"Uy, sorry, naging busy lang," which is true, tapos inabot niya sa akin 'yong can opener na hiniram ni Phoebe no'ng una pa kaming nagkakilala.

"Sorry about this, long over due and it's okay, I'm coming with you," sabi niya kasabay ang ngiti. Hindi naman mag-sink in sa isip ko.

"Ah, thank you, teka ano'ng ibig mong sabihin?" naguluhang tanong ko sa kanya.

"Ah, dad is sending me to Australia for a conference," sagot naman niya. Alam ko naman ang lihim mo, Philip.

"T-talaga?" sabi ko nang may nakita akong take out box sa may lamesa na ang laman ay cookies, natauhan ako bigla. Galing ba kay Cee 'yon? Pumunta siya rito?

"Wait, Philip, we need to talk."

I think that four words are the scariest when put together. Napapa-English na naman ako! My gosh!

Pero seryoso, ang daming tatakbo sa isip ko kapag narinig ko 'yong sentence. Naupo kami sa sofa. Grabe sa bilis ang tibok ng puso ko.

"What about?" tanong ni Philip habang nakatingin sa akin. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya sabi ko sa kanya na maupo kami sa sofa.

"Guys, pasok muna kayo sa kuwarto n'yo," sabi ko sa mga kapatid ko at kay Mommy na mukhang patay malisya pero alert na alert ang mga tainga. Umalis din naman sila.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito," sabi ko nang makaupo na kami sa sofa.

"Just say it, you're making me nervous with the look on your face," talaga namang ganoon na lang ang kaba na lumalabas na sa expression sa mukha ko.

"Philip, mabait ka, sobra! Gwapo, mayaman, masaya ka ring kasama, tapos ma-effort ka pa, almost perfect ka na nga eh, na sa'yo na ang lahat. Pero-" mahirap sa kalooban ko na gawin ito pero panahon na.

"But, what?" bakas sa mukha ni Philip ang kaba habang hinihintay ang sagot ko.

Matalinong tao si Philip na kahit alam at ramdam na niya ang gusto kong sabihin ay gusto pa rin niyang sa akin iyon manggaling.

"Pero, nakapili na ako, sorry, Philip, si Cee ang napili ko," huminga si Philip nang malalim bago nagsalita. Sorry, talaga Philip, dahil kung hindi ako nabaliw, ikaw talaga ang pipiliin ko.

"Oh," 'yon lang ang salita na kaya niyang bitiwan. Grabe, pakiramdam ko, ang sama ko.


"Oh, I see," sabi ni Philip.

"Sorry, Philip," sabi ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Joan, please, don't cry," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para pakalmahin kahit paano.

"Sorry, Philip, hindi ko naman sinasadyang saktan ka pero ginawa ko pa rin," tuloy pa rin ako sa pagluha. Tinanggal ni Philip ang mga kamay niya sa mukha ko at niyakap niya ako kaya napatayo kami bigla.

"I won't deny that it hurts right now, but then, thank you for everything, Joan," mararamdaman sa boses niya ang sinseridad.

"Salamat din sa'yo," sabi ko habang umiiyak pa rin.

"Joan, thank you for sharing your time with me,

...thank you for being true to me,

...thank you for being beautiful and

...thank you for making me fall in love with you.

...yes, I am hurt, but still,

...I am happy because you gave me the chance to know an amazing person like you," nakayakap pa rin siya sa akin ng ibinulong niya 'yon.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now