanya kasabay na rin ng paalam kasi pakiramdam ko, ito na ang huling beses na makikita ko siya.

"That's the best thing about you Joan, you can make me smile with your words. I'm going to miss you," sabi ni Philip at nagpipilit ngitian ako.

Tapos pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at niyakap uli ako.

"Let's act like strangers, if it will help you move on," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"I'll go ahead," sabi niya na bakas ang pagpipigil ng mga luha.

Pag-alis ni Philip ay naupo uli ako sa sofa at ibinaon ang mukha sa mga tuhod ko. Ang tanging regalo na ibibigay ko sa'yo Philip ay katahimikan kaya ako na mismo ang lalayo sa'yo.

No'ng nasa biyahe na kami papuntang airport ay tahimik ang lahat. Hanggang sa makarating sa airport, walang nagsasalita kung hindi kailangan. Nabanggit sa akin ni Mommy na kasambahay raw nina Cee 'yong nagdala ng cookies sa bahay.

Pagbaba namin sa sasakyan at makatapak sa airport ay dumating si Kenneth.

"Bes!" sigaw niya kaya napalingon kaming lahat.

"Bes, kumusta?" tanong ni Kenneth  sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na marami akong iniisip.

"Okay, naman," kasinungalingan!

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora