"For a while, pinadala ako dito ng office sa Cebu for training, may feeling ako, andito ka din as a trainee from your province right? Ako nga pala si Will, Will Henares."

"Sarah Geronimo. Tama andito din ako for training."

"Swerte ko naman na ikaw ang una kong nakilala. Kinakabahan ako kanina pa, wala kasi akong kakilala dito."

"Pareho lang tayo, medyo nabawasan na ang kaba ko ,kahit paano nakahinga ako ng maluwag luwag knowing na may kapareho din pala akong kinakabahan."

Parerho pa rin silang nakangiting bumati sa receptionist ng floor na yun. Itinuro naman agad ng receptionist kung saan sila dapat pumunta. Itinuro kung nasaan ang conference room. Nagmamadali ng naglakad ang dalawa. Ayaw nilang mahuli sila sa unang araw ng training nila lalong lalo na nga at hindi pa nila alam kung kanino sila maa assign. Nasabi na kasi sa kanila na sa mga office of directors sila matra trabaho bilang training nila. Sa kaso ni Sarah, pinapanalangin niyang kahit sino at saang department siya ma assign , huwag lang sa office ng tatay niya."

Anduon na ang Director of Human Resources to welcome them. Napansin ni Sarah na dalawa lang silang babae, tatlo ang lalaki sa mga kapwa niya trainee. Ipinapaliwanag sa kanila kung ano ang inaasahang sa kanila at kung ano ang magiging mga papel nila sa mga departments kung saan sila madedestino ng bumukas uli ang pintuan ng conference room at pumasok ang isang lalaking sa tingin ni Sarah ay pinakaguwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Bigla siyang kinabahan , naisip niya agad na isa ito sa mga anak ng may ari kaya maaring pinsan niya ito or kapatid pero bigla ding nagbago ang isip niya dahil nag research na siya tungkol kay Neil Emerson Co Jr wala itong asawa although hindi nawawalan ng mga babaeng laging nakakapit sa braso nito sa iilang pagkakataon na nakukuhanan ito ng mga letrato. Nasa ganoon siyang pagmumuni muni ng masulyapan siya ng bagong dating na si Jason. Napayuko si Sarah ng mahalata niyang nahuli siya nitong nakatitig sa kanya.

Hindi na naalis ang tingin ni Jason kay Sarah kung hindi pa bumukas uli ang pinto at pumasok ang isa pang lalaki na halos kaedad din ni Sarah. 

"Late na ba ako?" Inakbayan si Jason, sabay bati sa kanilang mga nanduon. Nabawasan ng kunti ang tension sa kwarto dahil sa pagdating ng mukhang masayahing lalaki.

"Hindi pa naman, mag uumpisa pa lang. Tamang tama ang dating mo. Good morning every one, welcome to the head office, iginala ang tingin at hindi maipagkakaila na may extrang ilang segundo napako uli ang tingin nito kay Sarah. I am Jason Opsima, and this is Bryan Co.He is the Director of Operations and one of you will be assigned to his office.

Bumati ang lima sa nakangiti pa ring si Jason. Bumati din ito sa kanila at sinabing si Jason naman ang vice president ng kumpanya at isa din sa kanila ang mapupunta sa office nito, isa din sainyo ang mapupunta sa mabait na head ng human resources, sabay kindat sa nangingiting babae. Nahalata ni Sarah na para pa itong kinikilig nakikinig kay Bryan.

Napatingin si Sarah kay Bryan, hindi pa man, gusto na niya ang personality ng pinsan. Malapit na agad ang loob niya dito. Hindi niya namamalayan na napatagal ang tingin niya dito na napansin naman agad ni Jason dahil sa dalas ng sulyap nito sa kanya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagbago ang pakiramdam ni Jason. Hindi niya nagugustuhan ang ngiti ni Sarah habangnakatingin kay Bryan.

