Aba, teka! Parang kilala ko 'yon, ah! Tapos hindi ko napansin na ako pala ang susunod na ipakikilala.

"Here's Mr. Cee Villonco, our HR trainee," pakilala ni Insan sa akin.

"Cee?" tanong niya.

"Hi, Rie! Ah, este Ma'am Rie," sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Sina Rie pala ang may-ari nito? Yaman talaga nila, oh!

"Uy, ano ka ba? Parang 'di tayo friends, kumusta?" sabi niya.

Napanganga na lang ang mga tao sa paligid namin. 'Yan ang gusto ko kay Rie, kahit ano'ng yaman at kahit saksakan ng ganda, marunong mag-treat ng kaibigan.

"Ayos naman, Ma'am pala kita eh," pagbibiro ko sa kanya.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Insan.

"Oo naman, best friend 'yan ni Mojow, ano nga, ma'am?" sabi ko.

"Naku! Kay dad naman talaga 'to. Pinapunta lang ako dahil ako rin naman daw ang magmamana kaya dapat ko raw alamin 'yong pasikot-sikot. 'Wag mo na akong i-Ma'am, ang awkward," sabi niya tapos tumawa.

"Sige, Rie, ay itu-tour ka pa yata nila," sabi ko.

"Ah, sige! kuwentuhan na lang tayo pagkatapos, see you later," sabi niya.

"Sige," sabi ko.

"So, let's proceed, Ma'am," sabi ni Insan.

Ipinakilala 'yong lahat ng HR staff tapos maya-maya ay bumalik na siya sa cubicle ko.

"Uy, Cee!" tawag niya sa akin. Walang pakialam sa sasabihin ng mga kasamahan ko sa HR.

"Aba! Ang bilis mo naman yata natapos?" tanong ko.

"Sabi ko'y mamaya na sa ibang department," sabi niya. Iba talaga kapag anak ng presidente!

"Ah, sige."

"Hoy, ikaw!" sabi niya bigla.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Bakit hindi ka na raw pumupunta kina Sistar?"

"An-" tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isang niyang kamay.

Kumuha siya ng scratch paper sa lamesa ko tapos may isinulat siya. Hindi ko pa masyadong mabasa dahil parang doctor siyang magsulat.

"Busy sa trabaho e," sabi ko para sa mga letseng camera na hindi ko alam kung nasaan.

Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Sumagot ka lang ng peke.

"May nag-report sa'yo, Cee, kailangan kitang makausap, asap," sabi niya habanh nakatingin sa papel.

Napatingin ako sa kanya nang nabasa ko ang nakasulat sa papel. Paano niya nalaman? Hindi ko maintindihan, may kinalaman ba siya? Hmm...

Talaga? Paano? sulat ko sa baba ng sinulat niya. Suma

Mahabang kuwento! Tara sa office ni Daddy, doon tayo mag-usap, safe ro'n.

Sige!

"Okay po, ma'am!" sabi ko sa kanya.

Sumunod ako sa kanya sa office ng president.

JOAN

Hindi ako maka-move on sa sinabi ni Mommy no'ng minsan...

After akong ihatid ni Philip galing kaming SM...

"Anak, may good news kami sa'yo," sabi ni Mommy.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Makakasama na natin ang daddy mo sa Australia," what? seryoso ba siya?

"Ha? Paano? Kailan? Bakit?" don't get me wrong, masaya ako dahil mabubuo na uli kami pero parang hindi pa ako handang umalis lalo na kung ganitong hindi ko maintindihan si Cee.

"Ipe-petition daw tayo ng Dad mo. Company na niya ang nag-asikaso. Doon na kayo mag-aaral lahat dahil stable na rin kasi siya roon eh. 'Di ka ba excited?"

"E-excited naman, Mommy, pero hindi ba puwedeng tapusin ko na ang college ko rito?" this can't be happening!

"Sa Australia na raw kayo lahat mag-aaral anak, sabi ng daddy mo."

Ano ba naman 'yan? Paalis na raw kami next week dahil matagal na pala nilang plano 'yon pero nito lang naging sure. Ang bilis namang naayos ng lahat!

Paano na ako? Maiiwan ko ang mga manliligaw ko tapos hindi ko pa nakakausap man lang si Cee. Ang mga kaibigan ko, paano na?

Ano bang gagawin ko? Kailangan may gawin na ako bago pa man kami umalis! Hindi puwedeng umalis ng ganito ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa. Kailangan kong maintindihan ang lahat!

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang