Umagos na naman ang dam sa mga mata ko! Malapit na akong pumunta ng emergency room at ipatanggal kayo para lang tumigil!
"Gano'n talaga siguro, may mga bagay talaga na hindi meant to be at hindi magiging meant to be," sabi ko na wari ba ay tinakasan na ng lahat ng pag-asa sa mundo.
"Ang nega mo naman! May mga bagay din naman na hindi meant to be sa simula pero nagiging meant to be rin sa tamang panahon. Sabi nga nila, may tamang panahon para sa mga bagay-bagay," sabi ni Cee na pilit pinagagaan ang sitwasyon.
Hindi ko napansin agad na may katabi na pala ako sa pagkakaupo sa simbahan.
Basta ang alam ko ay masakit ang dibdib ko dahil sa lahat. Pesteng feelings, puwede namang si Philip, pero do'n sa isang hinayupak pa! Masokista lang?
May malaking posibilidad na totoo ang pictures dahil malamang 'yon ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpakita pa sa akin. Playboy talaga! Naniwala pa naman ako sa kanya no'ng sinabi niyang nagbago na siya.
May nag-abot sa akin ng isang purple na panyo at tinanggap ko naman agad at ipinunas sa mga luha.
"Miss, mukhang mas kailangan mo ito kesa sa'kin," sabi ng isang boses ng babae.
"Salamat," sabi ko sa kanya no'ng lumingon ako. Mabilog ang pangangatawan niya, singkit ang mata na parang 'yong ayaw kong banggitin at matambok ang mga pisngi.
"May bayad talaga 'yan," biro niya pero masyado akong malungkot ngayon para sa biro kaya lalo akong umiyak.
"Joke lang naman," sabi niya kaya naman inalahad ko sa kanya 'yong panyo para ibalik sa kanya.
"Sa'yo na 'yan," sabi niya.
"Sige, salamat uli!" sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Basta, kung sino man 'yang iniiyakan mo, isa lang ang sigurado ko, mahal mo 'yan, sige, bye! Babalik na ako sa office," sabi niya at hindi na ako nakasagot kaya naman umalis na siya.
God, kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang lahat ng nangyayari sa akin, at kahit nasasaktan man ako ngayon, ipinauubaya ko na sa'yo lahat. Halos maiyak na naman ako sa dasal ko sa diyos pero pinigil ko na.
Sana maintindihan ko ang lahat ng ito sa paglipas ng panahon. Siguro blessing mo na rin 'yong pagpunta namin ng Australia.
Salamat po sa lahat, ingatan n'yo po ang lahat ng maiiwan ko rito at sana po ay maging ligtas kami sa flight namin mamaya. Thank you po.
Matapos magdasal ay naglakad na ako pauwi. Pagdating sa bahay ay bumungad sa akin si Mommy sa may pintuan.
"Joan, akala ko ba madali ka lang? Eh tumarak na ang mga mata namin dito, wala ka pa rin," sabi ni Mommy.
"Sorry, Mee, sinulit ko lang 'yong last day ko rito," sagot ko sa kanya.
"Teka, okay ka lang ba? Bakit parang mapula ang mga mata mo?" umiwas ako ng tingin.
"Eh mapula? Mausok kasi sa daan eh," palusot ko sa kanya.
"Ah, sige, pumasok ka na, may gwapo sa loob," may pagtawa pa talaga.
Pumasok naman ako agad sa loob habang iniisip kung sino nga ba ang sinasabi ng Mommy na bisita.
"Hi, Joan!" bati sa akin ni Philip.
"Oh, Philip?" aaminin ko, hiniling ko na sana si Cee ang matagpuan ko sa loob.
"You didn't mention to me that you're leaving the country," sabi niya na bakas ang tampo sa itsura. Sa rami kasi ng iniisip ko ay nawala na sa mga 'yon ang banggitin sa kanya na aalis na kami.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 39
Start from the beginning
