"Mali 'yang libro na 'yan, Belle," sabi ko.
"No, may mali sa'yo, ate. Kay kuya Cee ko kaya ito hiniram," noong marinig ko ang pangalan ay parang nag-skip ng beat ang puso ko.
Maka-skip naman, oh! Ano'ng feeling ba kasi ito? Never ko pa itong naramdaman dati! Ang weird naman.
"Mahal mo na 'te?" biglang bulong ni Nika.
"Huh? Pinagsasabi mo?" tanong ko.
"Sus! Tatanggi pa, kita ko na, 'te," sabi ni Nika.
"Tse!" sabi ko.
"Aminin mo ng mahal mo na si Kuya Philip," sabi niya.
Ah... si Philip ba? Ah, okay...
"Siya na lang ang nakikita ko lagi mong kasama eh."
"Sige, punta muna ako sa kuwarto," sabi ko.
"KJ mo, 'te!"
"Eh, iwas issue ka 'te! Showbiz mo!" narinig ko sinabi niya.
Pumunta ako sa kuwarto at humiga, maya-maya ay may narinig akong tao o hayop o both sa may balcony ng kuwarto ko.
Binuksan ko ang sliding door dahil gusto kong magpahangin tapos mamaya ay may naglalakad sa terrace ko.
Hala, sino 'yon? Magnanakaw? Hinigit ko sa bed side table ang isang vase na nakapatong para sure.
Tapos maya-maya ay may pumasok na dalawang babae.
"Sistar!" sabay nilang sigaw.
Na-miss ko nang sobra ang dalawang 'to! Soul sisters ko kaya sila!
"Long time, no see, mga sistar! Na-miss ko kaya kayo!" sabi ko tapos nagyakapan na kaming tatlo.
"Oo nga, sistar eh, well, kaya nga kami nandito ngayon," sabi ni Rie.
Humiga na kami sa kama pero bago 'yon ay ibinaba ko na uli ang hawak kong vase, natawa nga sila sa itsura ko tapos, nagkuwentuhan na kami.
"Oh, siya, hayaan na natin, kumusta naman ang buhay-buhay n'yo sa States, sistar? Hindi na tayo masyado nakapag-usap sa Batangas," tanong ko sa kanila.
"Okay naman, happy sa lovelife. 'Yan si Sistar, ang daming naghahabol sa University e hindi naman pumapansin ng kahit na sino, napakasuplada!" sabi ni Meg.
"Wow! Walang kupas ang kagandahan mo, sistar!" sabi ko kay Sistar Rie at natawa na lang siya.
"Alam n'yo kasi, ang mga 'yon, alam ko ang pakay sa akin, wala akong nararamdamang spark sa kanila," sabi ni Rie.
"Ang showbiz mo, sistar!" pang-aasar ni Meg.
"Tse! Ikaw nga d'yan, boyfriend mo na si Alberto!" sabi ni Rie.
"Sino'ng Alberto, sistar?" tanong ko.
Nakita ko na nag-blush siya bigla, kinikilig talaga, sistar?
"Eh, 'di 'yong feeling gwapo, eh hindi naman," sabi ni Rie.
"Sobra ka, sistar! Gwapo naman 'yon," mukhang tinamaan nga siya sa lalaking 'yun ah.
"Sa paningin mo lang, 'yong mga kaklase natin eh napapangiwi kapag nakikita kayong magkasama," hala! Hindi kaya ma-offend ang isang ito?
"True love 'yon, sistar," natatawa na lang ako sa kanila.
"Love is blind nga naman!" sabi uli ni Rie.
"Mahilig kaya ako sa exotic," kaya naman pala.
"Buti inamin mo na!"
"Hoy! Bakit ako na ang nasa hot seat? Dapat si Sistar Joan, siya dapat ang kinukumusta natin," sabi ni Meg.
"Oo nga naman! Kumusta naman ang love life mo, sistar? Si Cee, kumusta?"
Excited ako na makilala nila 'yong dalawa, ah, eh parang nag-iisa na pala. Hay... naalala ko na naman tuloy.
"Wala akong balita kay Cee, pero meron pang isa," sabi ko.
"Sino?" sabay na tanong nila.
"Philip, si Philip Pierro," sabi ko.
"Philip Pierro as in Serenity Café, Bar and Restaurant, Philip Pierro?" tanong ni Rie.
"Patay tayo d'yan," sabi ni Meg.
"Oo, ha? Bakit?" tanong ko.
"Sasabihin ko ba, sistar?" tanong ni Meg kay Rie.
"Sige, okay lang," sabi niya.
"Sistar, siya kasi 'yong guy na na-meet namin noong sa isang bar sa LA, eh na-love at first sight 'yang si Rie," what? Seryoso? Ang taas kaya ng standards ni si Rie! Kung sabagay, may ipagmamalaki naman si Philip. Pero hindi siya 'yong tipo na unang kita, gusto agad.
"Oy, hindi ah! Exagge ka makakuwento!" bakas sa pisngi niya ang pamumula nito.
"Nabaitan lang ako sa kanya gawa noong nawala tayo eh tinulungan niya tayong makabalik sa hotel," mukha na siyang kamatis sa pula.
"Excuses! Sabi mo kaya sa akin, crush mo 'yon!" sabi ni Meg.
Hindi na sumagot si Rie pero halatang nahihiya na.
"Sistar, any problem?" tanong ni Rie sa akin.
"Wala naman ah, bakit kayong lahat, 'yan ang tanong sa akin?" obvious na talaga! Oh no!
"Sistar, kilala ka namin, we know that look," sabi ni Meg.
Wala rin akong nagawa, kinuwento ko na sa kanila ang lahat. Ayos na rin na may ma-release ang stress ko.
"Ah, so, gano'n pala ang nangyari? Aww..." maya-maya ay nag-ring 'yong phone ni Rie.
"Mga sistar, wait lang, I need to take this call," sabi niya.
"Sige," sabi ko.
"Miss ko na ang Alberto ko!" biglang sabi ni Meg.
"Ipakilala mo naman ako sa kanya," sabi ko. Gusto ko kasing maintindihan kung ano nga kaya ang nagustuhan niya sa lalaking 'yon.
"Yaan mo, papapuntahin ko rito," sabi niya.
"Sabi mo 'yan, ah?"
"Oo naman,"
Pagbalik ni Rie, kinuwento niya ang supposed to be wedding niya sa anak ng isa sa mga kaibigan ng dad niya, sabi nga niya na buti at na-cancel dahil hindi pa siya handa at ayaw niya rin sa nirereto sa kanya.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 36
Start from the beginning
