"Eh, baby naman eh, I still love you," sabi niya tapos napa-pout pa.

"But I love someone else."

Natahimik siya pero maya-maya ay inilalapit niya ang mukha sa akin, tumingin siya sa labi ko.

Ano ba naman ito? Ayaw kong manakit ng damdamin pero ginagawa niya itong mas mahirap para sa aming dalawa.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso bago pa man niya ako mahalikan.

"Baby!" saway niya sa akin.

"Don't make this hard for us, I don't want to hurt you, but you're not listening. I don't love you anymore," sabi ko.

"You're just confused, baby," sabi niya tapos akmang hahalikan ako pero inilayo ko ang mukha ko.

Kung ako 'yong dating Cee, matutuwa pa ako sa ginagawa niya dahil binibigyan niya akong ng advantage pero nagbago na nga kasi.

Tapos bigla nag-text ang psycho.

From: Unknown

Bigyan mo naman ng chance 'yong girl. Ikaw na nga sinusuyo, ayaw mo pa.

Kampi sa kanya ang psycho? Aba naman! May cameras ba dito sa bahay? Napatingin tuloy ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Nasaan kaya?

Teka nga, hindi kaya may kinalaman ito sa nangyayari sa'kin? Hmm... ano nga kaya?

"Vanessa, mas mabuti pa siguro, umuwi ka na," sabi ko. Ang kulit na sobra.

"Baby naman! Ipagtabuyan ba ako?" sabi niya sabay simangot.

"Hindi naman sa gano'n, ang kulit mo na kasi."

"I'm just being honest, baby."

"I know, pero hindi na nga magwo-work, Vanessa," sabi ko. Miss ko na lalo si Mojow.

"Why naman? Is there something wrong with me? Maganda, sexy, mayaman. What else can you ask for?"

"Nagtutunog pathetic ka na, parang hindi mo ako naririnig kanina pa,"

"I heard everything you said," sabi niya at nagbuntong hininga.

"'Yon naman pala eh," sabi ko.

"Okay, uuwi na ako," sabi niya tapos tumayo na at umalis.

Maya maya ay bumalik si Anda sa living room at nag-sorry pa dahil hindi raw niya sinadya na matapon 'yong drinks na dala ni Vanessa kaya pinalitan niya ng galing sa ref.

Sabi ko naman ay wala 'yon.

Hay, salamat! Hindi na masyadong nagte-text 'yong psycho.

Dumating ang Thursday at nasa office na ako, ngayon daw nga pala ang dating ng anak no'ng president ng Brilliant pages, sana chicks.

Maya-maya ay sumigaw si Insan Kris kaya naglingunan kami sa gawi niya.

"Guys! Nand'yan na sya! Back to work."

Humarap ako sa computer at gumawa ng memo kunwari, joke lang dahil hindi ako ang gumagawa no'n. Pero nacu-curious kasi talaga ako sa anak ng president namin.

Maya maya ay may naririnig na ako, mukhang nasa office na namin siya.

"Ma'am, welcome po sa HR department. Kristoffer Garcia po, HR manager," si Insan 'yon.

"Thank you!" sabi ng boses ng isang babae.

Babae 'yong bisita! Maganda kaya? Silipin ko kaya? Hmm... matingnan nga! Pasimple akong sumilip sabay upo uli at humarap sa monitor ng computer.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now