Si Bryan na ang nagsalita, nag paliwanag ng mga bagay bagay tungkol sa mga magiging trabaho nila, kung ano mga inaasahan nilang gagawin at in return kung ano magiging impact nito sa kabuuan ng kumpanya. Ipinaliwanag din ni Bryan na ngayong ang President and CEO ay si Neil Emerson Jr na, asahan nilang marami pang mas magandang pagbabago dahil naniniwala daw si NEC JR na nasa young generationang pag asa ng anumang successful organization kaya ang mga gaya nila ang nanduon para ihanda sa mas challenging na posisyon pagdating ng tamang panahon.

Natuon na ang pansin ni Sarah kay Bryan. Nakalimutan na niya ang pagkailang kay Jason na lalong tumitindi ang nararamdamang recentment na hindi na sa kanya nakatuon ang pansin ni Sarah.

Si Will Henares ang nakakapansin sa madalas na panakaw na tingin ni Jason kay Sarah. Kinalabit niya ang dalaga at binulungan. "Miss Ganda, mukhang interesado saiyo si Vice President, kanina pa panay ang sulyap saiyo."

Namula si Sarah, napatingin kay Jason na lalong sumama ang mukha ng makitang binulungan ni Will ang dalaga. 

Binawi agad ni Sarah ang tingin, binulungan din si Will,"sayang no, ang gwapo pa naman pero mukhang suplado. Tingnan mo naman kung makatingin, parang kakain ng tao." Hindi napigilan ni Sarah ang mapangiti sa birong sagot ni Will na baka hindi pa nag almusal at ang tingin kay Sarah ay toast with butter.

Napansin ni Bryan si Sarah, nginitian nito ang dalaga ng magtama ang mga paningin nila.”Hindi pa man, mukhang meron na agad nagkagaanan ng loob sa grupo ninyo. Care to share the joke Miss....?”  Nanunukso ang mga matang  tanong nito kay Sarah na namumula na sa hiya dahil sa kanya na nakatingin ang mga nanduon sa conference room.

 

“Sir..?” Hindi malaman ng dalaga kung paano sasagutin  ang nakatingin pa rin sa kanyang si Bryan. Naglakas loob itong sinulyapan si Jason na pormal pormal ang expression. Nakaramdam na naman ng tensyon ang dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang tingin sa kanya nito.

 

Naramdaman ni Will na nalalagay sa alanganin ang bagong kaibigan lalong lalo na at alam din niya na hindi naman nila pwedeng sagutin ng tutuo ang tanong ng isa sa mga big bosses nila kaya nagdesisyon siyang siya na lang ang sumagot.

 

“Binibiro ko lang siya Sir na parang nababasa ko ang iniisip niya na pinapanalangin niya na sana sa office ninyo siya mapunta pero sabi ko  huli na dahil ako ang napili ninyo.”

 

Nagkatawanan mga nanduon maliban kay Jason na tumaas na lalong kumunot ang noo.

 

“No offense po sa ibang big bosses na nandito, binibiro ko lang po siya,” dagdag pa ni Will.

 

Tiningnan ni Will ang hawak na papel. “You are..?”

 

“Will Henares Sir.”

 

“And your name Miss..?”

 

“Sarah Geronimo, Sir.” Nahihiyang sagot ni Sarah.

 

“I am flatterd, unfortunately, Will is right, My office is already taken, and he is right too, he is the one assigned to my office.”  Nakangiting tumingin uli si Bryan kay Sarah which at this moment is perfect for me , I don’t want a beautiful lady like  you be a distraction while I am working.” Kinindatan si Sarah na lalo ng nahiya.

 

“Nagbibiruan lang po kami Sir, kahit saan pong office ako mapunta, it will be an honor po.” At last ay nasabi ng diretso ni Sarah. 

 

“Of course Ms Geronimo, we know that,” Bryan said still smiling.  I think I would say you are the luckiest as of now,   if I am not mistaken you are  assigned to the Vice President's Office." Sabay tingin kay Jason na pormal na pormal pa rin.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon