"I am a father and did not even know it." Naiiyak na nasabi na lang ni JR.

"Matagal na sana naming gustong ipagtapat saiyo ang ginawa namin pero nauunahan kami ng pagkapahiya sa sarili at pangamba na tuluyan ka ng magalit sa amin."

"Magsasalita pa sana si JR, tatanungin ang ina kung saan na nila ito pinahanap ng makarinig sila ng katok sa may pintuan.

"Sir JR, yun pong campaign manager ninyo nasa baba, hinihintay po kayo,importante lang daw po ang sasabihin niya." nahihiyang sabi ng isa sa mga katulong sa bahay.

'Naaalala ni JR na sinabihan nga pala niya ang campaign manager niyang dito na lang sa bahay ng parents niya sila mag usap.

"Sige , pakisabi na lang bababa na ako."

"Anak, ano plano mo ngayon?"

"I don't know Mom, gusto kong malaman kung tutuong may anak ako kay Lena at gusto ko silang makita."

"Malaking iskandalo pag nalaman ng mga tao na may anak ka sa labas lalong lalo na sa kandidatura mo."

"Anong gusto mong gawin ko Mom? Pabayaan na lang at hintayin kong magpakilala sa akin ang anak ko? Malabong mangyari yun, mahirap lang si Lena pero mataas ang dignidad nuon. Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi niya ipinalit ang chekeng ibinigay ninyo." Pigil na pigil na sagot ni JR sa ina.


Napayuko na lang si Margaret Co, alam niya matatagalan bago siya mapatawad ng anak.

"Ilang araw ko ng napapansin na tahimik ka Ninong. May maitutulong ba ako sa kung anumang gumugulo sa isip mo?" Nag aalalang tanong nito.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni JR. Nalaman ko na malaki ang posibilidad na may anak ako. Napatitig ito kay Jason, "at kung hindi ako nagkakamali, halos kasing edad mo na siya ngayon."

Hindi makapaniwala si Jason. "Does that mean......? Lena?" Napangiti na ang binata. "Wow! This is exciting!"

Nawala din agad ang saya sa mukha nito ng makita ang expression sa mukha ni JR.

"Why so worried then? This is a happy news!"

"I am happy but at the same time worried. Sabi ni mommy, matagal na nila silang pinapahanap pero para siyang bulang naglaho. Walang makapagsabi kung nasaan na siya."

"Do you want me to take care of it? I can call some friends who are good in finding missing persons." Jason offered.

"Right now, I don't know where to start. I want to find them. I wish I can back out from this senatorial candidacy." Malalim na buntong hininga ang pinawalan ni JR.

"Just let me know if I can do something to help out."

"Your hands are full, looking after the company and all. Don't what to do if you are not here, you know."

"Sino pa ba magmamalasakit sa mga business natin, di ba? By the way, will you be here to welcome the trainees from the province? "

"I want to but will be flying to Cauayan, Isabela that afternoon. We should meet for lunch so you can update me about it before I leave. Kristina is having a get together dinner at her place tonight, some big politicians will be there. Do you want to come? She asked me to ask you."

"No, thank you. You know me and politicians. So this Kristina thing is getting serious by the look of it."

"What made you say that?" Nakakunot ang noong tanong nito sa anak anakan.

"Just noticing it. Don't get me wrong, I am happy if she is the one. She is a very nice lady."

"She is but we know what we are to each other. We are just friends who enjoy each other company"

"If you say so!" Nangingiting sagot ni Jason.

Nagkibit balikat lang si Neil. Tutuong madalas nga silang magkasama ngayon ni Kristina na nagugustuhan nuon pa ng mga magulang niya para sa kanya. Maganda ang kumbinasyon nila. Marami ang nagsasabing bagay sila kaya naman hinuhulaan ng marami na hindi magtatagal at mababalitaan na lang nilang ikakasal na silang dalawa.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng marinig niya uli ang boses ng inaanak.

"You think this training of your best employees in the provinces will do the company good?

"I am sure , we need new ideas, new innovations. Look how our companies are doing so well, it's all because of you."

"Not just because of me Ninong. All my ideas are nothing if you did not support them."

"Bakit hindi ka kumuha ng personal assistant mo? Makakagaan ng malaki saiyo kung kukuha ka lalo na ngayon na ikaw na halos ang nagpapatakbo ng mga business natin. Pag nanalo ako, mapipilitan din akong mag resigned sa pagiging CEO. "

"Laarni is good enough for me. I don't need one."

"Just try iho, mamimili ka na sa isa sa mga trainee galing sa probinsya. Try mo lang, pag talagang ayaw mo di , ihanapan mo ng ibang gagawin. Ilan ba silang trainee?"

May kinuhang folder si Jason sa ibabaw ng mesa niiya. Tiningnan at binasa ang mga papel na nasa folder at sinabing, "there are five of them"

"Did you tell them that we will send one of them to the US whoever we thought is the best candidate?"

"No, we will just observe them first, yung makikita talaga nating nag sisikap silang mas marami pa silang matututuhan."

"Kaya naman tiwalang tiwala ako saiyo, salamat naman at habang dumaraaan ang panahon ay mukhang mas nagmamalasakit ka na sa mga negosyo natin."

"Of course, sino pa nga ba ang ibang mag aasikaso at tultulong saiyo?"

"Sa nakikita kong dedication mo sa mga trabaho dito sa opisina, natatakot naman ako na baka isang araw bigla ka na lang ma in love, mapabayaan mo ang mga negosyo natin. Alam mo naman na ngayong papasok na ako sa politika, ikaw lang talaga ang inaasahan kong magpapatakbo ng maayos sa mga negosyo natin. Naturingan ngang may kapatid ako, panay problema lang din ibinibigay at maglustay ng pera. Hindi na ako magtataka na yung perang nahawakan nila ng cash ay mauubos na agad."

"Naku Ninong, don't worry, priority ko ang trabaho. Sa ngayon hindi ko pa nakikilala ang babaeng makaka distract sa akin para lalo pang mapalago ang mga negosyo natin."


Napangiti na ang ninong ni Jason sa sinabi ng inaanak. "Can't wait to see when you find the one for you."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon